Kapitulo. Dieciocho

49.3K 2.3K 594
                                    

Kisame

Birada's

Hindi kami umuwi ni Juana nang gabing iyon. Hindi rin naman ako makatulog. Juana asked me if it's alright to spend the night in her parent's bedroom. Alam ko kung gaano niya na-miss ang tmga magulang niya kaya sinabi kong ayos lang. Habang tumatagal ay nakikita ko ang pagbabago sa mga mata niya, I used to look at her with dead eyes, now, her eyes are smiling along with her mouth and I couldn't be more proud – kasabay ng kasiyahan ay nangingibabaw sa akin ang takot at kaba, pati na rin ang galit. Hindi ko alam kung anong plano ni Senator Sihurano pero ako, iisang tao lang ang naiisip ko habang hindi ako makatulog ngayong gabi – ang kapatid ni Mamang, si King David Sandoval. Alam kong kakaiba sila sa lahat. Hindi ko alam kung naramdaman iyon ng mga kapatid ko pero iyon talaga ang pakiramdam ko. May mga baril sila, may ginto at iba rin ang salitaan. Hindi kami pinalaki sa pagmumura – kahit na palagian kong naririnig ang Mamang na nagbibitaw ng salitang ikaiiyak ng Guardian Angels niya ay hindi naman ako lumaking maya't maya ay nagmumura.

Nagtanda kasi ako nang minsang marinig kami ni Papang na nagmumura pinakain niya kami nila Fonso ng tag-sampung sili. I was thirteen then, hindi na ako umulit talaga.

Sa kalagitnaan ng gabi ay bumangon ako dahil hindi talaga ako mapakali. Nag-isip akong mabuti, kailangan ko talaga ng tulong, hindi ko na hihintayin si Senator Sihurano. Alam kong gagawa siya ng paraan pero matagal iyon dahil lahat ng bagay ay idinadaan niya sa proseso.

Umalis ako. Nakita ako ni Mariz at magsenyasahn lang kami. Hindi ko na inistorbo ang asawa ko at ang mga magulang niya dahil babalik naman ako kaagad. Dahil halos maghahating – gabi na ay hindi na ako naipit sa traffic. Mabilis akong nakapunta sa village na tinitirhan ng kapatid ni Mamang. Nahihiya pa nga akong kumatok noong una dahil naisip kong baka tulog na sila but then, I realized that the lights were still on. UIlang beses pa akong nagbuntong – hininga dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanila sa oras na harapin ako ng kapatid ni Mamang. Madaling sabihin na Tiyo ko rin siya pero dahil hindi naman kami magkakilala ay hindi mag -sink in sa akin ang katotohanan na hindi lang pala si Tiya Jo ang kapagtid ni Mamang.

I went out of the car and rang the doorbell. May kakaibang kaba sa dibdib ko, may boses sa utak kong nagsasabing hindi ko dapat gawin ito because I don't know what I am dealing with but I couldn't help myself. Gusto kong bigyan ng hustisya ang asawa ko at hindi ko rin nakalimutan ang sinabi ng kapatid ni Mamang na kung may kailangan ako ay tawagan ko lang siya.

Binuksan ang pinto at pinapasok ako. Hindi nagtagal ay kaharap ko na ang kapatid ni Mamang. Tahimik ko siyang tinitingnan. Si Tiya Jo kasi ay kamukha talaga ni Mamang, iisang hugis ng mukha, mata at bibig pati na rin ang ilong, tapos itong si King David iba ang hitsura niya. Gwapo talaga rin siya. Siguro may mestizo blood itongf kapatid ni Mamang.

"Pamangkin, anong maipaglilingkod ko sa'yo? Mukhang napaaga ang balik mo?" Ngumiti siya sa akin.

"Siguro po nasabi na sa inyo ni King Solomon ang tungkol sa nangyari sa asawa ko at doon sa taong gumawa niyon sa kanya."

"Ahh! Si Martin Dela Rosa. Oo. Kilala ko siya! Isa siya sa mga tao ko dato sa NGO noon." Napakunot ang noo ko. Tao sa Ngo? Ibig bang sabihin, hindi talaga maayos na tao si Martin Dela Rosa kaya siya naipatanggal ni Senator? "Nahuli lang siya ni Sihurano noon kaya pinakalas ko siya sa grupo. Buti nga binihay ko pa siya."

"Po?" Takang – taka ako.

"Naawa lang ako noon, bata pa kasi iyong anak niyang babae. Pero kung alam ko lang na magiging dahilan siya ng paghihirap ng isa sa pamilya ko, sana pala hinayaan ko na siyang mawala noon. I could've looked after his daughter before."

"Po?" Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Is he implying that he could kill Mr. Martin Dela Rosa? Can he really do that?

"Tapos nitong huli, nalaman pa naming stepdaughter niya pala iyong isa sa nagpa-rape sa manugang ko. Kating- kati na ang daliri kong kumalabit ng gatilyo." Parang nakikipag-usap na lang siya sa sarili niya tapos bigla niyang naalalang naroon pala ako. Ngumiti siyang muli. "Ano nga palang magagawa ko para sa'yo, Francisco?"

Straight through my heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon