Task

1.3K 29 0
                                    

CHAPTER 16

Amadea

Urrgh!

Naalimpungatan ako sa nag iingay na tawag. Nasapo ko ang namimigat na ulo dahil sa hang over. Pag pihit ko, may nadangi akong katawan.

"Zhel?" Iminulat ko ang isang mata at inaninag ang naka hubad barong lalaki na naka talikod sa akin.

"Zhel! Yung telepono mo! Patayin mo!" Tinulak tulak ko ito pero inungulan lang ako ng lalaki.

"Yung phone mo!" Sinipa ko ito para mahulog. Narinig nya itong napa mura.

"Hindi ko phone iyon!" Angil nito saka muling humiga.

"Hindi mo phone?" Iinut unut akong umupo. Saka kinusot ang mga mata.

"Saan na ba phone ko?" Mabigat ang katawang bumangon ako. Hinagilap sa buong silid ang phone. Nakita ko iyon sa ilalim ng kama.

"Low?" Nanlalatang umupo ako ng kama.

"Mozart."

Sa isang salita lang parang nawala ang sakit ng ulo ko.

"Boss." Sinong hindi makaka kilala sa boses nito.

"Pumunta ka ngayon din dito." Nanag maputol ang linya ay syang dating ng isang text message.

Hospital?!

Dali dali akong nag bilis at nag ayos. Nag iwan nalang ako ng note kay Arzhel bago umalis sakay nang bigbike.

NAIINIP na ipinag patuloy ko ang pag katok.

"Sino--" napatigil si Naomi sa gagawin sana nitong pag talak ng mapag sino ang nasa kanyang harapan.

"Amadeo." Naningkit ang mga mata ni Naomi.

"Naomi." Napa ngisi ako. Pero hindi ito.

"Hindi mo manlang ba ako papapasukin?"

Biglang pumaling ang mukha ni Amad ng malakas itong samplin ni Naomi.

Hindi ko na ito pinalampas. Bago pa ito maka palag ay agad ko na itong hinawakan sa braso at dali daling hinila papasok ng apartment nito.

"Amad! Ang braso--" itinulak ko sya sa pader saka pinatahimik ito gamit ang sariling bibig.

Saglit lang at niyakap ko naman ito.

"I miss you." Bulong ko. Kahit na gustong gusto na nyang baliian ito.

"Miss! Miss mo ko?! Pinabayaan mo ko!" Humulagpos ito saka ako malakas na pinag sasampal.

"Ang kapal ng mukha mo!"

Nasapo ko ang namamagang pisngi. Saka ito tiningnan. Balot na balot ito tulad ng isang muslim.

"Nangako ka sakin, Amad! Nangako--"

Napipikang hinuli ko ang mga braso nito.
"Oo! Nangako ako sa iyo, Naomi. Pero alam mo bang pinakulong rin ako ng walangya mong amo!?"

Dangerous Vixen: AmadeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon