Kapitulo. Seis

50.7K 2.9K 926
                                    

Awake

Birada's

Iyon na yata ang pinakamatagal na tanghali sa buhay ko.

Hindi ako mapakali. Palakad – lakad ako. Hindi ko kayang maupo nang matagal kasi wala akong ideya kung anong nangyayari kay Maria Juana sa loob ng emergency room. Mabuti at mabilis nakarating si Mona at Fonso, pareho nilang alam ang gagawin. Mona did some chest compression, cpr tapos nang mabawi na ang hininga ni Maria Juana at mabilis namin siyang dinala sa ospital. Ubo siya nang ubo pero hinang – hina siya. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isipan niya at ginawa niya ito. Matagal nang sinabi sa akin ng doctor niyang nasa ganitong stage na si Juana, kaya maingat ako sa kanya, kaya palagi ko siyang tinatawagan o nite-text kapag hindi kami magkasama.

Hindi ko maintindihan. Maayos naman siya kaninang umaga. Nagtatawanan pa kami. Ngumingiti siya at nakikipag-usap rin sa mga tao sa bahay pero bakit nangyari ito.

"Is... is she gonna be okay?" I looked at Mona. Magkahawak kamay sila ni Fonso habang nakaupo rin sa waiting area. "G-gising naman na siya kanina, bakit ang tagal nila?"


"Calm down." Sabi pa ni Fonso. "They're just making sure she's fine. Tinawagan mo na ba ang pamilya niya?" I shook my head. Sa dami ng iniisip ko ay nalimutan ko nang tawagan ang kahit sino sa mga Sihurano. Ibinigay ni Fonso sa akin ang phone niya, ako naman ay agad na tinawagan si Spica. Siya lang naman ang siguradong sasagot sa tawag ko.

"Hello, Juffy!" Natawa siya sa kabilang linya. "Tumatakbo ako. May problema ba?"

"Nasa si Liu?" Gusto kong makasigurong may kasama siya. Malapit si Spica sa ate niya. Alam ko ang magiging reaksyon niya sa oras na sabihin ko ang nangyari.

"Kasama si Dad. Magpa-file sila ng candidacy. Hindi ko nga alam kung anong sinabi ni Dad sa asawa ko at napapayag na namang bumalik sa politics. Ang tahimik na kaya ng buhay namin. You know, tamang sex lang sa umaga saka bago matulog. Ikaw, are you getting some?" She laughed again. Medyo hinihingal na siya. Napalunok ako. Paano ko sasabihin sa kanya ang nangyayari? "Ano bang atin, Juffy?"

"Spica, si Jane."

"Ano? Buntis?"


"Nasa ospital siya. She... uhm..." Napasinghap ako. Nakita kong parating si Pedro kasama si Mamang. Kasunod rin nila si Toto at Pan. "She..."


"Ano?! Putang ina, Jufran! Pa-suspense ka pa! Ano nga?!"

"She hanged herself." Anas nang lumabas iyon sa bibig ko. Katahikan ang namagitan sa aming dalawa.


"N-nasaan siya?" Sinabi ko ang pangalan ng ospital. Hindi na ako nakapagsalita pa kasi pinatayan ako ni Spica ng tawag. Nakalapit si Mamang sa akin tapos ay hinaplos ang mukha ko.

"Kamusta? Ayos na ba siya?"

"Hindi pa po sila lumalabas ng E.R. Mamang."

"O e di maghihintay tayo dito." Sabi pa niya. Nilagpasan na niya ako. Toto looked at me, he offered his hand for a handshake.

"Sorry, Kuya. Nag-sorry na rin ako kay Mamang. Hindi ko dapat sinabi iyon. Hindi ko na mababawi pero sorry talaga."

"Ayos na iyon, To." Ginulo ko ang buhok niya. "Magpagupit ka na. Mas mahaba pa yata buhok mo kay Panpan." I looked at her and smiled. Tumaas ang kilay ni Pan pero nginitian niya rin ako.

"Is she gonna be ayos na?" Tanong pa niya sa akin. Natuwa naman ako kasi nagtanong siya. Kumabaga, baby steps na ito. Baka sakaling makita niya na ang point naming lahat.

"Sana. Humihinga naman na siya kanina. She's in a really dark place right now and I am trying my best to take her to the light."

"H'wag naman ganoon, Kuya. Ano ka, Meralco." Wika pa ni Toto.

Straight through my heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon