Prologo: Pauwi na ako

110K 3.1K 342
                                    

Straight through my heart

Alpha Series # 09

A novel by

xxakanexx


"Jufran, what are you doing?"

Saglit kong inihinto ang ginagawa kong pag-e-empake matapos pumasok ni Maria Juana sa silid naming mag-asawa. Katatapos lang ng hapunan kasama ang buong pamilya niya, naroon nga si Paulo Arandia pero hindi naman kami nag-uusap dahil hindi naman kami malapit sa isa't isa.

"Uuwi na ako."

"But you're home. Nandito ka sa bahay natin." Wika niya pa. "Hindi naman galit si Papa. Gusto niya lang na gawin mo ang utos niya. Hindi ba't ganoon naman iyon?" Muli ko siyang tiningnan. Ang problema rito, mahal ko si Maria Juana. Mahal ko talaga siya, walang halong pagdududa roon. Kaya kong gawin lahat para sa kanya, para magkasama kaming dalawa. Nagawa ko ngang iwanan ang pamilya ko sa Bulacan para lang makasama siya, nagawa kong hindi sabihin sa Mamang na nagpakasal ako – gumawa ako ng mga desisyon na kaming dalawa lang ang nakaalam at naging mitsa iyon ng galing ng Mamang. Sapat na siguro ang mga bagay na iyon para may mapatunayan ako sa pamilya ni Maria Juana pero hanggang ngayon pala ay hindi pa rin sapat.

Umuwi kami rito noon. Nagdesisyon akong sumama sa kanya at harapin ang buhay niya bilang anak ng pulitiko. Alam ko namang maraming gustong patunayan ang asawa ko dahil sa ilang taon rin siyang nakulong – na hindi naman problema para sa akin. Naniniwala akong lahat ng tao ay nararapat mabigyan ng ikalawang pagkakataon. Kaya nga noong sinabi sa amin ng Papa niya na ako – bilang asawa ni Maria Juan ang mamamahala sa negosyo ng kanilang pamilya ay hindi naman ako tumanggi.

May ibang mga manugang siya – si Paolo Arandia pero may sarili rin siyang negosyo, si Cornelius Calimbao naman ay senador at kapartido ni Mr. Sihurano kaya malabong siya rin ang mamahala ng negosyong ito. Tinanggap ko, dahil na rin sa pakiusap ng asawa ko. Ginawa ko ang lahat para makibagay sa kanila – alam ko naman at ramdam ko na hindi ako gusto ng mga magulang niya. Civil lang sila sa pakikitungo sa akin pero kahit kailan, hindi lumagpas sa ganoon ang tingin nila sa akin.

The only person that likes me in this family besides my wife is Spica Calimbao. Napakabait niya sa akin, medyo parang may sapak siya sa ulo kasi kung ano – anong pinagagawa at sinasabi niya sa akin pero napapatawa niya ako nang husto. Itinuring ko na rin siyang kapatid – wala kasi akong kapatid na babae, ay mayroon pala, si Mona Liza pero wala kaming pagkakataon para maging malapit sa isa't isa dahil sa pagdating niya ay siyang pag-alis ko.

"Hindi naman masama ang gusto ni Papa, Jufran." Wika niya pa sa akin.

"Alam kong hindi masama pero hindi ko gusto, Jane." Sagot ko rin sa kanya. "Ayokong pumasok sa pulitika at kung mamasamain niya wala naman akong magagawa pero ang sabihin niya sa akin na wala akong karapatang tumanggi kasi wala pa akong napapatunayan sa pamilyang ito ay isang bagay na hindi ko matatanggap. Hindi pa ba sapat?" Tanong ko sa kanya. "Sabihin mo nga sa akin, hindi pa ba sapat?"

"Juf..." Napatigil siya.

"Ginawa ko naman lahat para sa'yo. Iniwanan ko ang pamilya ko, kahit na gustong – gusto ko silang makasama, kahit na miss na miss ko ang nanay ko, hindi ako umuuwi roon dahil ang gusto ko sana ay kasama ka, pero dahil sinasabi mong hindi ka handa, hindi kita pinilit. Inasikaso ko ang negosyo ninyo. Nagpapakapagod ako para sa approval ng Papa mo, nakuha ko ba? Hindi. Pero may narinig ka ba sa akin? Wala. Bakit? Kasi mahal kita."

"Iyan naman kais ang problema sa'yo, pagkakabot mo, Mamang, kapatid ko, Mamang, Mamang, Mamang! Jufran, may buhay ka rin naman at hindi sila dapat ang sentro nito!" Nagtaas na siya ng boses. Napailing ako.

"Ikaw rin naman. Pagkakabot mo, dapat ganito, dapat ganyan, kasi baka sabihin ni Papa o si Mama, o ayokong isipin na mali na naman ako, si Clari kasi!" Tumaas na rin ang boses ko. "Pamilya rin naman ang iniisip mo. Palaging ang Papa mo ang inuuna mo, palaging ang sasabihin niya ang mahalaga. Palaging dapat tama sa paningin niya. Paano naman ako?"

Hindi siya nakakibo.

"Maria Juana, napapagod na ako. Mahal kita, pero napapagod na ako. I'm resigning from you company. I don't deserve this kind of treatment."

"Ah, so anong pinalalabas mo?" Wika niya.

"Wala akong pinalalabas." Huminga ako nang malalim. "Uuwi ako ng Bulacan, sumama ka sa akin, doon tayo magsimula." Umaasa akong gugustuhin niya akong makasama, umaasa akong pipiliin niya ako. Umaasa akong sapat ang pagmamahal ni Maria Juana para sa akin para ako ang piliin niya.

Matagal siyang nanahimik. Nakikita ko sa mukha niyang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko. Hindi naman ako tanga.

Ipinagpatuloy ko ang pag-e-empake.

"Jufran, don't make decisions why you're this emotional. Mag-usap muna ulit kayo ni Papa. I'm sure he didn't mean what he said."

"Sasama ka ba sa akin?" I asked her again. Kahit na parang alam ko na kung anong sasabihin niya ay umaasa pa rin akong mali ang iniisip ko.

"I...I... ca-can't..."

Napatango ako. Kinuha ko ang maleta at saka nilagpasan siya. Lumuluha ako habang pababa ng hagdanan. Nasalubong ko pa si Spica at takang – taka siyang nakatingin sa akin.

Damit ko lamang ang kinuha ko mula sa bahay na iyon, ni hindi ko dinala ang kotseng palagian kong ginagamit, wala naman kasi akong pag-aari sa bahay na iyon. I realized that, I don't even own my wife. Her father owns her, it will always be her father on the top of her list and I understand that. Tatay niya iyon, hindi ko hihilingin sa kanya na kalimutan ang tatay niya, kaya lang, kahit sana minsan, iparamdam niyang kakampi ko siya.

I rode the bus to Bulacan. Napakabigat ng pakiramdam ko habang nakasakay ako roon. Uuwi ako, galit sa akin ang Mamang, galit rin sa akin ang mga kapatid ko at hindi ko alam kung may babalikan pa ako.

Matapos ang halos dalawang oras na byahe ay nakarating ako ng Plaridel. Nakatayo ako sa tapat ng bahay. Maliwanag pa, gising pa sila, pero wala akong lakas ng loob para kumatok sa pinto kaya umalis akong muli, naglakad hanggang sa makarating sa puntod ng Papang.

Naupo ako roon at abot – abot ang paghingi ko ng tawad sa kanya. Tatlong taon akong hindi umuuwi. Tatlong taon kong kinalimutan na ako ang panganay at ako dapat ang nag-aalaga sa pamilya ko. Talagang nakabubulad ang pag-ibig pero wala akong ibang sinsisi kundi ang sarili ko.

"Pang, patawarin mo ako." Naiusal ko. Kung buhay pa siya, malamang nabatukan na ako nito. Ayaw na ayaw niyang nagkakagalit kami ni Mamamg. Kasalanan ko iyon. Alam kong tampong – tampo siya sa akin.

Tahimik akong umiiyak roon. Hindi ko na nga alam kung ilang minuto na baa ko nag-iiyak roon, natigil lang ako noong masilaw ako sa liwanag na galing sa flash light. Napapikit ako.

"Kuya?" Nakilala ko ang boses ni Pepe. Pinahid ko ang mga luha ko at sumisinghot na tumayo. "Kuya!" Nagulat ako noong bigla niya akong niyakap nang mahigpit. "Kuya, miss na miss na kita! Umuwi ka na roon sa bahay, nagluto si Mamang ng nilagang patang may kalabasa!"

Parang talon ang luha ko, ayaw mapugto. 

Straight through my heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon