Anong nangyayari?
Sihurano's
"Halika na kasi!"
Kanina pa ako pinipilit ni Spica na bumaba ng kotse. Alam kong naiinip na rin si Liu pero hindi siya nagsasalita. I am thankful that veryone seemed very considerate when it comes to me pero nahihiya na rin ako. Ayokong pumasok sa bahay dahil naroon si Daddy. Hindi pa kami nagkikita mula noong maospital ako. Puro si Mommy at Clari ang dumadalaw sa akin, kung sasama naman siya, hindi siya bababa ng sasakyan, maghihintay siya roon hanggang sa kung kailan uuwi si Mommy at Clari. Nalulungkot ako sa kinalabasan ng relasyon naming mag-ama pero wala akong magagawa. Hindi niya kasi talaga ako matatanggap. Masyadong malaki ang kasalanan ko para basta niya ako patawarin.
"Okay..." Wika ko. Nanginginig ang tuhod ko habang pababa kami ni Spica ng kotse. Liu patiently waited for us. Humawak ako sa kamay ng kapatid ko habang naglalakad kaming dalawa. We went inside the house, we were greeted by our mother. Sa akin siya unang dumiretso at niyakap ako. Hinalikan niya pa ako sa noo tapos hinaplos – haplos ang braso ko.
"It's good to have you back, MJ.' She smiled at me. Hinawakan niya ang kamay ko at tiningnan ako nang mariin. Ngiting -ngiti siya. Hindi ko alam kung anong sinasabi niyang it's good to have me back, hindi naman ako babalik rito, matutulog lang ako tapos bukas susunduin na ako ni Jufran.
"Ma, hindi naman bumalik si Juana. Sleep over lang. Bukas susunduin rin siya ni Juffy."
"You're still with him?" Nagulat pa ako nang magsalita si Daddy. Pababa siya ng hagdan. Tiningnan ko siya. Ewan ko ba, habang nakatingin ako sa tatay ko, naririnig ko si Mamang sa isipan ko. Paulit – ulit sa akin iyong sinabi niya sa akin tungkol sa pagpapatawad sa aking sarili at sa paghingi ng tawad. "Pagkatapos ng pambabastos ng pamilya ng lalaking iyon sa amin na mga magulang mo, sasama ka pa rin sa kanya? Anong katangahan iyan, Maria Juana? Hindi kita pinalaki sa isang komportableng buhay para lang magpaalipin at magpa-uto sa mga taong tulad noon."
"Pidong, ano ka ba?" Pinigilan ni Mommy si Dad. Napailing si Spica. Alam kong gagana ang bunganga niya pero pinisil ko ang palad niya. Nagagalit ako. Pakiramdam ko binastos ni Dad hindi lang ako kundi ang buong pamilya ni Jufran. Hindi pala pakiramdam – sigurado akong binastos niya ang pamilyang tumanggap at kumalinga sa akin sa mga panahong nag-iisa ako.
"Sinasabi ko lang ang totoo! Maria Juana! Ano bang nangyayari sa'yo?! Hindi ka naman ganyan! Naging bobo ka ba sa loob ng kulungan?!"
"Dad!" Sigaw ni Spica. Nakatitig lang ako kay Dad. Nakakuyom ang palad ko. Naaalala ko si Mamang. Nagtangis ang mga bagang ko. Tama si Mamang. Hindi sa lahat ng oras ibababa ko ang sarili ko.
"Tama na!" Sigaw ko. Tila nagulat ang lahat sa ginawa ko. Kitang – kita ang pagkabigla ni Dad habang nakatingin sa akin. Tumaas – baba ang dibdib ko. "Tama na! Please lang tama na!"
"Hindi kita pinalaki para sa araw na ito, sisigawan mo kaming dalawa ng nanay mo!"
"Sobra na!" Sigaw kong muli. "Iyong mga taong inaalimura mo at sinasabihan ng kung ano -ano, sila iyong kasama ko noong mag-isa ako. Sila iyong tumanggap sa akin despite of all. Sila iyong pilit yumayakap sa akin. Si Jufran, Dad, wala siyang ibang hiling kundi ang kasiyahan ko, si Mamang paulit ulit niyang sinasabi sa akin ang halaga ko. Si Pepe, iniligtas niya ako sa isa pang pagkakamali na naman. Ikaw, nasaan ka ba noong kailangan kita? Kahit ba kailan naisip mong kamustahin ak? You don't know how much I cried and tried to ask for your help when I was inside. Pero hindi ko ginawa, alam mo ba Dad kung bakit? Kasi kahit anak moa ko, alam ko kung anong mas mahalaga sa'yo at iyon ang repustasyon mo bilang politiko. I never asked that kasi mapapahiya ako. Ayokong gawin mo kasi mapapahiya ka. Sa lahat ng oras Dad, iniisip ko iyong repustasyon mo, too bad I was the one who tainted it. Pasensya na talaga pero hindi ko na mapapalagpas kung pati iyong pamioya ng asawa ko, mamasamain ninyo pa. Sorry, but I have my limits too."
BINABASA MO ANG
Straight through my heart
General FictionDarkness. Maria Juana Sihurano is full of darkness. Pakiramdam niya ay hindi na siya muling babalik sa dati dahil sa kadilimang dala ng kanyang nakaraan. She felt out of place in her own family. She felt alone but whenever Juan Francisco Birada is a...