25: Personal Care Taker

2.4K 55 1
                                    

I'm laying on my bed while looking up at my ceiling. Naalala ko yung kalokohan namin ni Liam sa bazaar nung isang araw. Pagkalabas na pagkalabas ko kasi dun sa water monster na yun hinabol ko agad sya para kurut-kurutin kaso tumakbo ang depunggal.

In the end, nagmukha kaming lovebirds na naghaharutan. Everyone who witness our chase game look at us with admiration. Kahapon pa formally nagumpisa ang game. Volleyball, table tennis, chess, badminton ang mga games kahapon. Bukas basketball naman at yung mga natitirang games.

Habang nakahiga, naisip ko na magsend ng good luck kay Liam. Balita ko kasi player daw sya bukas. Umupo ako at kinuha ko yung phone ko na nasa ilalim ng unan.

I went to our conversation at ang huli pa nyang text ay nung hinahanap nya ako and I said nasa library ako. I was wondering, pagnagtext ako, ano iisipin nya? Pero that's what normal couples do naman diba? Gaga! Anong normal couple? Walang ganun! Hindi kayo normal! Isang fake ang relationship nyo! Pagpapaalala ko sa sarili.

I sighed.

Tinitigan ko ang phone ko and I started typing.

"Do... your... best... bukas... in... your... game..." I whisper habang tinatype ang words. "Ih! Sounds caring girlfriend." I complained then pressed the erase button hanggang sa maubos yung nasa message box. "Ito na lang. Hoy... balita ko... basketball player... ka bukas... Galingan mo." Binasa ko yung second message and think it's way too long. Binura ko ulit sya at saka ako nagsettle sa simpleng, "Good luck in the game." I tap send then kinagat kagat ko yung kuko ko sa hinlalaki.

I throw my phone away from me saka ako nag face palm.

Oh em giiiiiii! Ano kayang iisipin nya? Bahala sya. Nasend naman na. Hindi ko na mababawi yun.

I dive back to my bed. Inabot ko yung phone ko saka ko sya tinitigan. Ewan ko. Curious lang ako sa irereply nya— kung meron man.

Sobrang tagal akong nakatitig sa phone ko hanggang sa finally! Nagbeep sya!

I picked it up then open the message.

The message was from Liam. Ang kaso isang salita lang yun and its “thanks”. I feel disappointed kaya ibinalik ko sya sa ilalim ng unan ko tas dinaganan ko sya. Bakit? Bakit bigla ako nadisappoint? Ano bang ineexpect ko from him? Nakakainis! Nakakainis ka self! I groan while gripping the pillow.

I was in the middle of self-dilemma nang magbeeo ulit ang phone. This time kinuha ko sya ng walang sigla. I saw my lockscreen and there nabasa ko na may text ulit si Liam! Napaupo ako ng mabilis saka ko binuksan ang message nya.

>Liam Dumb
(+63)920817751*

Pwede mo ba akong puntahan dito sa condo?

✓ 7:37 P.M

All of a sudden, pakiramdam ko sumali ako sa marathon dahil sa nakakalokang bilis ng tibok ng puso ko. With trembling hands, I typed:

Ngayon na? Bakit?

Buti na lang naguusap kami through text dahil kung hindi, siguradong putol-putol ang boses ko.

Mister & Miss VirtuosoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon