CHAPTER 1
Amadea
Kumibot kibot ang makipot na labi ng batang si Amadea. Naruon sya sa isang sulok, tinatanaw ang kangang mahal na ina na nikikipag sayaw sa lalaking pinaka salanan nito kanina lang.
Puno ng pagka muhi ang kanyang mga mata habang naka tutok sa magka parehang nilalapitan ng mga tao at nilalagyan ng kung ank sa katawan.
Humigpit ang kapit nya sa makapal na kurtinang nag sisilbing dekorasyon ng bahay ng makita ang isang batang lalaki na lumapit sa mag - asawa. Kinagat nya ang ibabang labi. Mariin. Nadagdagan ang kanyang galit.
Dati ay sa kanya lang giliw at mahal ng kanyang mama, ngayon ay may nakikihati na at... Tuluyan na syang naka limutan.
Nag sayaw ang kanyang ina at ang batang lalaki na apat na taon lang ang tanda sa kanya.
Na puno ng hiyawan at nataranta ang mga bisita.
Hindi alintana nang batang si Amadea ang ginawang malakas na pag haltak pababa ng kurtina dahilan upang humulagpos iyon sa kinasa sabitan at nalaglag ang ibang bahagi sa pandekorasyong mga kandilang may sindi."Amadea!!" tawag ng kanyang ina.
Puno ito ng pag aalala.Humakbang sya paatras. Hindi gustong humawak o magpa hawak kanino man. Hindi rin nya alintana ang init sa malapit.
"G-galit ako sa iyo." aniko sa papalakas na tinig. Sa pag pikit ng mga mata ay tumulo na rin sa wakas ang mga pinipigilang luha.
"Galit ako sa inyo!!!" malakas ko pang sigaw sabay takbo palayo.Sa edad na sampu, walang takot nyang sinuong ang apoy. Alam nya ang bawat pasikot sikot ng bahay. Tinungo nga ang likurang bahagi ng bahay.
"Amadea! Amadea!"
Nilingon nya ang kakilalang tinig.
Si Manong Sikto. Ang matandang family driver."Lolo!" pumalahaw ako ng iyak sa bisig ng matanda ng maabutan sya nito.
"Amadea--"
"Ayoko rito. Gusto ko kay Papa. Sige na po..." palahaw ko pa.
"Pero Amadea..." napa buntong hininga ito mula sa pag hagod ng kanyang likod.
"M-Mam Lucy..." narinig nyang anas nito.Kumalas sya sa yakap ng matanda at nilingon ang tinatanaw nito. Si Mama kasama nito ang bagong asawa na hawak sa kamay ang batang lalaki.
"Anak--"
Umiiling na umatras sya.
"Ayoko rito! Ayoko sa iyo! Ayoko sa inyo!!" ubod lakas kong sigaw.
"Gusto ko kay Papa!"
Ang batang puso ni Amadea, na babalutan ito ng pait at galit.
"Amadea" ang bagong asawa ni mama.
"Pag usapan natin ito--""Ayoko sa iyo! Ayoko sa batang iyan!" nanlilisik ang mga mata at galit na dinuro ko ang batang lalaki.
Hindi naman lingid sa kaalamang ko na gustong gustong magka roon ng anak na lalake ng ina. Kaya nga ako na itsapwera.
"At hinding hindi na ako titira o babalik sa lugar na ito!"
AFTER 20 YEARS....
Malakas akong humiyaw na may kasamang pag taas pa ng mga kamay sa ere matapos marating ang peek ng bundok na inakyat nilang mag babarkada. Sa ibaba ay ang mangasul ngasul na dagat ng Bikol Region.
"Guys! Guys!"
Napa lingon ako. Si Clarinette. Ang gaga naka G.I Joe attire hawak ang tripod at naka umang sa amin.
Kalat kalat silang lima, yung iba naka bulagta ng higa sa lupa.
Pero walang naki saya sa gusto ni Clari. Kanya kanya sila ng gawa.
"Hoy, Amadea, mga anong oras tayo lilipad?" si Fawziya. Naninigarilyo ito habang naka upo sa gilid ng bangin malapit sa kanyang gawi.
"Antayin lang natin ang signal ni Hoaxine." iniunat unat ko pa ang katawan. Nilingon ang iba. Nag aasemble na para sa pag lipad.
Inayos ko na rin ang para gliding equipment ko. Saka kumain. Ilang minuto pa silang naka tambay roon ng makita sa ere ang guhit na kulay Itim.
"Si Hoax, guys." aniko sabay tayo hawak ang upgraded na largabista. Lumapit ako sa bandang bangin upang matanaw kung saan ba ang lugar ng kaibigan. 45 degrees north-east ayon sa hawak. Isinigaw ko iyon sa grupo.
Muling nag pa putok ng signal si Hoax. Agad kong tinakbo ang bag, isinukbit saka pumwesto na sa pag lipad.
"Ready?" si Fawziya.
Nag tanguhan kami lahat. Sa huling hudyat ni Hoax pabilisan kaming mag kakaibigan sa pag takbo. Kanya kanya ng talon sa bangin at lumipad.
Masasabi kong masaya ang lahat.
Bakit hindi?
Eh minsan na isang araw sa isang buwan o pag nag kakataon lang kami mabuo.Dinama ko ang malamig na hangin ng paligid. Kapayapaan. Ilang beses na nila itong ginagawa pero wala paring bago sa pakiramdam. Ahhh! Sa himpapawid ka lang tulad ng mga ibon makaka kuha ng kapa yapaan.
Ilang minuto rin silang nasa ere ng matanawan nila ang yate ni Hoax. Kanya kanya kaming lapag. Ang mga kaibigan na unang maka lapag, pati narin ang mga suot na damit ay hinubad na rin.
Agad akong kumalas at basta nalang rin iniwan ang mga gamit sa lapag.
"Kamusta?" si Hoax na kasalukuyang nag susunbathing sa lapag habang naka dapa.
May beach chair naman kung saan naroon ang mga naka handang gamit namin sa paliligo. Ngunit tila mas comportable si Hoax sa lapag na nasasapinan lang ng malapad na towel.
"Mabuti. Nasaan ang sunblock mo, Hoax?" si Clari na naka bra at panty na lang.
Dinampot ko ang alak sa mesa. Diretsong tungga sa bote.
"Oh!" sabay bato ng bote ng sunblock ni Hoax sa ere na tinabig lang ni Fawz patungo sa direksyon ni Clari.
"Pahingi nga ako." lumapit at kinuha sakin ni Fawz ang alak habang umiinom pa ako.
"Tirhan mo ko, ah?" bilin ko pa habang pinapa hiran ang alak na tumulo sa gilid ng labi.
"Woohooo!"
Sa pag tingin ko sa baba ay naruon si Elias. Tuwang tuwang iwinawagayway ang huling malaking isda gamit ang pana.
"Clariiii. Pulutaaan!" sigaw pa ni Elias.
Napa ngiti nalang ako.
"Nga pala, Amadea. Mag call back ka daw kay ex- boss." si Hoax.
Nag salubong ang mga kilay ko.
Abay katatapos lang ng misyon ko. Dapat after one week pa ako dapat tawagan, ah.
"Bakasyon naman ako!" hinarap ko ang kaibigan.
Umismid si Faws.
"Si Ex-Boss ang nag papatawag. Hindi iyung isang boss. Para ka namang bago."Naiiling na humakbang ako patungong control room. Iniwan ang nag kaka sayahang mga kaibigan.
Agad kong tinawagan ang Ex-Boss.
"This is Mozart, over." ani ko sa kabilang linya.
"Come back. And its Urgent. I need you." yung lang at naputol na ang linya.
Napapa buntong hininga nalang akong ibinaba ang hawak na aparato.
"ay, Amadea, pabalik kana ba?" si Clari.
Sa kusina.
"Paki tulungan mo na man ako rito, please." dinuro nito ang mga nagawang kinilaw na pagkain mula sa isang nahuli ni Elias.Nang makita ang mga masasarap na pagkain, nag laho na ang pagka dismasayang nadarama.
Hindi na masama...
BINABASA MO ANG
Dangerous Vixen: Amadea
General FictionRedderick Alleje. A very well known Attorney in Asia, One of the top 10 in the list, actually, and a Bachelor. Ngunit sa kanyang tinatamasang tagumpay kaakibat niyon ang panganib. So his father, Attorney Gregeory Alleje make a move. A very crazy mov...