Just hanging
Birada's
I kissed Jane's forehead and climbed down the bed. Alam kong nakatulugan niya ang pag-iyak. Hindi pa namin napag-uusapan nang malinaw ang naganap kanina. Isa lang ang malinaw sa naging usapan naming dalawa – hindi siya uuwi, hindi kami maghihiwalay. It's a relief to hear her say that. I looked at her and it seems that she was in such peace – but God knows what's going in her mind right now.
Lumabas ako ng silid matapos ko siyang kumutan. I went downstairs, alam kong naroon pa si Mamang at ang mga kapatid ko. Pababa ako at naririnig ko si Antonio, nagsasalita siya. Si Pan yata ang kausap niya o si Pepe, hindi ko masyadong maintindihan ang usapan nila pero mukhang may nagagalit. I saw them in the living room. Si Mamang ay nasa kusina kasama si Sarah. Nakita ko silang pumasok roon.
"Bakit mo naman ginawa iyon, Pan?" Rinig ko si Mona. "We don't like her but that's too low."
"I want her to go back to jail!" Kitang – kita kong napapadyak pa si Pan sa sobrang frustration. "Dione was lumpo because of her!"
"Akala ko ba nalumpo ang kapatid mo sa car accident?" Tanong ko na halos hindi na bumubuka ang bibig.Napalingon sa akin si Pan. Nakahalukipkip siya at tila ba nagaapuhap ng sasabihin. Ilamg beses niyang sinubukang ibuka ang bibig niya but for the first time since, I have met her, she's speechless. "Kung hindi ako nagkakamali, ayon sa kwento mo kay Toto, naaksidente si Dione, sinabay roon na alisin ang tumor niya sa utak kaya nalumpo siya. Sa pagkakaalam ko rin, walang namatay sa pamilya ninyo noong araw na na-kidnap kayo ni Dione. Oo, kasama si Adaline. It is a very traumatic experience for the kid, but are you really blaming my wife for what happened to Dione samantalang sa bibig mo nanggaling na nalumpo siya dahil sa aksidente at operasyon?""You don't know what it feels like, Jufran!" Sigaw ni Pan sa akin. "I will never forgive her! Hindi siya nakalaya!"
"Then your family should've pushed through with the case, pero diba't inuring ang demanda? Kasalanan pa rin ba ni Juana iyon?!""Kuya, h'wag mong sigawan si Pan! Asawa ko siya?!"
"Asawa ko rin si Maria Juana?!" Sigaw ko kay Toto. Napatayo si Pepe at si Mona. Lumapit sa akin ang bunso naming kapatid, si Mona naman ay tinabihan si Toto at Pan.
"Masyado tayong mainit. Magpalamig muna tayo. To, umuwi muna kayo ni Pan."
"Dapat kasi, Jufran, you didn't come home na lang here especially when you make sama that bitch!"
"Putang ina, Pan! Anong klaseng utak iyan?!" Hindi ko napigilan ang sarili ko.
"H'wag mong murahin ang asawa ko!" Sigaw ni Toto. Bigla na lang niya akong sinuntok sa gilid ng mukha ko. Napaupo ako pero mabilis akong tumayo para itulak siya at sapakin rin. Mas matangkad ako kat Antonio kaya madali para sa akin ang makalaban. Hinawakan ko ang mahaba niyang buhok sabay sapak rin sa may baba. Dumugo ang labi niya, sinapak ko ulit siya sa may ilong. Sigaw nang sigaw si Pan, si Mona naman ay tinawag nang tinawag si Fonso.
"Punyeta!" Sigaw ni Mamang. Nakasuntok muli si Toto sa akin. Pinaglayo kaming dalawa ni Pepe at Fonso.
"Minura niya ang asawa ko!" Sigaw ni Toto.
"Inaalimura ng asawa mo ang asawa ko sa pamamahay ng mga magulang natin tapos anong gusto mong gawin ko?! Palakpakan siya?! Nirespeto kita Pan, at minahal nang piliin ka ng kapatid ko para pakasalan at makasama habambuhay, bakit hindi mo magawa iyon?!"
"Hindi ko kinidnap ang isa sa mga kapatid mo, Jufran!" She hissed back.
"Bullshit!"
"Tama na! Wala na talaga kayong respeto sa akin!" Sigaw ni Mamang. "Ilang beses kong inulit – ulit sa inyo na hindi ginagamit ang mga kamay na iyan para saktan ninyo ang isa't isa?! Ano, nakalimutan ninyo na? Kung makasta kayo parang kay lalaki ng mga burat ninyo! Puputulin ko na?!"
BINABASA MO ANG
Straight through my heart
General FictionDarkness. Maria Juana Sihurano is full of darkness. Pakiramdam niya ay hindi na siya muling babalik sa dati dahil sa kadilimang dala ng kanyang nakaraan. She felt out of place in her own family. She felt alone but whenever Juan Francisco Birada is a...