Epilogo

82.7K 3.1K 825
                                    

The Juans

Birada's

Three months later...

HAPPY BIRTHDAY MAMANG!

Abala ang lahat para sa paghahanda sa kaarawan ni Mamang. May party mamayang hapon, imbitado ang lahat ng kaibigan ng pamilya namin lalo na ang kapitbahay naming kamukha ni Fonso. Si Pepe ay inuutusan ang mga tao ng food park na ayusin ang banner kung saan nakalagay iyong happy birthday Mamang na iyon. Nakakatuwang abala ang lahat sa pag -aayos para mamaya.

Ang sabi ni Toto sa akin ay darating raw ang kapatid ni Mamang na si Tiyo David. Siniguro ko kasing darating siya ngayon para naman makapagpasalamat sa mga ginawa niya para sa amin ni Juana. Napangiti ako. Nasa silid pa ako, si Juana ay nasa kama at tulog na tulog pa. Napapansin kong palagi siyang inaantok ngayon at napapaganang kumain, akala ko nga ako lang ang nakakapansin noon, pati pala siya, kaya ayon, nagpasya kaming dalawang bumili ng pregnancy test kit – parang experiment lang sana iyon, nagbabaka sakali lang kaming dalawa nab aka mayroon nang laman, baka may tinapay na sa oven at hindi naman kami nagkamali – the test kit showed two lines. Halos nagtatalon ako sa tuwa.

Nagpa-check up kami agad. Sabi ng doctor, two months na raw ang tyan ni Maria Juana, pero hindi pa namin sinasabi kahit kanino dahil balak kong iregalo kay Mamang ang apong matagal na niyang hinihingi sa akin. Ang saya – saya ko. Unti – unti na kasing umaayos ang lahat sa buhay naming mag – asawa. Juana is doing great in her therapy, pabawas nang pabawas ang gamot niya, tamang – tama naman dahil buntis na siya at kailangan na talaga niyang umiwas sa ganoon.

Kapag gabi at natutulog na siya, I watch her. Inaabangan ko kung gigising siyang umiiyak o sumisigaw, hindi na madalas mangyari iyon. Palaging tahimik ang mga gabi naming dalawa – maliban na lang kapag birada time na. She is in the process of healing – alam kong mahaba iyon pero hindi ako maiinip maghintay sa kanya.

Tinabihan ko siya sa kama. Siguro naramdaman niyang naroon ako kaya humilig pa siya sa akin at lumapit. Hinayaan kong kuhanin niya ang kalahati ng braso ko. Nagbuntong – hininga pa siya at nagpatuloy sa pagtulog. I was only looking at her. Ngumingiti – ngiti pa siya. Hindi ko napigilang halikan siya sa noo tapos ay muli ko siyang tinitigan.

"Sana babae para kamukha mo." Bulong ko pa. Hindi naman siya nagising. Juana must be in deep slumber. Nakarinig ako ng katok sa pinto. Dahan – dahan akong bumaba ng kama para buksan iyon. Nakita ko si Mona. Ngiting – ngiti siya sa akin.

"Kuya, mayamaya andyan na ang mga bisita. Bumaba na kayo. Parating na raw si Father Arman." Sumilip pa si Mona sa loob. "May sakit ba si Juana? Panay yatang tulog at inaantok."

"Wala eh, napupuyat." Mabilis na sagot ko. Mona made a face. Parang diring – diri pa siya. "Gago, ginagawa ninyo rin naman ni Fonso!" Tawang – tawa ako lalo nang hamapasin niya ang bibig ko. She turned away. Pinanonood ko siya habang palayo. Kung minsan ay naaawa ako kay Mona, alam kong mahal niya si Don Paeng bilang kanyang ama, pero naisip kong mas maigi kung nakilala niya si Papang.

Siya lang ang nag-iisang anak na babae ni Papang and I know if he is alive, he will spoil her with all he has. Naaalala ko iyong mga pagkakataong nakakasama namin si Mona noong mga bata pa kami. May insidente pang pinasundo ni Papang si Mona sa akin para dalhin sa lawa at nang makasama siya sa picnic naming mag – anak. Tuwang – tuwa si Papang sa kanya, hindi namin alam kung bakit, akala namin ay dahil si Mona ay inaanak niya at best friend niya si Don Paeng pero iba pala. Sayang – sayang talaga.

I closed the door and climbed to bed. Marahan kong ginising si Maria Juana. Niyugyog ko ang kanyang balikat. Hindi naman nagtagal ay nagmulat na siya ng mga mata. Agad siyang ngumiti sa akin. Naghikab pa nga.

Straight through my heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon