Villains
Birada's
Medyo nagtataka ako sa kinikilos ni Pedro ngayong umaga. Masyado siyang attentive kay Maria Juana. Alam ko naman na gusto niyang ma-feel ng asawa kong welcome siya sa pamilyang ito dahil nga sa mga nangyari nitong mga nakaraang araw, pero may kakaiba ngayon. He even insisted on taking Mary Jane in the food park in Malolosn – and I wondered why. Tinatanaw ko ang pick – up ni Pepe na palayo sa bahay namin. Kumakaway pa nga ako kahit na hindi na nila ako nakikita. Ilang beses kong ibinilin kay Mary Jane na tawagan ko kung magkakaroon siya ng problema, inulit – ulit ko rin iyon kay Pepe pero parang hindi naman kasi niya ako naririnig. Nakangiti lang siya sa akin na parang asong ulol.
"Nakaalis na ba si Pedro at Juana?" Tanong ni Mamang pagpasok ko ng bahay. Karga ni Mamang si Cedie na kumakain naman ng itlog. Kinurot ko muna ang pisngi ng pamangkin ko saka ako sumagot kay Mamang.
"Opo, Mang. Ibinilin ko lahat ng pwedeng ibilin kay Pepe. Medyo maselan kasi ngayon ang kalagayan ni Juana lalo at kalalabas niya lang ng ospital." Ngumiti ako kay Mamang Luisa. Napapailing siya. "Mang, maraming salamat po."
"Para saan?" Tila nagtatakang tanong niya sa akin.
"Sa muli pong pagtanggap sa akin sa bahay na ito." Medyo kinakabahan pa ako."Kahit naman anong galit ko sa'yo, hindi naman mawawala ang katotohanan na anak ka ng ama mo, may karapatan ka sa bahay na ito, ikaw ang panganay at anak rin kita. Kahit ilang beses mo akong iwanan para sa kung kaninong babae, natural na tatanggapin kita dahil anak kita. Sa totoo lang, Jufran, hanggang ngayon may tampo ako sa'yo at hindi ko pa rin gaanong gusto si Juana, pero tinanggap ko siya dahil nakikita kong mahal mo siya at isa pa, ayokong maramdaman niyang walang tatanggap sa kanya dahil sa kalagayan niya. Mukhang mabait na bata iyong, medyo nasaluhan lang siya ng problema. Kung kailangan niya ng mag-aalaga, nandito ang pamilya natin. Gusto kong maiparating iyon sa kanya."
Hindi naman ako nakasagot. Kapag kasi si Mamang ang nagsasalita, wala akong pwedeng isagot dahil palagi siyang tama. Iyon rin kasi ang kauna-unahang itinuro sa akin ni Papang noong lumalaki ako. Sa kahit na anong pagkakataon si Mamang ang tama – kahit mali si Mamang tama pa rin siya. I saw how he embodied this principle and it gave him and Mamang a harmonious relationship for years – hindi rin talaga napigilan iyong paghihiwalay nilang dalawa pero kahit hindi na sila nagkakasamang dalawa, alam ko at nakikita ko noon kung gaano nila kamahal ang isa't isa.
"Ano pang itinatayo – tayo mo riyan? Gawin mo na ang mga dapat mong gawin! Tayo ka nang tayo! Ano ka? Titeng galit?!" Sigaw pa ni Mamang. Hindi ko napigilan ang matawa sa sinabi niya. Sa lahat sa aming magkakapatid, si Pepe yata talaga ang nakamana sa ugaling ito ni Mamang.
Umakyat na ako sa itaas sa silid naming mag-asawa. Ililigpit ko ang kwarto para pagdating ni Maria Juana mamaya ay makapagpapahinga na siya. Papalitan ko rin iyong bedsheet pero pagpasok ko sa loob ay malinis na malinis na iyon, sa gitna ng kama ay may nakita akong yellow na sticky note – it read: Changed the beddings. Inayos ko na rin ang mga gamit ni MJ. Please, Juffy, take care of my sister. I'm sorry for the way my family is treating you. – Pikang.
Sa lahat ng miyembro ng pamilya ni Jane ay si Spica ang pinakamabait. Mabait rin naman si Clari pero dahil asawa niya si Paolo Arandia ay medyo ilag talaga ako sa kanya. Kahit naman Arandia si Fonso, hindi ko naman naging kasundo kahit kailan si Paolo – napakayabang kasi noon! Lalo na noong sabay – sabay kaming may gusto kay Mariake tapos siya ang naging boyfried! Akala mo kung sinong umasta, mas mahaba naman ang Junjun ko kaysa sa kanya!
I got ready. Pupunta kami ni Sarah sa Plaridel Food Park para ayusin ang libro ng branch na iyon. Hindi ko alam kung bakit hindi niya sinabi sa akin kagabi samantalang magkausap naman kami, but inga at nabanggit ni Pedro kaninang umaga.
BINABASA MO ANG
Straight through my heart
General FictionDarkness. Maria Juana Sihurano is full of darkness. Pakiramdam niya ay hindi na siya muling babalik sa dati dahil sa kadilimang dala ng kanyang nakaraan. She felt out of place in her own family. She felt alone but whenever Juan Francisco Birada is a...