For the first time in history, natakot akong pumasok sa school. I'm the type of student who is waking up every single day of weekdays looking forward to another privileged of going to school. Pero ngayon, parang ayoko pumasok sa loob ng isang buong linggo. Sigurado kasi ako na ako ang pinaguusapan ng mga kapwa ko seniors.
Yes I like attention. But not this way. Gusto kong makilala as a role model not some slutty teen who does PDA anywhere. At isa pa, patuloy na nag te-text sa akin si Liam. Kesyo di daw ako makakatakas sa kanya, yari daw ako, pagsisisihan ko yung ginawa ko. Kung alam nya lang kung gaano ako nagsisisi.
"Amor! Anong oras na ah? Bakit di ka pa umaalis?" Kumatok si kuya Yohan sa kwarto ko. Hapon pa ang pasok nya ngayon.
Binuksan ko ang pinto. Kuya Yohan look at me a little curious.
"Pasok na ko kuya," dinaanan ko sya saka ko sinara yung pinto ko.
"Ano nangyare sayo? Bat ang tamlay mo?"
"Walang nangyare! I mean, anong mangayayare? Wala ah."
He eyed me then raise his brow, "pag nalaman kong may kalokohan kang ginagawa tumigil ka na lang sa pag-aaral ha. Sinasabi ko sayo, Amor. Pag nalaman kong may boyfriend ka bahala ka mag paaral sa sarili mo." He warned na mejo kinainis ko. Paulit ulit na lang kasi wala ba syang tiwala sakin? Pero natatakot din ako kasi nga may kalokohan akong ginawa. Ang tanga ko kasi. Bwiset kasi si Liam! Bwiset to the highest level!
"Alam ko na yan, kuya. Paulit-ulit na lang nakakaumay. Pasok na ko."
Nakalabas na ako't lahat lahat ng gate namin di pa tapos si kuya mag nag. Napaka pakla naman ng simula ng araw ko.
While on my way to school, iniisip ko kung dapat bang lumapit muna ako kay Liam at humingi ng dispensa. Pero para ko na ring binaba ang sarili ko nun. Mag so-sorry ako kahit na kanino basta wag sa kanya. Like duh. But again, it was my mistake. Ano ba dapat kong gawin?
Tinimbang ko ang dalawang side ng option and asking for apology is the best choice na nakikita ko.
Pagkababa ko ng bus ay sinuot ko ko na ang bonet ko at facemask. Low profile lang dahil ayaw kong makita yung mga mata ng ka-schoomate ko na nakapako sa akin. Dahil mejo late na ako pumasok ay tapos na pala ang flag ceremony. Students are ascending, their making their way to their classes. Pinapanuod ko ang paglabas nila mula sa auditorium kung saan ginanap ang flag ceremony. Tanaw naman kasi mula sa bawat corridor ng Senior High building ang auditorium.
Wala pang ibang students sa 3rd floor. I'm still safe for now. I don't know later. Naka lean lang ako sa railing ng biglang may tumawag sa pangalan ko. My heart pound hard. Reliefness flow when I saw it was just ma'am Olivar at hindi squad ni Andrea na paniguradong readycna na awayin.
"You didn't attend flag ceremony?" Hawak ni ma'am ang makapal na libro nya ng General Math, mga photocopies ng ipapaquiz nya at laptop nya. I offered her a hand and we get in the room after she unlocked the door.
Habang nagdi-discuss si ma'am ay paulit-ulit lang akong gumagawa ng bilog sa notes ko. Nakahalumbaba at tulala pinapanuod ko ang bawat linyang nabubuo ko sa papel ko. From the moment Pia and Maureen get into the room, gusto na agad nila i-open up ang conversation about my stupid action the night of party pero nag start na agad ng klase si ma'am.
After discussion ay nagpaquiz nga si ma'am. I answered it. Dahil kinulang sa oras ay si ma'am na lang daw ang magche-check ng quizes. When ma'am Olivar left, nagtakbuhan sina Pia at Maureen sa akin. Pati na rin ang ilan kong closed friends.
"Kayo pala ni Liam, Amor! Akala ko pa naman mortal mong karibal yun." Pang aasar ng mga kaklase ko tapos nag "ayiee" pa sila.
"Galing mo din magtago 'day ng secret ha. Pwede kayong magjowa sumali sa Drama club. For sure over qualified kayo sa screening," panggagatong ulit ng iba.
"Tigilan nyo nga muna si Amor!" Pagsasaway ni Maureen tapos binato nya ng masamang tingin yung mga nangaasar sa akin.
I feel so suffocated. Ayoko ng ganitong feeling. Ang bigat bigat huminga.
Walang imik akong tumayo sa upuan, I grabbed my face mask at lumabas. I can feel everyone's eyes watching me. I hate this feeling! Pakiramdam ko pinagchi-chismisan nila ako. Pakiramdam ko they're telling negative traits about me.
Pumunta ako ng rest room. Ilang segundo lang ang lumipas ay nasa tabi ko na sina Maureen at Pia.
"Okay ka lang?" Tanong ni Pia.
Tumitig muna ako sa sarilikong repleksyon sa salamin. Then hinarap ko sila.
"I will ask apology to Liam."
I saw how terrified they'd become.
"What? Wag! If hihingi ka ng dispensa, lalo kang masisira." Sabi ni Pia.
"Pia's right. Nagawa na namin paniwalain ang lahat na may secret relationship kayo ni Liam. Ayaw ko na sanang sabihin to, Amor, pero I have to dahil jan sa balak mo. Nung kumalat yung pictures nyo ni Liam sa internet, many of our schoolmates started showing hatred against you. Malakas kasi ang influence ni Andrea. Pero nabago namin yung takbo ng situation a dahil sa fabricated story nyong dalawa. Kaya kung hihingi ka nga ng dispensa, you will make it all worst."
Natahimik ako saglit. The fuck. I never expected na makukulong ako sa ganito kalaking gulo. San ba kasi napunta ang isip ko ng gabing yon?!
Although sinabi na ni Mau ang consequences ng pag aapology kay Liam, I still look at them straight to their eyes then said, "I really appreciate your efforts guys, pero sa tingin ko this is the right thing." I hold their hands then massage them both bago ako tumakbo palabas ng rest room.
I wore my mask then continued running hanggang sa marating ko ang elevator. I know the schedule of STEM star section dahil katulong ako ng registrar nung ipinost namin yun sa bulletin board.
Nasa fifth floor sila ngayon room 503. Nang ihatid ako ng elevator sa floor ko ay mabilis kong lumabas. Binagalan ko ang lakad ko papunta sa room. All of a sudden, biglang umatras ang buntot ko. Parang gusto ko na lang yung plano nina Maureen.
Nasa tapat pa lang ako ng room 502 ng bumukas ang pintuan ng 503 at nagsilabasan na ang mga STEM students. Mabilis akong tumakbo papalayo at nagtago sa haligi malapit sa hagdan pababa. Tumingala ako sa bulletin at nagpanggap na naghahanap ng pangalan sa official ranking.
Nangangatog ang tuhod habang nagsisidaanan ang mga STEM Students. Lahat sila'y papunta sa mas mababang floor at kamalas malasan naman dito pa ako nagtago sa madadaanan nila.
Lahat sila by group ang paglalakad. Mga nagku-kwentuhan at tawanan. Nakatalikod parin ako. I thought ubos na silang lahat until two voices approach. And I know I heard my name habang naguusap sila.
"How about Andrea? Busted ka na ba talaga?" I heard a guy ask.
Shittttttt! Si Liam yung kausap nung guy! Pilit kong isuksok ang sarili ko sa haligi habang palakas ng palakas ang boses.
"No. Hindi ako gi-give up kay Andrea. That girl, that silly girl, Amor, I will make her pay for the damage she has done. Lagot talaga sya sa akin." Sabi ni Liam na ikinatawa nung kausap nya. Tapos lumagpas na sila nang hindi ako napapansin.
Oh my God!
Oh my God!!
I think mas maganda nga yung plan nina Pia. Natatakot ako. Until now nanginginig ang tuhod at kalamnan ko.
I check the hallway first. Wala nang ibang tao. Mabilis kong inalakad yung hall papunta sa kabilang elevator. As much as possible, I need to put up distance between Liam and I.
When the elevator opens, hindi ko naihakbang ang paa ko dahil laman nito si Isaiah na may hawak na projector and laptop.
Triple oh my God!!!
Ayoko pa sana sya makita. Imposible kasi na di nya alam ang issue ko. Wala na akong mukhang maihaharap sa kanya.
"H-hi..." I greetes him kahit pautal-utal ako.
"Are you going down?" I nod. "Get in,"
Pumasok na ako. I pressed the button 3 which indicates the third floor.
We ride the elevator in the complete silence. Nang huminto ang elevator sa third floor, Isaiah spoke.
"You and Liam look good together." I turn around to see his face with a fake smile. Bago ko pa sabihin sa kanya na mali sya ng iniisip ay nagsara ang elevator. He's gone.
BINABASA MO ANG
Mister & Miss Virtuoso
Teen FictionAmor F. Simson always consider everything as a competition especially if Liam Lee B. Devuelva was involved. Academic performances, leadership competition, math quizbee, extra curricular activities. She consider every platform where they stood togeth...