Kapitulo. Diecinueve

52.7K 2.4K 579
                                    

Si Jufran

Sihurano's

"Nasaan ang asawa mo?" Kunot na kunot ang noo ni Daddy habang pababa kaming dalawa ng hagdanan na dalawa. Hindi ko nga rin alam kung nasaan si Juan Francisco. Kaninang madaling araw nang lumipat ako sa silid namin para tabihan siya ay hindi ko na siya natagpuan. Naisip kong baka umuwi siya ng Bulacan o baka may pinuntahan. Buong umaga kong inabangan ang text niya pero wala akong natanggap.

"Baka po umuwi muna ng Bulacan. Tinatawagan ko nga, Dad pero hindi naman sumasagot, siguro po nagmamaneho siya." Ngumiti ako sa kanya kahit na talagang may kaba sa aking dibdib. Hindi kasi ugali ni Jufran ang hindi magpaalam, kung aalis man siya, magtetext siya pero siguro naisip niyang babalik siya agad kaya hindi siya nagsabi kaya lang saan naman siya pupunta? I sighed. Ngumiti si Daddy sa akin.


"Sana bumalik siya agad at hindi pa kami masyadong nakakapag -usap. Nahihiya ako sa pamilya niya. I owe them an apology, lalo na si Luisa Birada. Sa tingin mo, nak, paano kaya ako makakabawi?"

"Ay naku, Daddy, kung may natutuhan man ako sa kanila habang naroon ako iyon ay ang napakadali nilang kausap. Mabait si Mamang, naman iyon ng mga anak niya." I smiled at him. He sighed again. Nakarating kamin sa dining area kung nasaan si Mommy. I can here Clari's voice on the other line. Magkausap sila ni Mommy, sinasabi niyang nasa ospital naman raw ngayon si Clara dahil naman sa amoeba. Noong isang linggo, si Tobi ang nasa ospital dahil sa hika at lagnat, ngayon naman si Clara.

"Dadalhin raw mamaya ni Paolo si Claire dito." Ang tinutukoy ay ang ikalawang anak ng kapatid ko. "Mukhang staycation na naman sila at iyong panganay naman ang may sakit."

"Si Tobi ba iuuwi rito?"

"Baka, dahil doon matutulog iyong mag -asawa."

"Kayo ba, Juana wala pa kayong balak ni Jufran?" Tanong ni Mommy sa akin. Namula ang mukha ko. "Siguro naman gabi – gabi ninyong ginagawa, hane? Para naman magkaapo na kami sa'yo. Sana lalaki ulit. Magiipon si Dad ng apong lalaki."

Hindi ko alam kung bakit namumula ako. Hindi naman dapat dahil sa aming dalawa ni Jufran ako ang mas may alam sa bagay na iyon. He was a virgin when I first had him and it was a breath of fresh air for me. He was too innocent and I liked him. Iyon pa nga iyong napanood ni Spica sa skype ang first time naming dalawa. Akala ko talaga noon masusundan pa iyon but after that night, everything in my life fall to the cliffs. Now, I realized that maybe we are really meant for each other. Tadhana ang gumawa ng paraan para magkita kaming dalawa.

Nagsimula na kaming kumain. Dad turned the tv on. Ganoon talaga siya kapag umaga, he watches the news especially those about the government. Ang unang balitang bumungad sa amin ay ang pagkakatagpo ng walang ulong katawan ni Martin Dela Rosa sa may Ilog Pasig. Nakilala lang ito dahil sa mga ID's na nakita sa bulsa nito. Kilabot na kilabot ako pero natitigilan ako dahil napamilyaran ko ang pangalang iyon.

Siya ang kaaway ni Dad na naging dahilan ng paghihirap ko sa loob. Gulat na gulat ako nang hampasin bigla ni Daddy ang mesa. Muntik nang matapon ang kape.

"Hindi dapat ganyan! Someone got to him first! Bwisit!" Galit talaga siya. Nagkatinginan pa kami ni Mommy. "Fuck!" Dad said. Nagulat ako nang hawakan ni Daddy ang kamay ko. "I failed to protect you, anak. I'm so sorry." Umiyak na naman si Daddy. "I'm so sorry, anak."


"Dad..." Hinaplos ko ang pisngi niya. "It's okay. I'm still alive, I'm fighting this life and my fears. Okay ako at unti – unti akong tumatayo. You don't have to blame yourself anymore."

"Ang mahalaga, nagbabayad na siya sa kasalanan niya." Wika ni Mommy. "Dapat pinahanap ko siya kay Mariz at pinaaresto sa mga pulis. Bagay sa kanya ang magdusa pero ayos na rin ito. They have a different kind of justice in hell." Inis na inis si Momm. Hindi naman na ako kumibo, basta nagsimula kaming kumain. Dad changed the channel pero kahit anong gawin niya ay puro tungkol kay Martin Dela Rosa ang balitra, he opted to turn the tv off.

Straight through my heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon