Upside Down 2

1.8K 47 0
                                    

CHAPTER 8

Redderick

Malakas kong isinara ang pinto nang kotse. Dala ang mga kakailanganing papeles para sa huling pag huhukom ni Sergio Palakpak laban sa kalabang Governador ay tinungo niya ang gusali ng Korte Suprema.
Partikular sa trial room.

Dalawang araw. Dalawang araw akong galit na galit. Kay Amadea, sa Ama nya at sa sarili. Paanong hindi? Eh lahat ng ebidensya nyang hawak, nakay Amadea rin! Iilang kopya lang ang naiwan! Letse!

Pagka tanga nya! Akala nya'y makaka tulong si Amadea. Mapag kakatiwalaan! Pero hindi!

"Oh, Mr. Alleje." si Attorney Von Ferrer Duljano. Naka salubong ko.
"Anong ginagawa mo rito?"

"Von. Anong tanong iyan. Ano bang ginagawa natin dito sa korte?" bastos na kung bastos pero hindi ko mapigilan ang inis. Napag bubuntungan ang kahit na sino.

Tila yata na offend ang lalaki. At wala akong pakialam! Akmang lalagpasan na nya ito nang muling mag salita.

"Pero... Akala ko kasi tapos na ang kaso mo kay Governor Valiente?" halatang naguguluhan ang lalaki.
"Nadakip na sya kahapon. Nagulat nga ako dahil kasama ang sekretarya mo."

Tila napako ako sa kinatatayuan.

"Anong sinasabi mo?" clueless ako, fu ck!

"Ilang araw kang pinag hahanap ng media. Kalat din ang nangyaring pamamaril sa iyo. Hindi mo ba napa nuod sa balita?"

"Sige." iyon lang at nag mamadali akong tumakbo palabas.

Pag dating sa sasakyan ay agad kong pina sibad ang kotse tungo sa bahay nina Sergio Palakpak.

Natanawan nyang nag wawalis ng bakuran ang may bahay ni Sergio. Pero ng makita syang papalapit ay sinalubong sya nito.

"Attorney!" sa sobrang galak ng Ginang ay naluluhang yumakap ito sa kanya.
"Salamat. Salamat ho at hindi nyo kami pinabayaan!"

"Maa .. A-attorney." ang dalagitang anak niumiiyak nang sumungaw ito sa pinto. Maging ito ay yumakap sa kanya habang umiiyak.

"O-okey na ho. Okey na." naiilang akong kumalas sa mag-ina.
"Dumalaw ako para kamustahin kayo."

Niyakag ako ng mag-ina sa loob ng tahanan ng mga ito. Wala si Sergio dahil nasa kampo raw ito at nag rereport.

"Mabuti kami, Attorney. Salamat. Talaga. Hindi mo alam kung gaano kami kasaya kahapon ng mapanuod ang pag kakahuli sa Gobernador ng lalawigan namin. Kahit hindi sapat ang pera namin ay tinanggap mo parin ang kaso ng anak ko..." ani ng Ginang katabi ang anak nito habang tahimik na lumuluha.

"...pinuntahan namin ang opisina mu kahapon kasama si Sergio ko pero sarado. May naka salubong kami na doon rin nag tatrabaho, ang sabi po puntahan ka daw namin sa bahay mo. Pero wala ka rin doon. Mga reporter ang nasa labas ng subdivision at hindi raw kami basta basta makaka pasok sabi nung guard sa gate."

Napa buntong hininga ako sa nalaman.
Naroon ako ng ilang araw sa dating tahanan ng mga magulang. Sa dating bahay nina Amadea.

Hindi rin nag tagal ay umalis na rin ako.
Sunod kong pinuntahan ang law firm ng Ama.

"Sir, Red--" agad kong sinenyasang maupo ang biglang tumayong sekretarya ng Ama ng makita sya.

Pero napatigil ako sa pag pasok ng opisina nang pag bukas ko ng pinto ay naroon din si Amadeo, si Amadea at limang tao pa kabilang si Lemuel.

"Anak! Anong ginagawa mo rito?" napa tayo ang Ama nya.

Pinalabas naman ni Amadeo ang anim na iba pang naruon.

Iniwan kong naka bukas ang pinto, bahagyang tumabi para paraanin sila. Ngunit mabilis kong inagapan ang isang braso ni Amadea.

Pwersahan kong hinigit si Amadea tungo sa dalawang matanda.

"Ang galing nyo! Ginawa nyo kong tanga!" gitil na nag palipat lipat ang tingin ko sa tatlo. Niluwagan ang tali ng kurbatang suot.

"Kailangan ko ngayon ng eksplenasyon, Papa. Yung polidong eksplenasyon." sa madiin kong tinig.

Malalim na bumuntong hininga si Gregory.
"Kinuha ko ang serbisyo ni Amadea para bantayan ka--"

"Bantayan? Eh ibinenta nga ako nan sa kalaban eh!" dinuroko pa ang babae. Matalim itong tiningnan.

"Its part if the plan, hijo." si Amadeo.

"Sa akin nag tatrabaho si Amadea, Red." si Greg.
"Kinuha ko ang serbisyo nya para hulihin ang mga nag tatangka sa buhay mo. Hindi lang iyon, tinulungan ka nyang mapa dali ang kaso mo."

Pagak akong napatawa. Nai hilamos ang isang palad sa mukha.

"Wow. Just wow!" pakiramdam ko, nadaya ako. Nalamangan!

"Makinig ka Red... Bawat plano, desisyon at galaw ni Amadea alam ko, Anak. Lahat lahat."

Naikuyom ko ang mga kamay. Mahigpit.

"Sumang ayon ako sa mga plano nya para masiguro ang siguridad mo. Ang kaligtasan mo! Kahit lingid iyon sa kaalaman nyo ni Lucy ay sumigi ako dahil malaki ang tiwala ko kay Amadea. Sa kakayahan nya."

"Ang Agency namin..." si Amadea. "Kakaiba iyon sa ibang Agency. Kaya serbisyo namin ang kinuha ng Ama mo. Magalit ka man, labas na kami roon. Ang mahalaga nagawa namin ang misyon. Malinis at pulido."

Nag tagis ang mga bagang ko. Masama itong tiningnan. Grabe! Ito ba? Ito ba ang babaeng gusto ko?!

"Sa iilang araw nating mag kasama, sabihin mo nga, pinersonal mo ako, ano?" ewan pero basta ko nalang iyon naisip.

"Redderick!" umalsa ang boses ng ama nya.

Pero hindi ko nilulubayan ng tingin si Amadea.

"Hayaan nyu sya, Mr. Alleje." bumalik sa kanya ang mga mata ni Amadea matapos nitong ngisihan ang Ama.

"Totoo naman kasi."

Sabi na eh!

Hanggang saan ba ang galit ng babaeng ito sa akin?

"Tuwang tuwa ka hindi ba?" mabibilis ang bawat hakbang ko palapit rito. Dinakot ang magka bilang kwelyo nito. Umalsa na naman ang tinig ng Ama. Pero hindi ako nag paawat.

"Tuwang tuwa ka kung paano ako matakot, maligalig at mag alala?" sumisingasing ang galit ko.

"Siguro, hinihiling mo rin sana na dapat namatay na rin ako ng gabing iyon ng magka barilan hindi ba?"

"Oo." walang gatol na sagot nito.

Itinaas ko ang kamao at akmang susuntukin ito ng may humigit sa kanya at suntukin.

"Redderick! Hindi kita pina laking ganyan!"

Nasapo ko ang nananakit na panga.

"At hindi kita tinuruang mam bastos ng babae!" nag gagalaiting sigaw ng Ama.

"Kumalma ka. Maari ba?"

Lalong nag igtingan ang panga ko sa galit ng makitang naka ngiti si Amadea.

"Hindi pa ako tapos sa iyo." tinabig ng Ama ang daliring idinuro ko kay Amadea.

Saka nag pupuyos na lumabas ng opisinang iyon ng Ama.

"Malakas ang loob nya dahil akala nya, magaling sya." buska ko habang binubuhay ang kotse.

"Pwes! Tingnan natin ang galing mong babae ka... Mag hintay ka sa gagawin ko. Patitiklupin kita!"

Matindi ang baker mo? Pwes! Mas matindi at malakas ang baker ko.

Anong silbi ng koneksyon, kapangyarihan at pera ko kung hindi ko iyon gagamitin. Hindi lang para sa mabuti nya iyon ginagamit.

At handa akong gumawa ng masama.

Antayin mo lang ako Amadea...
Malapit mo nang madama ang tindi galit ko.

Dangerous Vixen: AmadeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon