40: Miles Away

3K 72 3
                                    

Mag tatanghali na ako umuwi ng bahay dahil kasama ko si Liam buong magdamag. We sleep on each other's arms and that is the best time I've had since a month ago. Dahil mejo lasing sya, hindi ko na hinintay na magising sya. Nilinis ko muna ng konti ang bahay nya lalo na ang sala, tapos nagspray ako ng room and fabric perfume. After dumating ng grabdriver na may dalang mga inorder kong pagkain online, umalis na ako. I just make sure na may makakaain si Liam pagkagising nya. I also prepared an aspirin tablet next to the foods so his hangover will ease even for a bit. I left a note saying he must eat, stop drinking, eating junkfoods and smoking. At the end of the note I told him that I love him so much, that is not a lie. And I'm gonna find a way to make everything alright.

Pagkabukas ko ng pinto, ang una kong napansin sa bahay ay ang isang maliit na maleta sa gilid, kahanay ng mga sofa. Habang nakatingin ako doon, may nga yabag ng paa sa hagdan, pababa. Napatingala ako, si kuya Yohan yung bumaba galing sa taas. Galing naman sa kusina sina papa at kuya Jacob.

"San ka natulog this time? Kayna Pia o Maureen?" Kuya Yohan's eyes were dull.


Nawala na lahat ng takot ko. It will disappoint him but sinubukan ko na naman, at least, I've proven myself to kuya already. Ang kaibahan lang ay mahal ko pa talaga si Liam and I've finally found a courage to fight for him.


"Kasama ko si Liam, sa kanya ako natulog." Direkta kong sagot sa kanya.


Hindi man lang nagulat silang lahat, parang expected na nila. The past month, tanging si kuya Jacob ang kinakausap ko, si papa din naman minsan kaso palaging nasa trabaho. Si kuya Yohan, never kong kinakausap, even by just simply asking for a water tuwing nasa hapag. Hindi kami nagpapansinan, alam naman nya kung bakit eh.


Huminga ng malalim si kuya Yohan at pumikit ng mariin. He is prolonging his patience. Pero alam ko na naghihimutok na sya sa galit inside.

"Magbakasyon ka muna kay na tito Ranny sa probinsya, doon ka mag sem-break."


"Mga gamit ko ba yan?" Tanong ko na yung maleta ang tinutukoy.


"Oo, ayusin mo na ngayong araw yang kailangan mong ayusin sa school. Para bukas makakabyahe ka na."

Natawa na lang ako kay kuya dahil sa sobrang galit. Sagad na. Sagad na sagad na yung pasensya ko sa gusto ni kuya mangyari. Parang mas malala pa nga sya sa daddy ni Liam eh. Sobrang mas malala pa sya.

"Kuya, habang ginagayak mo yang mga gamit na yan, naisip mo man lang ba yung gusto ko? Inisip mo man lang ba kung gusto kong suotin yung mga nilagay mo jan? Kung gusto kong gamitin yang mga sinaksak mo sa loob nyan? Naisip mo man lang ba kung gusto kong umalis? O baka gusto ni Amor na dito na lang sya sa bahay. Baka mas gusto nya na hindi ko na sya pinapakialaman kasi hindi naman na sya ignoranteng bata. Kuya, ni minsan ba naisip mo yan?"


"Lagi kong inisiip yan, Amor. Lahat ng ginagawa ko para sa iyo at sa pamilya naten." Sabi niya.


"Pero hindi mo inaalam kung gusto ko ba yang ginagawa mo para sa akin! Kasi gusto mo laging nasusunod kuya! Ano ba ang pamilya para sayo kuya?! Robot?! Pagsinabihan mong lumiko liliko? Ganon ba ang pamilya para sayo?!"


Ito ang unang beses na lalaban ako kay kuya. Nandito na. Naumpisahan ko na at sumabog na yung naipon kong galit.


"Ayusin mo yang buka ng bibig mo, Amor ha! Wala ka nang galang ah! Kita mo yang inaasal mo? Yan! Yan ang nakukuha mo kakadikit jan sa lalaki na yan! Umayos ka, baka kalimutan kong kapatid kita." Cautious ang boses ni kuya, more of a threat.

"Matagal na akong maaayos! Maayos akong nakiusap dati pero yang gusto mo padin ang dapat na masunod! Sinubukan kong ibalik sa dati ang lahat kahit na nasasaktan ako. Ginawa ko yung mga bagay na hindi ko gusto kasi mahal na mahal ko itong pamilya natin at natatakot ako na umalis ka na naman. Pero kuya, intindihin mo din naman ako. Kapag ikaw naman ang nakahanap ng mamahalin, hindi naman namin sya itataboy paalis. Iwe-welcome pa namin sya sa pamilya kasi doon kami sa kung saan ka sasaya. Kasi kung mahal mo sya, mahal din namin sya. Kaya bakit ganito ka sakin, kuya? Alam kong mahal mo ako pero bakit ayaw mo akong sumaya?" Nagumpisa na akong magiiyak sa kinatatayuan ko.

Mister & Miss VirtuosoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon