24: Wet, Wet, Wet

2.7K 59 1
                                    

Last year's Intramural Overall Champion was ABM kaya naman the rest five strands will have to face each other in the court and then the last standing team will have to compete with ABM for the championship. Ang mga paglalabanang sports ay badminton for men and women, single and double catergory. Basketball for men and women, volleyball men and women, chess, race run, at iba pang sports.

Ako ang nagencode ng schedule for basketball kaya alam ko kung sino ang magkakalaban. Male and female category, it's going to be:

First Game: 8:00 - 10:00 A.M > ICT vs. ELECTRONICS (EPAS)

Second Game: 10:00 - 12:00 A.M > TOURISM vs. HUMSS

Third Game: 1:00 - 3:00 P.M > First Game Winner vs. Second Game Winner

Fourth Game: 3:00 - 5:00 P.M > STEM vs. Third Game Winner

Championship Game: 5:00 - 7:00 P.M > ABM vs. Fourth Game Winner

Last year kasi 1st placer ang STEM kaya sila ang kalaban sa semi-finals. Hindi na ako aasa na makakasali sa winner ang HUMSS because most of the boys in my department aren't sporty. Most of them prefer academic competition gaya ng quiz bee.

Sa ABM at STEM kasi madaming kalalakihan na magagaling sa sports. One of the biggest competitor is also EPAS na majority ng population ay males.

By Wednesday, nagumpisa ang sports fest. Ang unang mga araw ay nakalaan lang for parade, fund raising ng iba't ibang clubs and organization. The twist of the booths of the organization is that dapat sports ang dating ng kanilang game. For example nabalitaan ko na ang SSG Officers archery ang game nila. Kailangang pumutok ng lobo and winner will receive stuff toy. Each attempt costs 20 pesos.

Tuesday pa lang ng hapon ay kanya kanya nang build up ng tent at design ng kanya kanyang booth ang bawat officers and members ng clubs. Nakaline up ang mga tent sa kahabaan ng open field malapit sa amphitheatre. Bazaar ang nagyare sa unang araw na celebration.

Ang prinepare na game ng El Publicano ay yung gaya ng laro sa perya where you toss coin and may line boxes na nakaprint sa board which corresponds to the prize na makukuha mo if pumasok sa box yung piso coin ng customer. The prices in the boxes are five peso coins, ten peso coins, twenty pesos bill, chess board, basketball ball, shuttlecock, raketa, and other stuffs na pang sports. Patok na patok sa mga customers ang paandar namin kaya ang laki ng kinikita namin.

In the morning, ako ang in-charge and bandang hapon, nagshift kami ng AEIC ko para naman makapagpahinga ako.

By two in the afternoon, nakaupo lang ako sa canteen habang hinihimas at minamasahe ang nangangalay kong muslce sa binti. Mag isa lang ako kasi sina Pia at Mau ay nasa bazaar at gumagala. Sumabay pa sa sakit nang paa ko yung paltos na natamo ko sa kakausot ko lang na bagong sandals na hindi ko naman ine-expect na masakit pala ilakad.

"Okay ka lang?" Napatingala ako kay Isaiah na may hawak na Gatorade. 

Ibinalik ko ang mata ko sa paa ko at sabi ko sa kanya na okay lang ako.

Suddenly, ibinaba ni Isaiah ang bote sa mesa at saka sya lumuhod sa harap ko. My eyes shot open nang gawin nya yon. Kinuha niya yung paa ko and the moment his palm touches my feet, good grace, para akong na ground sa kuryente.

"B-baket? Ano yang ginagawa mo? Tumayo ka nga, nakakahiya!"

"May paltos ka ah." He said after assessing my feet. "Lalagyan ko sya ng band-aid for the temporary ease, pero I highly think na wag mo nang ipagpatuloy na gamitin yang sandals mo." Kumuha si Isaiah ang band-aid mula sa bag nya. Ni hindi ko nga inaasahan na nagtatago pala sya ng band-aid. Sports oriented kasi sya kaya siguro ready sya. "Finished," he remarked nang matapos nyang lagyan ng dalawang band-aid yung kanan kong paa.

Mister & Miss VirtuosoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon