Kapitulo. Dos

60.3K 2.7K 631
                                    

Hindi ako nagpunta

Hindi ako nagpunta

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sihurano's

"Can you do all this?"

I couldn't look at Daddy. Ngayong wala na si Jufran, ako ang inatasan niyang mamahala sa kompanya niya. I know I can do this, I have done this before, pero ngayon, hindi ako sigurado sa sarili ko. Hindi ko alam kung paano ako magsisimula. I saw the way they look at me every time I go to that office to visit my husband, pinagbubulungan nila ako, pinagtatawanan niya ako. Hiyang – hiya ako. Tama si Spica, hindi naman ako ganito noon.

Matapang ako – sobrang tapang ko gumawa ako ng kagagahan, ang resulta, namatay ang nag-iisang kapatid ng tatay ko.

I was jailed. I accepted my faith. Hindi ko na nga kahit kailan inisip na makakalaya ako. My father wanted to use his power to take me out but I declined. Kailangan kong pagbayaran ang mga ginawa ko noon. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Uncle Nilo died because of me, Uncle Nilo didn't get a chance to be with his daughters because of me. Hindi na nga ako dapat nabuhay, ako naman dapat ang nawala noon.

Napakalungkot ng buhay ko sa loob. I was in the correctional for years. I was treated like shit – I accepted that. I deserve that. It was my punishment for what I did to my family. Galit sa akin ang paborito kong pinsan, sino ba namang matutuwa sa akin, muntik nang mapahamak ang pamangkin ko. Hindi ako matingnan ni Papa sa mga mata, hindi siya galit, pero hindi niya ako kayang tingnan – iyon ang pinakamasakit.

Nakalaya ako. I thought everything will be as it was but I was so wrong. Tinanggap naman ako ng pamilya ko. Ramdam ko namang mahal pa rin nila ako, pero kahit anong gawin ko, pakiramdam ko hindi na maibabalik ang dati. Si Daddy, hindi na siya babalik sa dati.

I felt so wretched. I got so lost. Sa mga panahong iyon, driving comforts my soul. Every night, I leave the house, I drive around. Wala naman akong pupuntahan, wala akong direksyon, parang buhay ko lang – walang direksyon. Sa kakamaneho ko, nakarating ako sa lugar nila Jufran. I've been there before, kasama ko si Clari, pero hindi naging maganda ang usapan noon kasama si Pan Vejar. Parang minalas pa ako kasi, doon pa sa malapit sa bahay nila ako nasiraan. Wala pa naman masyadong bahay roon. I think, dalawa lang silang magkapitbahay, the Arandias and the Biradas. I don't think, I can ask for their help, we're not really in speaking terms.

Balak ko sanang manghingi ng tulong sa iba. I got out of my car and started to walk until I heard a vehicle coming from somewhere. May dumating na tricycle at si Jufran ang sakay noon. Medyo nalagpasan niya pa ako pero huminto siya. I looked back, pababa siya ng tricycle tapos ay humarap siya sa akin.

"Anong nangyari?" Tanong niya pa. Napakamot ako ng ulo.

"Biglang huminto eh." Sabi ko pa sa kanya.

"Tingnan ko ha." Lumakad na siya papunta sa kotse ko. Sumunod naman ako. Binuksan niya iyong hood at nagkanda-ubo – ubo siya habang sinasalubong ang usok ng makina. "Luh ka! Nag-overheat na ito! Gaano ka na ba katagal nagmamaneho?"

Straight through my heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon