Chapter 23
Amadea
Langya!
Halos magka sala salabid ang mga paa ko sa pag habol sa hakbang ng lalaki. At kapag nakaka kita ng pag kakataon, hina hanapit sya nito para lang mapusok na halikan.
"Teka! Hindi dyan, dito." sabay hila ko pabalik at tinahak ang opposite na direkyon na pag hila sa akin ni Red.
Huminto kami sa isang pinto. Natatawa ako na nakikiliti sa ginagawa ni Red sa leeg.
"Sandali--" pero inagaw ng lalaki ang purse ko na tanging laman ay hotel key card at cp.
"Ako na. Ang tagal mo eh." sabay swipe nito ng card at tulak sa pinto.
Excited lang?!
"Huwag mong bubuksan ang ilawhpppp!" na hapit ako agad ni Red at isinandal sa pader. Napapa daing ako sa bawat sabik nitong pag dama sa aking katawan.
Nang lumagi sa leeg ko ang halik ni Red ay napansin kong bukas pa ang pinto. Mabilis kong sinuri ang silid kung naroon na ba si Naomi.
Nag tatago ang babae sa makapal na kurtina ng delux room.
"Teka yung pinto!" pilit kong inaabot ang pinto upang isara pero sinipa ni Red pasara ang pinto.
"May iaangal ka pa ba?" hinihingal na kinarga ako ni Red kaya automatic na pumulupot ang mga braso at binti ko sa katawan nito.
"Ahh, Red!" hindi pa man ako nakaka bawi sa bigla nitong pag tapon sa akin sa kama ay naka kubabaw na agad ito.
"Damn. I miss you so much, Amad ko." dinakot nito ang buhok ko mula sa likod ng ulo. Saka ako muling dinama.
Damang dama ko nga ang pagka miss nito. Gigil eh.
"Aw... So hot!" kasunod niyong ang pag liwanag ng lugar.
Kapwa kami natigilan ni Red sa mainit na ginagawa at nagka titigan. Ngunit unang gumalaw si Red.
"Naomi." na tensyon ang katawan ni Red ng makitang naka tutok sa amin ang baril ni Naomi.
Mahinahon akong bumangon at inayos ang sarili. Pinabayaan ko na ang wig ko. At ang bobo nang kasama! Walang silencer ang gamit nitong baril. At ilang metro lang ang bulwagan sa kinaroroonan nila.
"Amad dito ka lang. Naomi, ibaba mo iyang baril!" inilagay ako ni Red sa likuran nito pero nagulat ito ng bahagya ko syang itinulak.
"Amad?"
Ngumisi ako. Humakbang palayo at nilapitan si Naomi na naka ngiti rin.
"Ang tagal kong hinintay ang pag kakataong ito, Redderick." mula sa pag kaka ngisi nanlisik ang mga mata ni Naomi.
"Amadea, ano ito?" si Red na nagugulahan at tila hindi maunawaan ang sitwasyon.
"Sa tingin mo, Red?" tinapik ko si Naomi.
"Bahala kana."Bago pa ako maka hakbang ng isa, nauna ng kumilos si Red. Pinaputukan ito ni Naomi dahilan upang mapa luhod ito.
"Good bye, Red." hinawakan ko ang nanginginig na kamay ni Naomi saka muling itinutok iyon ng maayos kay Redderick.
"A-Amad--" iginalaw ko ang daliri ni Naomi sa gatilyo para muli iyong pumutok. Tumama iyon sa dibdib ni Redderick.
"Um-umalis na tayo.! Amadea tayo na!" biglang nataranta si Naomi pero nanatili akong naka titig sa mga mata ni Red.
"Ano ba?! Sino kayo! Huwag nyo akong hawakan! Amad. Amad! Tulong!"
Sa pag baling ko kay Naomi ay nag pupumiglas ito sa hawak ni Basil. Pumasok si Alex kasunod si Lemuel.
BINABASA MO ANG
Dangerous Vixen: Amadea
General FictionRedderick Alleje. A very well known Attorney in Asia, One of the top 10 in the list, actually, and a Bachelor. Ngunit sa kanyang tinatamasang tagumpay kaakibat niyon ang panganib. So his father, Attorney Gregeory Alleje make a move. A very crazy mov...