Bayad utang
Birada's
Medyo malungkot si Antonio ngayon, pero naiintindihan ko naman siya. Hanga nga ako sa kanya dahil kaya niyang tiisin si Pan na tatlong araw nang hindi umuuwi rito pero alam kong araw – araw siyang tumatawag kay Sarah para kamustahin ang asawa niya. Malamang nagtatampo ito dahil hanggang ngayon hindi pa rin siya binabalikan ni Toto sa Metro. Noong isang araw pa, narinig kong kausap ni Mamang si Karmela at Karissa sa phone, namimiss na raw niya ang mga apo niya pero kailangan raw munang matuto ni Pan ng lesson. Nagpapasalamat talaga ako sa pamilya ko dahil very supportive sila sa amin ng asawa ko. Hindi naman namin pinagkakaisahan si Pan, tulad ng iniisip niya sa ngayon, ang amin lang – ang akin labg, kaunting respeto sana dahil noong siya naman ang dumayo sa pamilya ko ay binigyan ko siya ng pagmamahal at respeto.
Nitong mga huling araw ay napapansin kong unti – unting lumiliwanag ang mukha ni Juana. Masaya ako dahil nakikita kong sinusubukan niyang maging okay. May mga oras pa ring natutulala siya at hindi mapakali, may mga oras pa ring nagigising siya sa kalagitnaan ng gabi at umiiyak pero ang mahalaga, nakikita niyang hinding – hindi ko talaga siya iiwanan, gusto kong maramdaman niyang hinding – hindi siya mag-iisa.
Si Spica ay hindi na nagpupunta rito. Bigla kasing naging maselan ang pagbubuntis jiya kaya araw – araw na lang silang magkausap ni Juana sa Facetime, si Clari naman ay nangangamusta rin palagi, minsan ay pinadala niya pa si Paolo para kamustahin ang kapatid. Nasa ospital raw kasi ang panganay nila kaya hindi makadalaw si Clarita sa bahay. Nag-aalala nga ako kaya nagpadala ako ng prutas para sa pamangkin namin.
"Tulala ka." Wika ni Fonso. Nakaupo ako sa may porch at tinatanaw ang lupa ni Papang. Napakalaki ng lupaing ito. Kung ibebenta ni Mamang ang lupa, milyon – milyon rin ang makukuha niya pero hindi niya gagawin iyon, maliban sa may buhay pang kapatid si Papang – si Tiyo Jose na sa Metro nakitira ay alam kong nilalaan niya sa amin ang buong lupa.
"Wala, iniisip ko lang ang mga magulang natin, tapos iyong mga magulang ni Maria Juana."
"Bakit? Hindi ba talaga kayo nagkaayos?" Tanong ni Fonso.
"Hindi, Fonso, ayaw nila sa akin. Point blank sinabi nila iyon, wala naman akong magagawa. Hindi ako masagot ni Senator kung anong ayaw niya sa akin kaya hindi talaga maayos ito." Napatango na lang ang kapatid ko. Tinapik niya ang balikat ko. "Pero wala naman akong pakialam kahit hindi niya ako gusto basta masaya pa rin ako at kasama ko si Juana."
"Paano kung parang tulad lang kay Mamang." Wika niyang muli. Hindi ko siya maintindihan. "Alam mo na, nagtampo si Mamang dahil nagpakasal ka ng walang pasabi tapos iniwanan mo kami. Sa kaso ni Jane, baka naman kasi nagulat si Senator na may asawa na iyong anak niya, ni hindi mo siya kinausap, ni hindi mo hiningi iyong kamay noong anak niya. May ganoon."
"Kung ganoon lang bakit hindi niya masabi?" Nagkibit – balikat ang kapatid ko.
"Siguro parang kay Papang."
"Anong kay Papang?"
"Naalala mo noong nag-alsa balutan siya? Noong nag-iyakan tayo bigla at iyong simula iyon ng galit ko kay Don Paeng – este Papa pala... tapos nalaman natin years later na anak pala ako ni Don Paeng at anak ni Papang si Mona – na hindi niya nasabi kay Mamang kasi natatakot siyang magalit si Mamang, natatakot siyang baka hindi siya maintindihan? Naisip ko iyon, kaya baka ganoon rin si Senator. Baka nahihiya siyang sabihin kasi sa tingin niya walang makakaintindi sa kanya. Tatay iyon, babae iyong anak, parang ako kay Mela at Nala, kapag naiisip kong isang araw gagabihin na sila ng uwi kasi may mga ka-date na sila, o may mga aakyat nang ligaw sa kanila, imbes na mag-init ang ulo ko, natatakot ako..."
BINABASA MO ANG
Straight through my heart
General FictionDarkness. Maria Juana Sihurano is full of darkness. Pakiramdam niya ay hindi na siya muling babalik sa dati dahil sa kadilimang dala ng kanyang nakaraan. She felt out of place in her own family. She felt alone but whenever Juan Francisco Birada is a...