Demonic Side

1.4K 32 0
                                    

CHAPTER 17

Amadea

Dirediretso ako sa tanggapan ng binatang Alleje. Wala naman roon ang sekretaryo nito. Hindi na rin ako nag abalang kumatok.

"Radji, hindi bat sinabi ko ng ayokong madistorbo?" Paangil ang boses ni Red habang subsob sa mesa nito. Naroon rin sa mesa ang mga patong patong na mga folders na kailangang basahin.

Hindi ko maiwasang mag angat ng kilay.
Mahigit isang lingo kaming hindi nagkita pero ang bilis mahulog ng katawan ng lalaki.

May mga tumutubong bigote at balbas sa mukha nito. Nangingitim ang ilalim ng mga mata.

Nag aalala ka?

Ipinilig ko ang ulo. Hindi ako dapat mag alala. Wala dapat pag lagyan ang pag aalala dahil makaka sagabal iyon sa misyon.

"Pasensya na sa distorbo, Mr. Alleje pero kailangan nating mag usap." Inilock ko ang silid para hindi kami ma distorbo.

Nang mag angat ng ulo si Redderick ay mukhang gulat na gulat ito ng makita sya.
Hinagod ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

"A-Amadea?" Unti unti pa itong napa tayo.

"Ako nga." Itinaas ko ang dalang folder.

Inihakbang ko ang paa, naupo sa harap ng lalaki matapos hilahin ang isang upuan.

"Ang- b-buhok mo--"

"Pinagupitan ko. At hindi ako nag punta rito para pag usapan ang buhok ko. Nag punta ako rito para sabihing nasa poder ko ang babaeng suspect."

"Ano!?" Tumaas ang timbre ng boses ng lalaki.

Inilapag ko sa harap ni Red ang dalang folder.

"Alam mo bang pamangkin nang asawa ni dating Gov. Valiente si Naomi?"

Binuklat nang lalaki ang folder. Binasa.

Papalapit palang ako sa mesa kung nasaan si dating Gov. Valiente ay kumukulolo na ang dugo ko.

"Magandang hapon." Ani ko pagka upo at alis ng sumbrelo.

Pinaka titigan muna ako ng matanda bago ito napa tawa.

"Ang kapal rin nang pag mumukha mong gago ka para mag pakita sa akin." Nag ngingitngitan ang mga ngipin ng matanda habang nag sasalita.

Huminga ako ng malalim saka sinabi rito ang naging estado tulad ng kwento ko kay Naomi.

"Sa tingin mo, paniniwalaan kita?"

"Hindi ko kailangan ang paniniwala nyo, Gov. Ang akin ay huwag nyong idamay si Naomi kung ano man ang pina plano nyo."
Sinalubong ko ang mga mata ng matanda.

"Si Naomi, tumakas sya sa kagustuhang ipag higanti kayo. Hindi ko nga alam kung bakit kayo tinutulungan noon eh. Malayong kamag anak naman kayo nun-"

"Ganyan ba ang sinabi sa iyo ng babaeng iyon?" Dakot nito ang colar ng damit ko. Gigil.

"Gago ka! Hawak mo lang sya ngayon. Ginagamit ka lang nya! At ako, hindi lang ako basta kamag anak lang! Alam kong hindi pa kami tapos. Dahil gagawa at gagawa nang paraan si Naomi para makaalis ako rito at mag sasama ulit!!"

Dangerous Vixen: AmadeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon