CHAPTER 13
Amadea
"Amad ko. Dito ka lang."
"Mag luluto ako. Anong oras na." Tinapik tapik ko ang braso nito na humuli sa bewang ko.
"Five minutes. O, pwedeng ako nalang ulit ang kainin mo."
Letse!
Naiiskandalong pwersahan kong inalis ang braso nito saka tumayo. Hinagilap ang mga damit kong lumipad kanina sa kung saan.
Lagi na kaming ganito. Magka dikit at magka patong. Init na init sa isat isa.
Mabilisan akong naligo at bag bihis. Pag labas ko ng banyo ay saktong papatayo na si Red. Naka simangot.
"Ano namang mukha iyan?"
Tila wala lang ditong mag lakad ng hubad at ibandera sa kanya ang katawan.
"Wala. Nag lalambing lang eh." Bubulong bulong pa itong tinungo ang closet.
Ipinaikot ko ang mga mata saka lumabas ng silid. Mag luluto na ako ng hapunan.
Pagdating sa kusina ay inuna ko ang pag sasaing. Binuksan ko ang ref.
Hmm? Ano bang masarap na iluto?
Puro karne ang naruon at isda. Wala nang masyadong gulay.
Binuksan ko ang cupboard. Mangilan ngilan nalang rin doon ang stocks nila.
"Mag paksiw kaya ako?"
Nag handa ako para sa lulutuing ulam.
"Hey... need help." Nalingunan ko si Red. Naka hubad baro.
"Hindi na. Madali lang naman ito."
Tumabi ito sa kanya sa lababo.
"Paksiw?"
"Yup! Wala na tayung gulay eh." Pwersahan kong hinahati ang isda sa tatlo.
"Anyway..." hinarap ko ito.
"Yung ibang stocks natin paubos na rin... so?""Sige. Pag marami ang huli ko bukas. Makikipag barter ako sa mga bangkerong makaka salubong ko."
Laglag ang balikat ko sa sinagot ng lalaki.
"Sa salas lang ako." Mabilis nitong dinampian ng halik ang labi ko saka umalis.
"Red." Tawag ko sa lalaking papalayo.
Ibinaba ko ang kutsilyo. Pina natili kong kalmado ang sarili.
Mabilisan kong tinapos ang ginagawa saka isinalang sa mahinang apoy ang ulam. Nilapitan ang lalaking nanunuod sa salas.
"Hey!" Reklamo nito ng pinatay ko ang telebisyon.
"Mag usap tayo." Seryoso ang mukha kong umupo sa tabi nito.
Humarap ito sa kanya kipkip ang tropillow sa kandungan.
"Tungkol saan?"
"Sa atin!"
Napa mali yata ang sinabi ko ng malawak na ngumiti ang lalaki.
BINABASA MO ANG
Dangerous Vixen: Amadea
General FictionRedderick Alleje. A very well known Attorney in Asia, One of the top 10 in the list, actually, and a Bachelor. Ngunit sa kanyang tinatamasang tagumpay kaakibat niyon ang panganib. So his father, Attorney Gregeory Alleje make a move. A very crazy mov...