Kapitulo. Nuebe

63.8K 2.5K 901
                                    

Wala akong masabi

Sihurano's

"Halika na, matulog na tayo."

Matagal kong tinitigan si Spica habang inaayos niya iyong pwesto niya sa kama naming mag-asawa. Masaya akong nandito siya kasi nabawasan iyong pag-iisip kong mag-isa lang ako at wala akong kakampi. Alam kong gusto niya akong alagaan. She was always with me whatever happens to me. Ang madalas niyang sabihin sa akin noon ay ako ang paborito niyang kapatid pero hindi naman rin halata iyon dahil kung paano ang trato niya kay Clarita ay ganoon rin sa akin. Speaking of Clarita, nasa kabilang lupain sila, kasama si Mommy at ang mga anak niya. Sa mga Arandia sila nanirahan dahil kamag-anakan ni Paolo ang mga taong iyon.

"Dito ka ba matutulog? Doon ka sa silid na ibinigay ni Mamang sa'yo." Wika ko pa. Nagkibit – balikat lang naman siya.

"Ayoko roon. Sabi ni Juffy sa akin may cream raw na ipinapahid sa mga peklat mo, asan na?" Itinuro ko sa kanya iyong nasa loob ng bedside drawer. Mabilis niyang kinuha iyon at sinimulan niyang ipahid sa likuran ko.

"Saan matutulog si Jufran?"

"Aba ewan. Nakita ko silang nag-uusap ni Aling Mamang sa baba. Bakit ganoon iyong biyenan mo? Parang hindi papahuli ng buhay."

"Spica!"

"Pero mukha naman siyang mabait. Mukhang magkakasundo naman sila ni Mommy, basta hindi aatakihin ng pagmamaldita iyong nanay nating demanding. Kaya siguro sila naging mag-asawa ni Daddy kasi pareho silang demanding. Si Dad palaging demanding sa akin. Binawalan ko nga si Liu na bumalik sa politika, he's doing so well with his work now. May mga international na siyang clients saka nagsisimula ng kumite iyong maliit na Ad company na sinimulan nila ni Ramona tapos bigla – bigla, nagsabi sa akin babalik raw siya sa politika. Ayaw naman na niya. He's just doing this to please Dad."

"Bakit hindi na lang si Paolo ang ayain ni Dad na tumakbo?" Hindi ko natiis itanong. Mabait si Dad pero sineseryoso niya talaga ang pulitika.

"Gago kasi siya. Mag-sleep na tayo." Humiga na si Spica sa tabi ko. I just sat there. Tinitingnan ko siya. She looked so tired kaya nahiga na rin naman ako. Spica hugged me. Tahimik lang siya habang ginagawa niya iyon. I know how she feels. Paulit – ulit niya akong iniiyakan noong nasa ospital ako. Alam kong mahal ako ni Spica at sa mga panahong nag-iisa ako, tulad ngayon, hindi ko kailangan magdalawang salita sa kapatid ko dahil palagi siyang gagawa ng paraan para makasama ako.

I know how hard it was for her lalo noong nilalayo ko ang sarili ko sa kanya. Hindi ko kasi sigurado noon kung dapat pa ba akong magingf parte ng buhay ni Spica. She's moving forward, may asawa na siya, may anak, may buhay siyang kanya lang at dapat iyon ang iniintindi niya. Ayokong maging pabigat sa kanya kaya kinaya ko – kakayanin ko kahit wala siya but having her here with me now makes me feel so secured. Pakiramdam ko ay hindi naman talaga ako nag-iisa.

"What are you thinking?" She asked me. Napabuntong – hininga lang ako. Iniisip ko si Jufran. Mula kanina ay hindi pa kami nakakapag-usap na dalawa dahil hindi ako iniwanan ni Mommy, Clari at Pikang. Nakita ko kaninang nakikipag-kwentuhan sila ni Alfonso kay Liu, mukhang seryoso nga kaya hindi ko na rin siya tinawag.

I wondered what's going inside his mind now. Ano na kaya ang tingin niya sa akin? Tulad ko ba ay hindi na rin niya ako tanggap?

"Nakausap mo ba si Jufran?" Mahinang tanong ko kay Spica. Tumaas ang kilay niya pero hindi naman siya nagpakita ng ibang reaksyon. She just shrugged.

"Kausap niya si Liu kanina eh. Hindi ko pa siya nahaharap. Pagagalitan ko nga siya dahil hindi ka niya nabantayan ng maayos kaya nangyari iyon. Ang sabi niya sa akin noon aalagaan ka niya, then what the fuck happened ha?" Inis na inis si Pikang. Napailing ako.

Straight through my heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon