Rumor has it
Birada's
"Grabe! That was instense!"
Inirapan ko si Pedro habang kumakain siya sa hapag. Katabi niya si Sarah na pailing – iling habang nakatingin sa asawa. Kain lang siya nang kain – sunod – sunod pa nga ang subo niya.
"Napakaintense, nagutom tuloy ako! Tang ina!"
"Iitlugan kita." Pinanlakihan ko siya ng mga mata. Si Maria Juana ay nasa itaas kasama si Spica. Iyak pa rin siya nang iyak at alam kong napakasakit sa kanya ng lahat ng ito. Nahihiya naman ako kay Mariake dahil nasabihan ko siya ng masasakita na salita kanina. Hindi ko pala talaga dapat pinairal ang galit ko. I cannot ever take those words back. Nakasakit na ako. Nasaktan si Mariake. I owe her an apology,
"Ito ha. Tutal nagkaroon na tayo ng teleserye moments kanina, sasabihin ko na, Kaninang umaga kasi, maaga akong magising tapos dumungaw ako sa bintana, nakita ko si Kairos sa labas ng bahay nila Toto, tapos magkakausap sila, tapos nandoon rin si Ate Jane tapos pagbaba ko, nakita ko si Ate Jane sa kusina, may hawak siyang kutsilyo kaya naisip kong dalhin siya kay Mary para magkaalaman na dahil naririnig ko si Pan na binabanggit iyong pangalan ni Mariake. Ayon, eh mukhang nagkaayos naman silang dalawa. Dinala pa nga sa ospital si Ate Jane."
"Bakit?" Bigla akong napasigaw.
"Kaloka. Ang OA. Hello, nauntog lang siya no! Nag-alala lang si Mary kaya dinala siya sa ospital. Kaloka ka talaga, Kuya." Sumubo na naman siya ng kanin. Inirapan ko si Pedro saka ako umalis para umakyat sa itaas. Hanggang ngayon ay wala pa si Mamang. Nagbilin naman siyang gagabihin siya. Mabuti na rin sigurong wala siya rito dahil alam kong ikagagalit niya ang mga nangyari kanina. Kailangan ko ring kausapin si Toto. Hindi ko nagustuhan ang sinabi niya kanina. Alam kong nawala ako sa bahay na ito pero hindi naman ibig sabihin noon talagang ako ang gumagawa ng gulo. Nakikita naman niya ang sitwasyon. Naiintindihan kong asawa niya si Pan pero sana nakikita niya ang mga nangyayari.
"Juffy!" Napalingon ako nang marinig ko si Spica. Kinawayan niya ako. Nagpunta naman ako sa silid naming mag-asawa na parang silid na nilang magkapatid ngayon. When I got in, nagulat ako dahil biglang yumakap sa akin si Jane. Spica grinned, kasabay noon ay pinagkukurot niya ang tagiliran ko.
"Ang lalandi ninyo! Mamaya na nga iyan!" Hinatak niya si Jane palayo sa akin. I looked at her face. Mukhang katatapos niya lang umiyak.
"Are you okay?" I asked her. Puno ako ng pag-aalala. I could just imagine her feelings right now.
"Hindi siya okay no!" Si Spica ang sumagot. "Nanginginig siya. Putang ina noong Pan na iyon! Ingungudngod ko siya sa putikan! I never liked Kairos! Sana hiwalayan na siya ni Mariake! Let's go, Juana. You need to rest." Hinatak ni Spica ang asawa ko. Gusto ko sana siyang makausap pero mukhang nagdesisyon na si Spica na pagpahingahin ang kapatid niya. Naiintindihan ko naman iyon, natutuwa nga ako at narito si Spica, kahit paano kabawasan na iyon sa kalungkutan ni Maria Juana. Juana looked back at me. I saw sadness in her eyes. Ngumiti ako sa kanya tapos ay napabuntong hininga. Pilit siyang pinahihiga ni Spica sa kama namin. I guess, I'd be sleeping in the living room again tonight.
Muli akong bumaba sa dining area, naroon pa rin si Pedro at Sarah. Nakaalis na yata si Fonso at Mona. Napabuntong hininga muli ako. Naupo ako sa may sofa. Hindi talaga ako mapakali. I should do something. I need to do something. Kailangan kong ipaglaban ang karapatan at kalayaan ng asawa ko. Maria Juana doesn't deserve that. Alam kong nagkasala siya pero paulit – ulit kong sinasabi sa kanya at sa lahat na hindi niya deserve ang mga ito. Minsan nga para na akong sirang plaka pero na-realize ko na hindi lang iyong paligid ang kalaban ni Maria Juana kundi ang sarili niya.
BINABASA MO ANG
Straight through my heart
General FictionDarkness. Maria Juana Sihurano is full of darkness. Pakiramdam niya ay hindi na siya muling babalik sa dati dahil sa kadilimang dala ng kanyang nakaraan. She felt out of place in her own family. She felt alone but whenever Juan Francisco Birada is a...