Slowly
Sihurano's
I couldn't help but feel sorry for Jufran and his family. Mahaba ang naging usapan ng mga magulang ko at ni Mamang pero mukhang hindi sila nagkakaintindihan. Hindi masagot ni Dad kung bakit hindi niya gusto si Jufran para sa akin. Mas lalong hindi ko maintindihan si Mommy kung bakit kinukunsinti niya ang Daddy sa desisyon ito. They keep telling me that they are doing this for me, but I can't see the point of it. Hindi naman na ako bata at may karapatan akong magdesisyon sa buhay ko. Jufran has done enough, hindi nila makita iyon, pero hindi ako basta susuko.
"Walang kapupuntahann ito." Wika ni Daddy. "Hindi ko gusto si Jufran noon, kahit na siya pa ang namahala ng family business, hindi ko siya gusto at mas lalong hindi ko siya gusto ngayong alam kong konektado ka pala sa pamilya ng taong ito." Dinuro ni Daddy si Mr. King David Sandoval. Mukhang hindi naman natinag ang huli, sumandal pa nga si Mr. Sandoval sa inuupuan niya at ngumisi na parang inaaasar pa si Daddy. Mukhang hindi sya papadaig sa daddy ko.
"Dad, please. I'm old enough to decide for myself." Wika ko pa.
"Oh yeah, Maria Juana? The last time you decided for yourself, my brother died and you were sent to jail." Walang abog na wika ni Dad. I was taken aback. Alam ko namang sinisisi ako ni Daddy sa nangyari kay Uncle Nilo, alam kong iyon ang dahilan kung bakit hindi niya ako matingnan, alam kong hindi pa rin niya ako napapatawad. I bit my lower lip. I wanted to whimper. Nanghina ako bigla. Nanginig ang buong katawan ko. Alam kong sinsisisi ako ni Daddy pero hindi ko inaasahang kaya niyang sabihin sa akin iyon kaharap ang pamilya ng aking asawa. I bit my lower lip.
"Hey, hey..." Jufran pulled my hand to distract me. I looked at him. "Don't listen to him, Juana. Alam mong hindi mo iyon ginusto diba?"
"Pidong, sumosobra ka na." Biglang nagsalita si Mommy. "Anak mo pa rin si Juana. H'wag ka namang ganyan."
"Alam ko iyon, Vana. Ngayon lang naman sana, makinig siya sa akin! I've been putting up with all her shit ever since pero hindi na ngayon! Wala kang narinig sa akin nang pakasalan mo ang gagong iyan! Ngayong gumagawa na ako ng paraan, h'wag ka nang pumalag!"
"Ano po bang mali sa akin, Sir?" Biglang nagsalita si Jufran. "Ang tagal ko nang tanong sa sarili ko iyan. Ano po bang mali sa akin? Dahil ho ba hindi ako kasing galing ni Cornelius o ni Paolo? Dahil ba hindi ako Inglesero tulad ni Paolo o dahil wala akong alam sa politika tulad ni Liu? Nakakapagtaka po kasi na kahit gaano kagago si Paolo noon kay Clari, at kung gaano ninyo di gusto si Liu dajil kalaban ninyo sa pulitika ay natanggap ninyo sila, pero ako na wala namang ginawa kundi ang mahalin at tanggapin lahat kay Juana ay hindi ninyo matanggap. Ano po bang mali sa akin?""Hindi nga kita gusto para sa anak ko."
"Bakit nga po? Lahat may dahilan. Bakit hindi ninyo ako gusto?"
"Tama na." Nagsalita si Mamang Luisa. "Kung hindi mo matanggap ang anak ko, problema mo iyon, Mr. Senator. Mahal ni Jufran ang anak ko, kasal sila, mahal ni Juana ang anak ko at hindi naman siya pinipilit sumama sa panganay ko. Nasa edad sila para magdesisyon at kung may natitira ka pang prinsipyo at dignidad sa buhay mo, pabayaan mo ang anak ko at ang anak mo. Let them live the life they want. Hindi mo kailangan makialam, Mr. Senator."
Damang – dama ko ang galit ni Mamang Luisa. Nahihiya na rin naman ako sa kanya.
"Mang, h'wag." Sabi ni Jufran. "Gusto kong malaman. Bakit po ba ayaw ninyo sa akin?" Tanong niyang muli. Napapaluha na ako. "Hindi ko kasi maintindihan. Iniwanan ko po ang pamilya ko ng ilang taon para makasama si Juana. Tumira ako sa inyo, tapos ako ang namahal sa family business ninyo kahit na may sarili rin akong negosyo, ipinaubaya ko iyon sa mga kapatid ko dahil gusto kong patunayan ang sarili ko. Hindi ako naging masaya sa desisyon na iyon dahil alam kong masasaktan ang nanay ko pero inuna ko si Maria Juana dahil sa lahat ng itinuro sa akin ng mga magulang ko, tumatak sa akin na kailangan kong panindigan lahat ng naging desisyon ko. Ano bang wala sa akin? May kulang po ba?"
BINABASA MO ANG
Straight through my heart
General FictionDarkness. Maria Juana Sihurano is full of darkness. Pakiramdam niya ay hindi na siya muling babalik sa dati dahil sa kadilimang dala ng kanyang nakaraan. She felt out of place in her own family. She felt alone but whenever Juan Francisco Birada is a...