[AFTER A MONTH AND A WEEK]
Kahapon pa ako kinukulit nina Pia at Maureen. Maluha-luha na sila habang nagmamakaawa sa akin na wag na lumipat ng school. Kahapon lang natapos ang 2nd grading, 1st sem examination namin. Kahapon ko lang din pinaalam sa kanila ang tungkol sa paglipat ko. Nakahanap na kami ni papa ng magandang school, accessible and good location lalo pa't dalawang sakay na lang ang gagawin ko. Isang tricycle palabas ng subdivision at bus.
Bukas maguumpisa ang clearance namin. Dalawang araw lang ang binigay na palugit sa amin para kumpletuhin ang clearance tapos pwede na kami mag sem break. As for me, I have no time to rest dahil madami akong requirement na kailangang makuha sa school ko ngayon. I need stuffs like good moral, form 137, certified true copy of registration, at kung anu-ano pa prior to my transferring process.
Just like the usual set-up in school pag ganitong end of quarter, nagkukumpulan sila sa tapat ng bulletin para tignan kung anong naging rank nila sa buong 1st sem.
Naka stop lang kami nina Mau sa gitna ng hall habang nagkakasundo para sa kakainin naming miryenda nang may lumapit na kaklase namin.
"Amor!!" She called me cheerfully. "Congrats!! Nasa top ka ng 1st sem!!"
Ganon na lang lagi ang naririnig ko tuwing ganitong panahon kaya normal na sa pandinig ko.
"Salamay, Nelly." Sabi ko sa kanya.
"Sige ha? Congrats ulit! Hindi ko ine-expect na matataasan mo si Liam, galing mo talaga, girl!" Tapos tinapik nya ang braso ko saka umalis.
Nagulat ako sa statement nya na nalamangan ko daw si Liam. Dahil nacurious agad ako, tumakbo ako sa may bulletin at nakipagsiksikan ako sa mga estudyante doon na naghahanap ng pangalan nila. Sumunod sa akin sina Pia at Maureen.
Shocked. Hindi ako makapaniwala na nakatingala ako ngayon at binabasa ko ang sarili kong pangalan sa unang spot ng ranking para sa 1st sem.
1. Amor F. Simson — 96.17%
Pero kahit na yun yung matagal na matagal ko nang gusto makamit, bakit ngayon na nasungkit ko na ang highest rank, bakit hindi ko maramdaman yung saya.
"My gosh!!" Napalingon ako kay Maureen na ang laki ng mata habang may tinitignan. "Totoo ba tong nakikita ko?? Si Liam? Pang 106th lang??"
Kunot noo na sinindan ko ang tinuturo ni Maureen at kahit ako hindi makapaniwala sa nakita ko.
1. Liam Lee B. Devuelva — 88.316%
Habang nakatitig kami nang hindi makapaniwala sa puwesto ng pangalan ni Liam, may nagsalita sa gilid namin.
"Kawawa naman si Liam. Ginamit at dinistract lang ni Amor para makuha nya yung position ni Liam. Masahol pa sa linta at alimango." Sabi ng maaryeng boses ng babae.
Napatungo na lang ako nang marinig ko yun. Kasi naman... hindi ko man intensyon pero kahit saang anggulo tignan parang ganon nga ang ginawa ko kay Liam. Parang sinira ko lang yung focus nya para maungusan sya.
"Hoy, Dourrise, ayusin mo yang buka ng pasmado mong bibig ha. Pasabugin ko yan para makapag pahinga ka ng kakachismiss. Epal na to." Sagot ni Pia sa intentioal na pagpaparinig ni Dourisse.
"Tara na, Amor. Makakasapak pa kami dito ng babaeng puro ganda at sayaw ang alam pang 434th naman ang rank." Sinabi ni Maureen yun sa mukha mismo ni Dourisse.
BINABASA MO ANG
Mister & Miss Virtuoso
Teen FictionAmor F. Simson always consider everything as a competition especially if Liam Lee B. Devuelva was involved. Academic performances, leadership competition, math quizbee, extra curricular activities. She consider every platform where they stood togeth...