Kapitulo. Catorce

52.4K 2.6K 1.1K
                                    

Rescue

Birada's

Hindi ko alam kung anong nangyayari sa ngayon. Ang sabi noong babae ay kapatid ni Mamang ang lalaking kausap namin ngayon. Ang alam ko, may kapatid si Mamang, si Tiya Jo, pero nasa Europe na iyon. Nurse siya roon at doon na rin siya nakapangasawa at nagkapamilya. Matagal nang hindi nagkikita si Mamang at Tiya pero palagi naman silang nagtatawagan. Maliban roon ay wala na kaming alam na kamag-anak ni Mamang. Kaya gulong – gulo ako ngayon at malamang ganoon rin si Fonso, Toto at Pepe.

"Kukunin ko lang ang parte ko. Ayokong naapi ang mga anak ko." Naagaw ang atensyon ko ng boses ni Mamang. Hindi siya ganoon magsalita. Hindi man malumanay ang boses ni Mamang pero kahit kailan hindi ko siya narinig nagsalita nang may galit – kahit nag-away kami ni Toto at ni Pan, hindi siya ganito.

"Inaapi?" Wika noong lalaki. "Inaapi ang mga anak mo?" Kunot na kunot ang noo niya. Tiningnan niya kaming magkakapatid. May hitsura iyong may edad na lalaki pero sigurado akong mas bata siya kaysa kay Mamang. Napakatangos ng ilong ng lalaking ito, at kahit may edad na ay parang hindi pa rin bakas sa kanya iyon. Mukhang astigin siya dahil may hati pa iyong kilay niya at may ilang piercings siya sa tainga.

"Oo. Inaapi nila ang panganay ko dahil hindi kami sing – yaman nila. Mayaman si Juan, Sandoval. Marami siyang iniwang lupain at ari-arian sa akin at sa mga bata pero hindi ko sinanay ang mga anak namin sa marangyang buhay dahil ayokong lumaki silang may yabang sa katawan. Mababait ang mga anak ko, pero mukhang hindi sapat iyon sa biyenan nitong si Francisco."

"Sino si Francisco?" Tanong pa noong lalaki. Nagtaas ako ng kamay. Si Mamang naman ay pinakilala kami isa – isa.

"Ito si Juan Francisco, si Juan Alfonso, si Juan Antonio at itong bunso ko, si Juan Pedro. Kamukhang – kamukha ni Juan itong bunso ko." Mamang said that with a proud voice. Sigurado akong kilig na kilig na si Pedro ngayon pero hindi ko pa rin alam kung sino ang taong ito.

"Mamang..." Bulong ni Fonso. "Baka lang nakalimutan ninyo, kailangan natin tulungan si Kuya kay Maria Juana."

"Kaya nga tayo nandito, dahil kay Maria Juana."

"Po?" Tumingin si Mamang sa akin.

"Kukunin natin si Maria Juana pero hindi tayo pupunta roon basta – basta. Kung minamaliit ka ng biyenan mo, pupunta tayo roon nang may ipagmamalaki ka, Francisco. Akala ninyo ba natutuwa akong may umaapi sa inyo? Akala ninyo ba na kapag minamaliit nila kayo, hindi ko iniisip na dapat pinalaki ko kayo sa marangyang buhay na gusto naman talaga ng ama ninyo para sa inyo? Palagi kong iniisip na mas maiging lumaki kayong mabait, may prinsipyo at may isang salita kaysa iyong may pera at kapangyarihan pero hindi pala lahat ng tao kayang tanggapin ang ganoon."


"Mang hindi kita maintindihan." Sabi ko na lang. Tiningnan niyang muli ang lalaking nakaupo sa tabi niya.

"Mag-uusap kami ng mga anak ko, Sandoval."

"Oo naman. Sige. Ah... iwanan ko muna kayo, tatawagan ko sina... Stay, Isay, stay for dinner."

Hindi sumagot si Mamang. Umalis ang lalaki. Naiwan kaming mag-anak sa napakalaking salas na iyon.

"Mang..." Wika ko. She sighed.

"Ayoko na sanang ungkatin itong parte ng buhay kong ito pero napilitan ako dahil pakiramdam ko, hindi sapat ang yaman ng ama ninyo para pantayan si Sihurano. Kailangan kapag humarap ka sa kanya, Jufran, mas may ipagmamalaki ka. Kung hindi ka niya matanggap dahil sa payak na pamumuhay natin, pasasabugan ko siya ng mas malaking yaman."

"Anong ibig mong sabihin, Mang?" Tanong ni Fonso. "Saka anong sinasabing kapatid mo iyong lalaki? Diba si Tiya Jo lang ang kapatid mo."

"Kapatid ko si Sandoval sa ama." Wika niya sa amin. "Ang Lola ninyo ay naging kasintahan ng tatay ni Sandoval noon, pero nang makita ng Nanay kung gaano kagulo ang mundong ginagalawan ng tatay ko, umalis siya, iniwanan niya si Saul, namuhay kami ni Nanay noon nang tahimik sa Lubao, pero nahanap niya pa rin kami, nang mabuntis ang Lola ninyo kay Jo ay umalis kaming muli. Nagtago kami ni Nanay hanggang sa pakiramdam niya ay hindi na siya hahanapin, noon kami lumipat ng Bulacan..."

Straight through my heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon