7: Upcoming Senior's Night

2.6K 55 0
                                    


He made me feel like a fool. Minaliit na naman nya ako just like what he always does. That damn Liam will see. Hindi ako papaya na ganon-ganunin nya lang ako.

With so much anger in my heart and in my head, im still lucky because I was able to fall in a deep and peaceful sleep.

*              *                *

“Kuya! Kuya! Gising na, ui.” Inuuga ko si kuya Jacob dahil alas syete na. Minsan lang naman talaga mahirap gisingin si kuya. Siguro lang talaga’y puyat nanaman sya sa paggawa ng thesis nya kagabi. “Okay na yung baon mo kuya. Bahala ka na jan, may pasok din ako.” Tanging ungol lang ni kuya ang nagging sagot nya.

I went straight into my room after eating breakfast. Naligo at nagsuot ng maong pants, and for the first  time in history, gagamitin ko ang off-shoulder na regalo ni papa last birthday ko. Rainbow color ang fabric at mejo see-through ang style pero that’ll be okay dahil naka sports bra naman ako. Sinuot ko na din ang black flatshoe ko na pwede namang ipartner sa kahit anong kulay ng damit.

Dahil maaga si papa ngayon, nalibre ako sa pamasahe dahil dinaan nya ako sa school. Bago ako bumaba ng sasakyan ay napansin ni papa ang damit na suot ko. Sabi nya bagay daw yung ganitong damit sa akin, at masaya sya na sa wakas ay sinuot ko na itong regalo nya. Ewan ba. For some reason kasi gusto kong mag mukang maganda. Perhaps its because of Isaiah. So he can notice me even more.

Pagdating ko sa room, ang napansin agad nina Maureen at Pia ay ang suot kong damit. Sabi nila naguumpisa na daw akong pagpaganda dahil nag iimprove na ang status naming ni Isaiah. I share all my secrets to my bestfriends. They are my sisters that I never had.
After three nonstop classes, nagkayayaan kaming tatlo na pumunta sa cafeteria para sa break time. At syempre, dahil masyadong mahal ang mga pagkain sa school, hinayaan ko na lang yung dalawa na bumili ng pagkain nila from today’s menu.

Nang makaupo ako sa table good for four people, inilabas ko yung baon kong babana chips. Gumising ako ng maaga para lang makapagluto nito na babaunin naming tatlo nina kuya Jacob at papa. Inilabas ko din yung notebook ko sa Reading and Writing Skills subject para gawin yung assignment ko.

I’m chewing the chips when a very familiar voice speak up.

“Is the seat already taken?” nang tumingala ako, smile agad ni Issaiah ang nakita ko. Mabilis kong nilunok ang chips at sa awa ng Diyos hindi naman ako nabulunan sa harap nya.

“Ugh... o-oo. Sina Maureen at Pia,” natutuliro kong sagot kahit alam kong hindi naman nya kilala yung dalawa.

“Can I share the table? Good for four naman e,”

“Huh? Ah... okay. Sige lang,”

“Thanks,” he smiled and then sat in front of me. “Busy?” he asked.

I nod before saying, “kind of,”

Maya-maya pa’y nakita ko sina Maureen at Pia na papalapit na. Pero nang makita nilang nasa table si Isaiah ay mabilis silang huminto at ngumiti ng pagkalapad lapad. Dahil alam ko iiwan nila ako with Isaiah and then took a stolen pictures, inunahan ko na sila.

“Maureen! Pia! Dito!” ikinaway kaway ko pa ang kamay ko sa hangin. Lumingon si Isaiah sa kanila.

“Actually Amor, may pupuntahan kami nitong si Pia. Mabilis lang kami. Promise!” Maureen says. I saw Isaiah smiled at them tapos ay binaling na ulit ang tingin sa pagkain nya.

“Enjoy your meal!” bulong ni Pia tapos ay hinila na sya si Maureen sa isang vacant seat.

“Maureen! Pia!” I mouthed but they already settled in the table.

Binabato ko sila ng masasamang titig pero nginingitian lang nila ko’t inaasar. I rolled my eyes at them at sakto pang tumingin sa akin si Isaiah. His curiousity must have kick in para lumingon at tignan kung sinong tinaratayan ko. Mabilis na nagtago sina Maureen sa ilalim ng table and I’m so thankful for that.

“Something wrong?” he asks.

“Wala. May naalala lang akong nakakairitang bagay,” pagpapalusot ko.

“What is that you’re eating?” nang tumingin sya sa less-presentable na hitsura ng pagkain ko, mabilis na gumapang ang hiya sa katawan ko.

“Ugh... banana chips,”

“Mukang masarap, pwede? Pahinge?” I look at him. Surprise and almost blushing. Dinukhaw ni Isaiah yung Tupperware ko tapos ay kumuha ng chips and he stuff it on his mouth. “Hmmn, ang sarap ah! Sino gumawa nito? Magkano ang order mo sa ganto?”

“Ah... ako lang nagluto nyan,” nanlaki ang mata nya habang nakatingin sakin. Oh my god. He’ll melt me right now kapag hindi sya tumigil kakatingin sa akin ng ganto.

Maya-maya’y pumalakpak ng pagkalakas lakas si Isaiah. He then said, “Isa kang alamat,” napatawa na lang ako sa sinabi nya. We ended up talking about foods, their appearance, diverted into our favorite cooking show hanggang sa mapunta na sa movies ang uusapan naming.

We were laughing until my eyes was diverted to the entrance of the cafeteria. I saw him walking gracefully in the hall while the girls are watching his every moves. He is wearing his R.O.T.C uniform and he is sweating. Liam. Sinira na naman nya ang araw ko.

Napansin ni Isaiah ang biglang pagtamlay ko kaya’t lumingon sya. Nang Makita nya si Liam ay saktong nag ring ang bell. Break time is over. Same as fantasy is over.

“Ah, mauuna na ako sa’yo ha? Sige.” I smiled at him. Kahit na ayaw ko pang umalis ay kailangan. Para narin hindi nya mahalatang gusto kong kasama sya.

“Okay, bye. Salamat sa chips,” nginitian ko ulit si Isaiah tapos ay dali-daling lumabas ng canteen para hindi ako Makita ni Liam.

*              *                *

I was smiling like an idiot again since I left the cafeteria hanggang ngayong last period. Mas powerful parin talaga ang memories naming ni Isaiah kesa sa inis ko kay Liam. Nang mag ring ang last bell, pumasok ang aming homeroom teacher na si ma’am Lorna. Forty-six years old na si ma’am pero matatas padin ang memorya nya at isa sya sa pinaka magaling na English teacher sa school.

“HUMSS! Settle down please! I have an announcement to make,” pinukaw ni ma’am ang atensyon namin. Nagsiupuan naman ang lahat ng kaklase ko na ready nang lumabas ng room. With their bags on their back, my classmates still listen to ma’am carefully. “This Friday night, you are supposed to be here in campus. Class listen! You can’t enter the gate na ganyan ang inyong suot. Female must be in heels and formal dresses, male are ordered to wear suits and leather shoe. I want my class to show up in the best appearance you can make dahil once a year lang na kayo makakaranas ng Senior’s Night,” nang mabanggit ni ma’am ang papalapit na event ay agad na naghiyawan ang mga kaklase ko. “Okay, calm down! Calm down, HUMSS!” and so we did. Kahit na kalmado naman talaga ako, sa loob loob ko’y tumatalon ako sa tuwa. “Ngayon palang ay maghanap na kayo ng inyong kapartner or kadate. Lucky for those who are already in a relationship, pero doon sa mga wala pa, you better start asking someone to be your partner. Are we clear?”

“YES, MA’AM!”

“Remember, Friday night at SHS Auditorium. Party will starts at Eight o’clock in the evening. Late comers will be punished on Monday. Community service ang kaparusahan sa mga male-late so please. Just please, madaling araw palang mga babae, magmake-up na.” nag tawanan ang buong klase sa sinabi ni ma’am. “Okay, we’re dismissed.”

Mister & Miss VirtuosoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon