Epilogue

4.7K 131 14
                                    

[1 ½ YEARS LATER]

Underneath a black gown, I wear pure white designer's dress. My hair was curled and bouncy, hanggang balikat ko lang sya. Before, my hair was just a pure black but because of my graduation, I dye it into goldish blonde color. Nagpagupit din ako. Earlier, seven hours before the ceremony started, I went to salon for a total make-up transformation. Hindi naman ako nadismaya sa hitsura ko ngayon. My make-up is very balanced, ang galing nung artist. My hair including my make-up costs 2,000 pesos which I think reasonable dahil included na ang pagpapagupit at pakulay ng buhok.

New look talaga ako ngayon hindi lang dahil sa graduation ko. Nandito kasi si Liam kaya gusto ko din naman maging maganda kahit magastos. As the student who will deliver the word of gratitude, it will be quite shameful if I will face the people as the same as usual pale me.

Yes, I made it to the top. Nanatili ako sa rank 1 from Grade 11 up til now, my graduation day. Hindi na din ako natuloy sa pagt-transfer dahil nagback out ako. Ayoko iwan sina Mau at Pia pati na din ang memories namin doon ni Liam. Him and I grew stronger kahit na malayo kami sa isa't isa. Since he left, lilimang beses palang syang umuuwi sa Pinas. The first was during Christmas, two months after he flew to Vancouver. Ang next ay ang anniversary ng parents nya which I was his date. Ang ikatlong uwi nya ay nung first summer break nya from school, and then followed by Christmas break ulit, and nasundan yon last February when nagpakasal si ate Lindsey sa boyfriend nya. Ngayon, first week of April, ito ang ikaanim na uwi ni Liam because of my graduation.

So many things happened this and last year. Si kuya Jacob grumaduate na at nagt-trabaho na as a technician and developer in a company of branded phone. Si kuya Yohan promoted na din, pareho sila na mayroon nang girlfriends and kasundo ko parehas. Si papa nagpatuloy sa pagt-taxi because he loves it. The busy street of Manila had been part of his life. Para ngang lover na nya ang kalsada eh kasi mas malaki ang oras nya para doon kaysa sa amin. But hindi naman namin kinaiinggit yon.

When we were Grade 12, ang maingay na love birds sa school ay sina Isaiah at Andrea. He confessed to her in public, court her in public and Andrea said yes to him also in public. Andrea and I become friends, because her boyfriend and I were good friends. Sina Pia and Maureen, they've plan to study in a state university, ako, dito lang ako sa school ko. But I still consider public because it's free and the competition is cutthroat.

Dahil sa galing akong salon, hindi ko kasabay sina papa papunta ng school. Sina kuya nasa trabaho kasi sayang nga naman ang kikitain lalo pa't 53 pesos kada oras ang sweldo nila. 6:00 o'clock mag uumpisa ang program, 5:48 na pero wala pa si papa sya na nga lang at si Liam ang makakasama ko. Nasa cr ako ng auditorium habang dinadial ang number ni papa. Naka dalawang tawag ako bago masagot ni papa ang tawag.

"Hello, nak?"

"Pa?! Nasan ka na? Maguumpisa na!" Natataranta kong pagpapaalala kay papa.

"Hindi ko nga alam kung aabot ako, nak. Kakauwi ko pa lang galing pasada. Hindi pa ako nakakabihis." Halata sa boses ni papa ang pagkataranta.

"Papa naman... dalian nyo na. Aabot yan!" I can feel my eyebrows meeting each other.

"Kay Liam ka na lang kaya magpasama, nak? Talagang hindi ako aabot eh."

"Pa... dali na. Graduation ko oh! Saka wala pa nga din si Liam eh!"

"Ay hala, sya. Patayin mo na at nang makabihis na ako." Matapos ko mag bye kay papa at sinabi ko sa kanya na maghihitay ako, pinatay ko na ang tawag.

I opened my mobile data, then I went to my Viber messanging app. Binuksan ko ang convo namin ni Liam and saka ko lang napagtanto na matagal na pala akong offline dahil sa kakasalon ko na yon.

Mister & Miss VirtuosoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon