Hindi sapat
Birada's
"Amina iyang bag mo kuya! Siguro gutom ka na! Tamang – tama! Mainit – init pa ang ulam natin."
Hindi ko maintindihan kung bakit parang ang saya – saya ni Pedro nang makita ako. Ako naman ay hiyang – hiya sa kanya. Kung tutuusin pwede akong umuwi na lang sa Malolos, may bahay naman kami roon, dito sa Paombong kasi, medyo hindi pa ako sigurado kung may uuwian ako. Hindi naman kasi kami maayos ni Mamang at walang pagkakataon noon para makausap ko siya. Hiyang – hiya ako sa nanay ko at sa mga kapatid ko.
"Wala kang dalang sasakyan?" Tanong ni Pedro."Ha? Wala. Nag-bus lang ako."
"Oh, nasaan iyong asawa mo?"
"Nasa bahay..." Hindi ko masabi kay Pepe na hindi rin ako sigurado kung may asawa pa ba akong babalikan o kung asawa ko pa nga iyong iniwanan ko sa masyong iyon.
"Ah! Bale susunod na lang siya no, Kuya? Ha'mo, nandyan pa naman iyong pick-up mo. Palaging inaayos ni Kuya Fonso iyon. Bago nga baterya noon, nadiskarga kasi noong nakaraang ginamit niya. Nandito na tayo!" Ang lakas nang boses ni Pepe. Ako naman ay kabadong – kabado.
"Si-sinong nasa loob?"
"Ang lahat. Mang! Mang!" Sigaw niya habang papasok kami. Iniwanan niyang bukas ang pinto, atubili akong pumasok, sinalubong ako ng pamilyar na amoy ng bahay namin. Napahinto ako sa may pinto. Naririnig ko si Pepe na tinatawag si Mamang.
"Mang! Mang! Dali!"
"Saan ka ba galing Pedro? Kanina pa nakahain ang asawa mo. Nagugutom na ang mga pamangkin mo, kung saan – saan ka pa nagpupunta? Hala! Umupo ka na roon!"
"Hindi, Mang!" Pumasok ako nang tuluyan. Nakatayo si Mamang at Pedro sa may sala. Sa sofa ay naroon ang isang batang babae – nakilala ko si Mela, ang panganay ni Fonso, may katabi siyang baby na siguro ay isang taon o mahigit pa. May hawak itong saging at pilit ipinapasok sa bibig."Anong hindi? Aba'y kung ayaw mong..." Natigil si Mamang sa pagsasalita dahil mukhang napansin na niya ako. Dahan – dahan siyang bumaling sa may direksyon ko. Nagyuko ako ng ulo.
"Mang, nakita ko kasing nakasilip si Kuya kanina, akala ko nga namamalikmata lang ako. Nandito na si Kuya, Mang! Umuwi na siya."
Lumapit ako sa kanya para magmano. Natatakot akong baka hindi niya ako pagmanuhin – na hindi nga nangyari. Inilayo niya ang kamay niya at saka tumalikod. Kinuha niya iyong batang babae at saka iniwanan kami ni Pedro. Tinapik naman ako ng kapatid ko.
"Hayaan mo, Kuya, lalambot rin si Mamang. Kumain na tayo."
"Oh to the m to the g! Jufran!" Napapikit ako nang marinig ang boses ni Pan. I smiled at her. Yumakap siya at humalik sa akin. "This is such a happy day like there's ten hahahahahahahahahaha in the end! Oh my gosh! You're nandito na! Like fuck! Towhtowh!"
BINABASA MO ANG
Straight through my heart
Ficción GeneralDarkness. Maria Juana Sihurano is full of darkness. Pakiramdam niya ay hindi na siya muling babalik sa dati dahil sa kadilimang dala ng kanyang nakaraan. She felt out of place in her own family. She felt alone but whenever Juan Francisco Birada is a...