Kapitulo. Quatro

55K 2.7K 1.2K
                                    

Face to face

Sihurano's

"Sabi ko na nga ba ikaw iyong nakita kong dumaan kanina. Buti bumalik ka. Kamusta ka na?"

Hindi ko nga alam kung bakit pa ako bumalik. Basta natagpuan ko na lang iyong sarili kong nagmamaneho papunta rito sa lugar nila Jufran. Nababaitan ako sa kanya. Inaamin ko naman noong una ko siyang nakilala ay naiinis ako sa kanya dahil kampi siya nila Dione but these past few incidents na palagian kaming nagkikita, nararamdaman kong napakabait niya – isang katunayan iyon noong nabanggit kong nakulong ako kaya matagal akong nawala and his only reaction was: Buti laya ka na.

People around me don't say it like that. Nakikita ko sa mga mata nila na para bang may nakakahawang sakit ko matapos kong sabihin na kaya matagal akong nawala ay dahil nakulong ako – na para bang hindi pa nila alam iyon. Balitang – balita iyon sa sirkulo ng pamilyang ginagalawa ko and there was this tv reporter who visited me in the correctional to make sure that I wasn't being treated with specialty, and of course, she was paid by my dad's detractors. Ako iyong naging lamat ni Daddy sa politica career niya. Wala silang makuhang ibang duming ipapahid sa tatay ko dahil malinis na malinis ang mga kapatid ko. Si Clari, abogada, kasal sa isang mayamang negosyante, may anak na dalawang babae at masaya sa buhay. Si Spica naman, kasal kay Cornelius – dating senador at kahit na lumabas sa madla na may anak siya sa pagkadalaga ay si Liu naman ang ama noon kaya wala lang rin.

Pero ako – ako iyong dumi. I was working at the company before all these happened. I wasn't the perfect daughter but I am a good person – used to be. Ako iyong pinakamatigas sa tatlong Maria. Si Clari kasi sunod – sunuran kay Dad, si Spica, matigas ang ulo, ako iyong nakatayo sa gitna nilang dalawa. Ako iyong panabla kumbaga, pero nagbago iyon – at wala naman akong ibang sisihin kundi ang sarili ko.

"Nakita mo ako?"

"Oo. Nagdidilig ako kanina noong dumaan iyong Trailblazer mo. Dilaw eh, wala namang may ganyan dito sa Paombong." Naupo siya sa hood ng kotse ko. May dala siyang pan de sal at kape. Nakahinto ako sa may burol. Si Jufran ang nagturo sa akin nang lugar na iyon. Nakagitna raw ang burol na iyon sa tatlong lupaing magkakaaway. Hindi niya pa naikwento sa akin ang away na iyon but to my head, it sounded so interesting. Kaya tatanungin ko siya mamaya.

"Salamat." Nginitian ko siya nang ilapag niya ang pan de sal sa binti ko. Maiinit – init pa iyon. Ang bango. "Sino nga ulit gumagawa nito?"

"Si Alfonso." Nilantakan na niya ang hawak niya. "Tikman mo itong kape, galing iyan sa taniman ko. Mas masarap ang kape ko kaysa sa mga Arandia. May pagmamahal kasi iyong akin." Kinindatan niya ako. Napapailing ako habang natatawa sa kanya. "You should really smile more often. Mas gumaganda ka."

"Magtigil ka nga." Sabi ko pa. Iniwasan ko siya ng tingin.

"Ito naman. May nangyari na nga sa atin, nahihiya ka pa."


"Ang tagal na noon!"

"Oh, e di ulitin natin!"

"Sira!" Hinampas ko siya sa balikat. "But seriously, ako talaga ang una? Akala ko ba nagpunta kayo sa isang bar noong buhay pa ang Papa mo?"

"Oo nga. Kaya lang hindi ako nakipag – ano kasi, nahiya baa ko. Natigasan naman ako kaya lang bigla rin akong nag-happy ending. Nakakahiya nga roon kay Ate sa bar na iyon. Hindi ko sana sasabihin iyon sa mga kapatid ko pero na-ishare ko na rin. Nagka-jowa naman ako pero hindi kamo umaabot sa ganoon, nahihiya kasi ako. Kaya ang gusto ko talaga sa mga babae agresibo, para nawawala ang pagkamahiyain ko."

Straight through my heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon