Chapter 22
Amadea
Sa exit kami huminto ni Gregory. Nadaan pa namin kanina ang Ama pero naka mata lang kami sa isat isat.
Sumandal ako sa malamig pader at inirelax ang katawan.
"So...?" basag ko sa pananahimik ng Ginoo.
"Amad. Alam kong masama ang loob mo--"
"Hindi Greg." matabang akong ngumiti rito.
"Hindi masama ang loob ko. Napag lipasan na nga eh. Naiinis lang ako na kung bakit hanggang ngayon naka bitin ako sa ere."Matagal ko nang tanggap ang sitwasyo ng dalawa kong magulang. Ang hindi ko lang matanggap, yung lumaki na ako at lumago pero wala pa rin akong alam kung bakit ako naiwan sa ere.
Natahik at napa pamulsa si Greg.
"Hindi dapat sa akin manggagaling ang buong istorya, Amad, pero sige. Nandito na rin lang tayo...""Makinig ka, Amadea. Mag kakaibigan kaming tatlo nina Amadeo at Lucy. Maambisyon si Amadeo at natupad iyon. Hangang sa makita nya ulit si Lucy, ilang taon matapos naming mag tapos sa kolehiyo. At ako, isang baguhang abogado. Gumagawa palang nang pangalan..."
"Sa muling pag kikita naming tatlo, Ikakasal na silang dalawa.
At ako mismo ang gumawa niyon. Pero nagka roon kami ng problema ni Amadeo. Hindi ko mairehistro ang kasal nilang dalawa ni Lucy dahil kasal pa si Amadeo sa una nitong asawa.
Mahal ng Ama mo si Lucy, Amad. Kayat ang magagawa nalang namin ay nilihim nalang ang tungkol sa kasal nila."Napa iling ako.
Anung klase iyun?
"Delikado ang kina sasapiang organisasyon ni Amadeo. Ang unang asawa ni Amadeo, anak ito ng isa sa mga Boss ng organisasyon. At kahit gustohin nyang umalis, hindi pwede dahil buhay ang kapalit."
"Alam mo ba, sa bawat sablay nya sa misyon, ako ang tumutulong para maalis sya agad sa kulungan? Pero nag bago ang lahat ng maluklok sya sa mas mataas na posisyon. Dahilan upang mawalan sya ng oras sa inyo."
Napa hinga ako nang malalim. Naikuyom ang mga kamay.
"Hindi lingid kay Amadeo na may nararamdaman ako noon kay Lucy. Kaya nagulat nalang ako isang araw na sinabihan nya akong ako na ang bahala sa inyo. Ako na unti unti ng nakaka wala sa naka raan dahil may sarili na akong pamilya noon."
Nanatili akong tahimik. Yung isip ko, parang hinahalukay. Sumasakit ang ulo ko sa nalalaman.
Narinig ko ang pagak na pag tawa ni Greg. Sa pag angat ko ng tingin rito ay kunukusot ng isa nitong kamay ang mga mata. Habang ang isa ay nanatiling naka pamulsa.
"Masaya na ako kay Betty, may anak na rin ako. Pero anong kapalit nang pagtulong ko sa Ama mo, Amad?" bakas ng hinampo ang tinig ni Greg nang tingnan nya rin ako.
"Nawalan ako! Namatay yung asawa ko! Namatay si Betty dahil sa Ama mo!"
Nanginig ang mga kalamnan ko sa pag tangis ni Greg. Nag papalakad lakad ito habang nag sasalita. Gigil na hindi mawari.
"Nadamay ang pamilya ko, Amadea. Pinatay ng kalaban ng Ama mo ang asawa ko! Na sa mismong harapan ko pa namatay ang asawa ko! At alam mo ba kung anong pinaka masakit roon? Ha? Yung bunsong anak ko! Na hindi ko pa nakikita pero wala na! Kasamang namatay ni Betina!" basag ang tinig ni Greg.
Ni hindi ako umiwas ng suntukin nito pader sa gilid ng ulo ko. Naka ilang ulit itong huminga ng malalim saka tumalikod.
Kinusot nito ang mga matang lumuluha."Oo. Sabihin nating deserved mong magalit sa akin nang ako na ang papalit sa pwesto ng Ama mo, Amad. Handa kitang tanggapin bilang anak ko. Pero hindi pa man ako nakaka pag simula, hindi mo man lang ako binigyan nang pagkakataon."
BINABASA MO ANG
Dangerous Vixen: Amadea
General FictionRedderick Alleje. A very well known Attorney in Asia, One of the top 10 in the list, actually, and a Bachelor. Ngunit sa kanyang tinatamasang tagumpay kaakibat niyon ang panganib. So his father, Attorney Gregeory Alleje make a move. A very crazy mov...