Kapitulo. Tres

60.3K 2.6K 845
                                    

Birada's

"Hindi ako nagpunta rito para makipag-away."

Hindi ako makapaniwala. Nandito si Jane. Anong ginagawa niya rito? Naisip ko na baka sunduin niya na ako at pauwiin na sa kanila, kaya lang baka pag-awayan na naman namin iyon dahil wala na talaga akong balak bumalik sa buhay na iyon kasama ang pamilya niya. I have never felt so undeserving in my life. May diploma naman ako, Cum Laude pa ako noong nagtapos ako ng pag-aaral, tinitingala ako ng pamilya ko, nirerespeto at lahat sa amin ay magkakapantay pero pagdating sa pamilya ni Jane ay kulang na kulang pa rin ang lahat ng ibibigay ko. Nakakalungkot talaga.

"You should alis now! You're not welcome here! You're a mananakop and this is Mamang's lupa! We don't want you dito because you're a masamang tao and you made Jufran so malungkot like there's five huhuhuhuhu in the end!" Sigaw nang sigaw si Pan. Napatingin sa akin si Jane. Malungkot ang mga mata niya. Hindi ako mapakali. Agad kong pinuntahan ang asawa ko para ipagtanggol sa hipag ko. Si Toto naman ay agad na pinigilan ang asawa.


"Pan, hayaan mo muna. Asawa na siya ni Kuya. Welcome naman siya rito!"


"Like fuck, NO! I will never kalimot what she did to the former pekpek giver! To think na niece niya rin si Adaline but she's almost napahamak because of that bitch!"


"Tama na!" Sigaw ni Mamang. "Toto, iuwi mo muna si Pan sa inyo. Fonso, Mona, Sarah at Pepe, umalis muna kayo. Hayaan ninyong mag-usap – usap kaming tatlo. Matagal nang dapat nangyari ito. Sumunod kayo sa akin."

"Pero, Mang saan kami pupunta ni Sarah? Hindi pa gawa ang bahay namin. Wala pang bubong. Hindi ka ba naaawa sa akin, Mang? Maiinitan ako." Ngumuso pa si Pepe.

"Lintik ka, tatadyakan kita, Juan Pedro!"


"Mamang naman..." Napakamot pa siya ng ulo.

"Halika na, Pepe." Hinatak na siya ni Sarah. Hindi ko maintindihan ang kapatid ko. Masyado siyang nagpapa-baby. Hinawakan ni Jane ang kamay ko. Naramdaman ko kung gaano kalamig iyon. Hindi siya gumagalaw. Si Mamang naman ay nauna nang pumasok. Noon ko siya hinarap.

"Anong ginagawa mo rito?"


"You're not answering my texts or my calls, Jufran. I was worried."

"Patay ang phone ko. Ayokong magbukas."


"Dahil ayaw mo na akong makausap?" Hindi maipinta ang mukha niyang puno ng kalungkutan. Nasasaktan ako pero kailangan kong panindigan ang desisyon ko. I want her family to see that I am worth something kahit na hindi ko sing yaman o sing galing si Liu at si Paolo Arandia. May ibubuga naman ako. Hindi naman ako nanunumbat pero naging maayos ang trabaho ko sa kompanya ng pamilya nila Maria Juana. Iyon pa lang dapat nang makita ni Mr. Sihurano ang halaga ko pero hindi pa rin pala.

"Kung hihilingin mong umuwi ako, Jane, ayoko."


"Hindi mo na ba ako mahal?"

"Bakit, ako ba mahal mo?" Walang kurap na balik ko sa kanya. Hindi siya kaaagad nakasagot dahil tinawag na kami ni Mamang. Kumalas ako sa pagkakahawak kay Jane at nagpatiuna na. Hindi ko maiwasang baka hindi naman niya ako mahal kaya hinahayaan niyang ganito ako.

Naisip ko iyong minsang napag-usapan namin noon ni Fonso – noong hindi pa sila ni Mona pero alam niyang mahal na mahal niya ito. Tinanong ko siya noon kung bakit hindi niya sundan si Mona sa La Union, ang sabi sa akin ni Fonso ay kung minsan raw, hindi sapat na basta na lang nagmamahal – sa isang relasyon, may mas malaking bagay pa kaysa sa pagmamahalan ng dalawang tao at ganoon ngayon ang pakiramdam ko.

Baka hindi sapat ang nararamdaman sa akin ni Jane. Baka nagkamali kaming dalawa. Baka masyado kaming nagmadali, baka hindi sapat iyong isang taon naming dalawa bilang magkasintahan, siguro, hindi kami dapat agad nagpakasal, baka dapat mas kinilala pa namin ang isa't isa. Baka dapat mas siniguro ko iyong pagmamahal niya para sa akin.

Straight through my heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon