[Amor's Point of View]
By 9:30 ng gabi, natapos ang preliminary rehearsal. Nakasimangot ako buong oras na nagb-blocking dahil kay Liam. Hindi ko inaakala na sasali sya, further than joining in, hindi ko inaakala na kukuhaan nya ng role si Isaiah.
Nang ideclare ni ma'am na pwede na kaming makauwi, lumapit agad ako kayna Pia at Maureen para sila ang makasabay ko. I intertwined my arms on theirs kaya napapagitnaan nila ako.
"Hindi mo kasabay hubby mo?" Pia asked na mejo nilandian nya yung word na hubby.
"Hindi. Hayaan mo sya,"
"Sus! Pero deep inside kinikilig ka! Ikaw ha, ang plastic mo!" Tapos tinusok ni Maureen ang tagiliran ko habang inaasar nya ako.
"Mau! Ano ba yan! Wag kase!" Tawang-tawa ako habang iniilagan ko yung pagsundot nya sa tagiliran ko. "San tayo ngayon? Pili kayo, Inasal, Jollibee, McDo or tuhog-tuhog na lang with milk tea?"
Nagkatinginan yung dalawa at sa titigan pa lang nila alam ko na nakapag decide na sila.
"Street foods syempre! Ano? Tara na!" Pia and Mau said in chorus saka nila ako hinila papalabas ng campus.
"Lezz go!" I cheered saka namin mas binilisan ang lakad.
Naglalakad kami palabas ng street ng school kasi papunta kami ng highway nang huminto yung sasakyan ni Liam sa tabi namin. Napatingin kaming tatlo sa driver's seat, bumaba yung tilted glass saka sumilip si Liam.
"I'll give you a lift," he offered.
Mukhang o-oo yung dalawa kaya inunahan ko na.
"Hindi na. Maglalakad na lang kami. Diba?" Tumingin ako sa kanilang dalawa.
"Actually after nung pinaggagagawa natin na yun, gusto kong sumakay." Pia whispered and Mau agreed.
"Sumakay na kayo. Please, Amor. Pumayag ka na," Liam utter.
Kinunsulta ko yung dalawa, asking "ano? Ano ba gusto nyo?"
"Bat kami? Ikaw. Ikaw mag desisyon, kayo may tampuhan eh." Mau excluded herself and Pia from the current situation na kailangan ng wise decision.
"Okay. Sakay na tayo para libre." I used the free fare as an excuse. Actually ayaw ko muna makasama si Liam para naman matuto sya sa kapraningan nya. Kaso kasi gabi na, madalang ang tricycle at malayo pa ang lalakarin namin. At least sa kanya, we are safe, makakatipid kami at mas comfortable.
Inunahan ako ng dalawa sa passenger's seat kaya I ended up in the front seat katabi ni Liam.
Yung dalawa sa likod may sariling conversation habang nagshe-share sa iisang phone. Mukhang may pinagchi-chismisan na naman sila sa social media. Hindi naman ako makasingit sa usapan nila kasi hindi ko makita yung pinaguusapan nila, hindi ko marinig yung topic nila at saka ayaw kong lumingon kasi makikita ko lang si Liam.
Gaya ng order namin kay Liam, dinala nya kami sa Circle, a plaze na kung pagkain ang hanap, perfect puntahan kasi laging open ang food baazar dito.
Sabay-sabay kaming tatlo na lumabas ng sasakyan saka pumunta sa tent nung suki naming vendor. Ten peso takuyaki ang benta nya. Sa tabi nya may tuhog-tuhog na kwek-kwek, kikiam, fishball, yung malaking itlog na binalutan ng orange na harina, hotdog at shanghai. Sa next tent, milk tea ang product, tapos sa next pa is ihaw-ihaw. Yung apat na sunod-sunod na yon is yung lagi naming binibilhan kaya may discount na kami kapag bumibili. Lagi kaming may 10 peso worth na libre. Not bad diba?
Sina Pia, sa kwek-kwek muna sila pumunta, ako naman sa ihaw-ihaw. Kukuha palang ako nang isaw nang pinigilan ako ni Liam.
"Wag! Madumi yan diba?" Mabuti na lang at hininaan ni Liam yung judgement nya kundi nako! Itatakwil ko talaga na kasama ko sya.
BINABASA MO ANG
Mister & Miss Virtuoso
Teen FictionAmor F. Simson always consider everything as a competition especially if Liam Lee B. Devuelva was involved. Academic performances, leadership competition, math quizbee, extra curricular activities. She consider every platform where they stood togeth...