Reveal
Birada's
Her name, as Pan said is Dyosa Santa. Mula raw siya sa pamilya ng mga doctor na pinsan ni Pan sa mother side. Mukha naman siyang mabait, nginingitian niya naman ako at ayon sa kanya ay tutulungan niya si Maria Juana. Natutuwa talaga ako kay Pan at para bang bumabawi siya sa amin ni Jane. Mabait naman itong si Pan, kaya lang madalas wala sa lugar ang pagiging taklesa niya. Mabuti na lang at nagkausap na sila ni Antonio at umayos na rin ang pakikitungo niya sa asawa ko.
"Pwede ko siyang kausapin ngayon, but then, I realized na hindi ko pa nakakausap iyong previous doctor niya, I will need her records, can you get that for me, or ako na lang ang tatawag sa kanya?" she asked me again. Natutuwa ako talaga, Pan is so involved. Mataman siyang nakikinig. "Ano bang name ng doctor niya dati?"
"Si Dra. Gulpa. Sa St. Luke's siya noon."
"Alright, ako na lang ang tatawag sa kanya, I know her. She's good for nothing. Anyway, Pan, I must go. Pinuntahan pa kita rito sa Bulacan, wala ka namang sense kausap. Saka kapag nakita mo si Ave, tell her that the family is looking for her na. Ang tagal – tagal na niyang hindi umuuwi.""I will. Alright. Thank you, Dyosa." Nagpaalam na iyong pinsan ni Pan. Naiwan kaming dalawa sa may hallway. Nasa loob si Jane at natutulog. Nagpapahinga siya, kailangan naman kasi niya iyon, she's been through a lot and I want her to rest because she needs it.
Bumabalik pa rin si Adaline rito. Palagi siyang may dalang kung ano – ano para sa Tita niya. Si Mariake ay nagpupunta rin pero pinagbawalan ko siyang lapitan si Jane dahil ayokong umasa ang asawa ko sa kapatawarang hindi naman maibibigay sa kanya.
"Is she gonna be baliw na? If that happens, will she be kulong in a mental institute?" Pan spoke. Tiningnan ko siya. Napapansin kong madalas niyang tinatanong sa akin kung nababaliw raw ba ang asawa ko at kung makukulong sa mental si Jane. Alam kong depressed siya but not all depressed people are crazy, they just need a someone patient to listen to them, accept them and love them without inhibitions and questions. Ganoon ang ginagawa ko kay Maria Juana. Nahihirapan na rin ako – madalas, pero ipinaalala ko sa sarili kong kailangan kong magkaroon ng mahabang pasensya. Alam kong babalik rin si Jane sa dati, alam kong makikita niya muli ang nawalang parte ng buhay niya.
"Hindi siya mababaliw, Pan. Jane is strong. She can do all of these. Mahal na mahal ko iyon. Hindi ko hahayaang mabaliw siya at mapunta sa mental." Kunot na ang noo ko pero hindi ko na lang pinansin ang mga sinabi ni Pan. Baka parte lang iyon ng pag-aalala niya. Mayamaya ay namataan ko nang pabalik si Toto. Inutusan ko kasi siyang tingnan ang bill ni Jane. Ang sabi kasi ng doctor niya ay maaari na siyang lumabas bukas. Ise-settle ko na lahat ng bills namin para wala na akong aalalahanin bukas.
"Anong nangyari?"
"Wala na, Kuya. Inayos na raw ng Tatay ni Ate Jane iyong bills niya kung may karagdagan raw, iyon na raw ang bahala. Nakausap ko iyong assistant noong Senador. Bigatin talaga sila." Inakbayan niya si Pan. I can sense her uneasiness kaya tinapik ko siya sa balikat.
"Ayos ka lang ba?""Yeah. I'm just so gutom and puyat because Tohwtohw and I had sex kagabi and it's so sarap but it's so nakakapagod." Napatawa ako. Typical Pan. Nagpaalam na silang mag-asawa na uuwi na muna. Ako naman ay bumalik na sa loob ng hospital suite ni Maria Juana. Natagpuan ko siyang nakaupo sa gilid ng kama niya habang nakatingin sa tv. Napatingin nga rin ako at nakita ko si Senador Sihurano, ini-interview siya tungkol sa kandidatura niya.
"Ang gwapo ng tatay mo. Medyo magkahawig kayong dalawa." Wika ko pa. She smiled. Naupo ako sa may tapat niya at kinuha ang kamay niya. "Anong iniisip mo?"
BINABASA MO ANG
Straight through my heart
General FictionDarkness. Maria Juana Sihurano is full of darkness. Pakiramdam niya ay hindi na siya muling babalik sa dati dahil sa kadilimang dala ng kanyang nakaraan. She felt out of place in her own family. She felt alone but whenever Juan Francisco Birada is a...