The Plan is up

1.3K 32 0
                                    

CHAPTER 19

Amadea

Kasalukuyan kong nilalaklak ang bote ng alak ng pumasok ng kusina sina Lemuel, na nag pupunas nag kamay, at Arzhel.

Inismiran ko lang ang matalim na tingin ni Arzhel. Naka benda na ang braso nitong binaril ko.

"Maayos na ang lagay nya." Si Lemuel.

"Anong plano mo ngayon?" Si Arzhel ng kunin nito sa akin ang bote ng alak.

Binalingan ko si Lemuel.
"Ituloy mo lang ang pag babantay. Wala pang bago sa plano. Tatawagan kita sa susunod."

Tinapik ko sa sikmura si Arzhel.
"Tara na. Doon muna ako sa bahay mo."

"Di ka pwede doon. Sa apartment nalang tayo." Humila ito ng upuan habang inaalis ang takip ng mga pagkain sa hapag.

"Bakit mo pa sya binuhay? Alam na tuloy nya ang tungkol sa iyo." Inabot nito ang isand bandehado ng ulam at kumain pagka upo.

Nababahalang napa tingin sa kanya si Lemuel habang papaupo.

"Mamamatay rin sya." Matabang kong sagot.

Ngumisi si Arzhel sa kanya habang pinupulatan ang ulam.

"Magagawa mo? Ang sabi ng lalaking iyon, gusto mo raw sya."

"Magaling eh." Walang alin langan kong sagot na ikina ubo ni Lemuel ng sumubo ito ng karneng adobo.

"Lintek ka talaga!" Si Arzhel na hindi rin maka paniwala sa sinabi ko.

"Gusto mo kasi magaling? Saan, sa kama? Ako nga na ilang taon mong naka tabi pero walang nang yayare sa atin. Ano ito lokohan?!" Napa tingin pa ito kay Lemuel.

"H-ha?" Si Lemuel na nag palipat lipat ang tingin sa kanilang dalawa. Naguguluhan.

Naipaikot ko nalang ang mga mata.
"Alam mong hindi ako tumatalo ng kaibigan, pero sila..." tinuro ko si Lemuel.

"... pwede pa."

"Your impossible, Amadea." Si Arzhel na nag hihimutok pa rin.

"I know. Thats why, were long time boyfriend... di ba?" Natatawang tinulak nya ito sa balikat.

"Pero kidding aside..."
napawi ang ngiti ko.

"Kailangan nyang manahimik. Malas lang nya at mauuna pa sya kay Naomi." Kinuha ko kay Arzhel ang bote ng alak, uminom roon ng tila iyon tubig.

Katahimikan.

"Seryoso sya sa Amad."

Maang na napa tingin ako kay Arzhel habang nginangasab nito ang hita ng adobong manok.

"And dont you think, it's time na dapat mag seryoso ka na rin?" Iwinagayway pa nito ang hawak na tila ba pinapangaralan sya.

"Paano mo nasabe, aber?" Umangat ang isang kilay ko.

"Interisado sya sa iyo, Boss." Si Lemuel.
Tiningnan naman ako ni Arzhel ng tila 'kitams'.

".... Naka ilang tanong rin iyan sa iyo. Akala ko nga kasi kapatid mo lang pero kahit kaliit liitang bagay tinatanong nya rin sakin dati eh." Pag papatuloy ni Lemuel.

Dangerous Vixen: AmadeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon