Pepe's Spot
Sihurano's
"I want you to stay away from my family, Mary Jane."
I've known Kairos for the longest time. Matagal na siyang asawa ng pinsan kong si Mariake at sa mga pagkakataong iyon, I have never heard him talk this calm - he was too calm that his voice radiates the coldness of an endless winter. His facial expression was calm too – but I sensed anger in the way he looked at me. I couldn't talk or move. I just stood there looking at him. Even Pan Birada seemed to be appalled by this situation.
"Kairos..." Hindi ko alam kung saan nanggaling ang tinig kong iyon. I feel so... small and scared right now. Hindi naman ako ganito. I used to be fearless. I used to be so carefree. Inis nga ako kay Kairos because he is a jerk, and I never thought I'd feel this small in front of him. Naiintindihan ko naman siya. I caused trauma to Adaline – a person I loved so much. Nasaktan siya dahil sa akin at pinagbayaran ko iyon sa kulungan pero siguro nga tama si Pan, kahit kailan ay hindi magiging sapat iyon.
"I already told her that." Pan said. "I told her, like Mariake, is nagtitiis lang about her. I'm so sigurado that my sister-in-law is not comfortable with Ada around her but she doesn't have any magagawa kasi she's too mabait, but this monster here is so manhid, hindi niya knows where siya lulugar."
"Just stay away from my family, Mary Jane. I know your father has influence, but I have mine too, I can do things, I came make things happen. H'wag mo akong subukan. I will protect my family. Stay away from them..."
Ilang beses akong napalunok. I found myself nodding. Tahimik akong tumaliko at bumalik sa bahay ng mga Birada. I don't belong to any place. I hate myself more. Sana kasi hindi na lang ako natagpuan nila Jufran, siguro mas tahimik ang buhay ko ngayon. I stood behind the sink. Tears were falling. Nanlalabo na nga ang mga mata ko dahil sa mga luhang iyon, ayokong umiyak.
Ipinilig ko na lang ang aking ulo pagkatapos ay nagsimula akong magluto. I could still see Kairos' car outside. Pumasok sila ni Pan sa loob ng bahay na iyon. I wondered if they were still talking about me – I'm sure they still are and that made me feel so naked. Nanginginig ako. Nakakahiya. I sobbed.
I will never be worth anything. Tama si Kairos, tama si Pan.
I saw the knife beside me. Nanginginig ang mga kamay ko, dahan – dahan kong nilalapit roon ang kamay ko. I keep thinking about what Pan and Kairos said, tama naman talaga sila, pero natigilan ako nang biglang may ibang kamay na kumuha niyon. Nakita ko si Pepe, nakangiti sa akin.
"Good morning, Ate Jane!" Masayang – masaya ang boses niya habang tinatago ang kutsilyong iyon. "Nag-usap kami ni Kuya, pupunta raw siya sa Malolos ngayon para tingnan iyong food park namin, siguro maganda kung sasama ka roon sa kanya para malibang ka naman!"
"Pe! Bakit ba sigaw ka nang sigaw, ang aga – aga!" Nagising na rin si Jufran. Ngumiti siya sa akin at hinalikan at sa noo. He looked at me habang ngiting – ngiti siya. Hinaplos niya ang buhok ko tapos ay muli na naman akong hinalikan sa noo. Napansin kong lumayo nang bahagya si Pepe, siguro para itago ang kutsilyong hawak ko kanina. "You're shivering, are you okay?" Biglaang tanong ni Jufran. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya pero pinili ko na lang ngumiti at tumango mas mabuting hindi niya alam kung anong nangyayari sa akin, ayoko nang mag-alala si Jufran, sobra – sobra na ang stress na ibinibigay ko sa kanya."Diba, Kuya pupunta ka sa Malolos ngayon?" Si Pepe ang muling nagsalita. "Ang sabi kasi ni Sara kagabi may dapat daw ayusin doon sa libro noong food park sa Plaridel, tutal nandito ka na ulit, ikaw na lang ang pumunta sa Plaridel kasama ni Sara, ako na lang muna ang bibisita sa Malolos."
BINABASA MO ANG
Straight through my heart
General FictionDarkness. Maria Juana Sihurano is full of darkness. Pakiramdam niya ay hindi na siya muling babalik sa dati dahil sa kadilimang dala ng kanyang nakaraan. She felt out of place in her own family. She felt alone but whenever Juan Francisco Birada is a...