Kapitulo. Quince

55.5K 2.6K 549
                                    

Long night

Sihurano's

Nakahawak lang ako sa kamay ni Jufran habang nasa loob kami ng sasakyan, Si Spica ay katabi ko at kanina niya pa tinatawagan si Liu. Sinabi niya ang nangyari at kung sinong kasama namin. Hindi ko alam kung paano nagkakilala si Spica at ang tinatawag niyang Kuya Don, mukhang close na close sila. Inaalala niya pa nga ang ipinagbubuntis ni Spica.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko kay Jufran. Ngumiti siya sa akin at hinaplos ang noo ko. Nakatutuwang makita siyang ganito. Akala ko talaga, hindi ko na siya makikita. Ang daming nagawa para sa akin ni Jufran para sa akin at hindi ko pa nasusuklian iyon. Kailangan kong mapagsilbihan ang asawa ko dahil deserve niya iyon.

"Pupuntahan natin si Mamang." Malumanay na wika niya. Tumango naman ako at humilig sa balikat niya. Inaalala ko rin si Mommy at Daddy. Kahit naman ganito sila ay mga magulang ko pa rin sila. I wondered what happened to them. Bago kami lumabas ni Spica ng bahay ay nakita kong hinahabol rin kami ng iba pang security personnel ni Mommy, alam kong dadalhin kami sa panick room na located sa ilalim ng garahe. Dad is always ready. Mabuting pulitiko ang Daddy namin at marami siyang kaaway, he anticipated that one day, our house will be invaded and we have to be safe that is why he built the panic room. Ang problema, dahil kinulong nila ako kahapon, hindi kami sama – samang nadala sa panic room na iyon. Siguro sa ngayon, nag-aaway na si Mommy at Daddy ngayon – kung mayroon man ayaw na ayaw mangyari si Mommy, iyon ay ang mapalayo ang mga anak niya sa kanya.

I sighed. Napansin kong huminto na ang kotseng sinasakyan namin. Bumaba na iyong Kuya Don ni Spica at iyong Red na tinatawag niya. Hawak pa rin ni Jufran ang kamay ko, paglabas namin ay nakita ko si Liu na agad niyakap ang asawa niya. He even kissed her forehead and cupped her face. I smiled upon seeing the affection on Liu's face. Mahal na mahal niya talaga si Spica.

"Nasaan tayo?" I asked Jufran again. Hindi na niya ako kailangan sagutin pa dahil nakita ko na si Mamang. Hiyang – hiya ako sa kanya. Agad kaming lumapit. Nagmano naman ako sa kanya. "Mang, sorry po."

"Hindi ko kailangan niyan mula sa'yo. Mag-uusap muna tayo, ha. Kamusta ka naman?" Tanong niya. Lumakad kami papunta sa loob ng kabahayan. It's a mansion. Namangha ako nang makita ko ang gitna ng kabahayan – the tree inside the fiber glass must be quite old. It is the first thing anyone will see if they entered this home.

"Jufran..." Humigpit ang hawak ko sa kanya nang makita ko at mamukhaan ang isang may edad na lalaking pababa nang hagdanan na may kargang batang babae. I know him! I used to see him in the correctional.

"Nandito na sila, Sandoval." Si Mamang ang nagsalita. Kabang – kaba ako. The man looked at me.

"Anak ka ni Elpidio Sihurano." Ngumiti siya sa akin. "Ikaw pala ang napangasawa ng pamangkin ko."

Napatingin ako kay Jufran. Mukhang hindi naman siya bothered. Sinenyasan kami noong lalaki na sumunod sa kanya. We did. Umakyat kami sa itaas hanggang sa makarating kami sa rooftop. Nakita kong naroon ang ibabaw noong punong nasa living area. Sa likod noon ay may pinto, doon kami pumasok nila Mamang. Napasinghap ako nang makita ko sa loob ang iba't ibang kalibre ng baril. Iyong iba nasa loob ng glass cabinet, iyong iba nakasabit lang sa wall. Kabang – kaba ako. My father owns two guns, but that's it. May mga baril ang security personnel namin, pero hindi pa ako nakakakita nang ganito karami.

Naupo kaming tatlo nila Mamang. The man was looking at us – lalo na sa akin. Ilang beses siyang napabuntong – hininga.

"Ano bang nangyari, Juana?" Tanong ni Mamang. Magkatabi kaming dalawa. Hinawakan niya ang kamay ko at naghihintay siya sa sasabihin ko.

"Hindi ko rin alam, Mamang. Dumating kami ni Spica kagabi, nang magkita kami ni Dad, mainit na ang ulo niya. Sinabi ko kasing hindi naman ako bumalik sa bahay para mag-stay. Ang plano kasi namin ni Jufran ay maghanap ng bagong doctor para sa akin. Suddenly, he started bad mouthing my husband, and I felt enraged. Lahat kasi ng sinasabi niya sa akin ay hindi naman totoo. Si Jufran po ang sumama sa akin noong mga panahong nag-iisa ako. Akala kasi ng mga magulang ko palagi akong malakas, naniniwala silang kaya ko ang lahat but prison changed me."

Straight through my heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon