Their set-up

1.3K 25 0
                                    

Chapter 21

Amadea

"Papupuntahin ko rito ang batang Alleje, Naomi. Siguraduhin mong hindi ka papalpak. Meron lang tayung limang minuto."

Inihahayayag ko ang plano kina Jake at Naomi. Bukas na ang araw na pinaka hihintay namin. Ang patayin si Redderick Alleje sa mismong kaarawan ng matandang Alleje.

"Hindi bat sabi mo sa mansion ng mga Alleje gaganapin ang kaarawan ng matanda, bakit sa isang five start hotel na ngayon?" si Jake.

Tinuon ko sa blueprint ng hotel ang mga kamay.
Sinamaan ko ng tingin ang lalaki.
Kanina pa kasi ito sabat ng sabat.

"Kilalang Husgado iyung mag bubirthday. Kelan ka naka kita ng taong sikat na sa bahay nag bubirthday lalo pat lalahukan ng mga sikat at tituladong mga bisita?"

"Paniguradong mas madaming bantay roon at masikip ang lugar para sa atin." maka hulugan kong tiningnan si Naomi.

Na gets naman ng babae.

"Tama si Amad, Kuya Jake. Saka maigi ngayung sa Hotel--"

"Maraming nag kalat ng CCTV roon!"

"Kaya na ng mga bata iyun ni Naomi." angil ko sa lalaki.
"Asan na nga pala yung tatlong iyun?"

"Hindi sila dito pupunta. Sabi ni Eric, itext ko daw ang lugar at posisyon nila."

"Sige. Sabihan mo rin na kapag nagawa na nilang putulin lahat ng linya ng CCTV, itext agad tayu. At pwede na silang umalis nun. Pero ang isa sa kanila mag abang na kamo sa get away car natin."

Tatango tangong inilabas ni Naomi ang cp, nag titipa.

"Baket?" angil ko na naman kay Jake.

Ngunit walang sinabi sa kanya ang lalaki. Naka titig lang.

"Ayus na." si Naomi.

"Ayusin na natin ang mga gamit."

"Gamit para saan?" si Jake.

"Aalis kami ni Naomi. Mag papaka layu kayu kami." sinalubong ko ang nang aarok na tingin ng lalaki.

"Lalayu kayu, Naomi?" binalingan ng lalaki si Naomi.
Salubong ang mga kilay.

"Oo Kuya. Mag papa hupa ng init dito sa lugar. Nag sabi na rin ako kay Tiyo."

Tinalikuran ko ang dalawa ngunit pina kikiramdaman. Hindi ko gusto ang mga padale ni Jake. Posibleng sumablay ang plano ko para sa lahat.

Subukan lang nya.. may kalalagyan rin sya.

9:00 pm.Monteberde Hotel.

Nag text na si Jake. Naka pwesto na ito sa pag titipon sa itaas. Nagka tinginan kami ni Naomi. Naroon sila sa isang kwarto ng Hotel bilang isang Guess.

"Sina Eric ba, wala pa?" tila naiinip na tanong ko sa babaeng nag bibihis ng tila hause keeper ng lugar.

"Wala pa nga eh." ng matapos si Naomi ay nag palakad lakad itong hawak ang cp.

Suot ko ang uniporme ng driver ng mga Alleje. Light blue polo na pinarisan ng slacks na pantalon.

Sinamaan ko ng tingin si Naomi.
"Baka ngayon pa tayo sumablay, Naomi. Sinasabi ko sa iyo..."

Simaan rin ako ng tingin ng babae.
"Huwag ka nga dyan! Kakaumpisa palang natin. Meron---" napa tigil ito at binusisi ang cp.

Ngiting ngiti pagka tapos.

"Oh. Ayus na raw sabi ni Gido."

Tumayo na ako mula sa pag kakaupo sa kama. Tinungo ang pinto.
"Itetext kita kapag naka pwesto na ako. Antayin mo ang hudyat ko."

Dangerous Vixen: AmadeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon