The Bitter- Better

1.4K 31 0
                                    

CHAPTER 15

Redderick

"Umuwe na kayo."

Ang salitang iyong ang paulit ulit na sumisigaw sa utak ko.

"Red? Huy Redderick!" Pumitik si Amad malapit sa mukha ko.

"H-ha? Ano iyun?" Maang ko syang niyuko.

Narito kami sa salas, nanunuod ng telebisyon. Naka unan sya sa mga hita ko.
Back to normal na naman kami.

"Inaantok ka na ba?" Umayos ito ng upo sa kandungan ko.

Ngumisi ako at dinampian ng halik ang labi nito.

"Hindi naman. Pwede pa tayong mag pagod."

"Tss!" Iniiwas nito ng mukha pero isinandig ang ulo sa balikat ko.

"Amad..." pinag salop ko ang mga kamay para makulong sa bisig ko si Amad.

"Hmmm?"

Napa hinga ako ng malilim.
"Kapag naka... b-balik na tayo--"

Humarap ito sa akin. Tinantya ko ang reaksyon nito sa mga kislap ng mga mata.

"Mukhang hanggang sa susunod na dalawang araw nalang yung mga stock natin eh." Pero bukas talaga ang dating ni Von Ferrer para sunduin sila.

"Oh?" Untag pa nito.

Napa lunok ako.
"Itong satin..." ang hirap! Wala kasi kaming label.

"Anong atin?"

Napa buntong hininga ako. Nawawalan ako ng gana.

"Wala. Tara na. Matulog na tayo." Pinatay ko ang telebisyon saka ito pinangko.

"Yung saksakan."

Napilitan akong ibaba sya saglit para bunutin ang saksakan. Pero ng balikan ko si Amad ay itinalikod nya ako saka nag pa piggy back.

Natawa nalang ako habang pa panhik nang silid. Maayos kaming humiga sa kama matapos kong patayin ang ilaw.

Yumapos sa akin si Amadea kaya ipinaunan ko sya sa akong braso. Sinuklay ko ang buhok nya pero nanatili akong dilat at naka tanaw sa kawalan.

Iniisip ko ang babalikan namin.
Ang alam ni Papa, nag kaka mabutihan kami ni Amadea. Parang bonding ng magka patid kaya ako nag leave ng matagal.

Si Naomi, naka takas. Malamang sa malamang, mag hihiganti iyon. Pumalpak ba naman ang plano nila eh.

Tapos kami ni Amadea. Yung one sided love affair namin.

"Anong iniisip mo?"

"H-ha?" Niyuko ko si Amad. Naka pikit ito.

"Akala ko tulog kana?"

"May bumabagabag sa iyo? Halata sa mga muscles mo."

"Wala..." umayos ako paharap rito. Pumikit. Niyakap at hinapit ito sa bewang.

"Mahal kita, Amad ko." Hinalikan ko sya sa nuo. Wala akong narinig na katugon. Ayos lang. Gusto naman nya ako eh. Sapat na iyon.

Maaga akong bumangon. O mas sabihing wala akong maayos na tulog kaya bumangon nalang ako. Nag ligpit ako ng mga gamit namin. Saka nag ayos ng sarili at nag handa nag almusal.

Ang huling almusal namin ni Amad ko.

"Hey. Good morning!" Masayang bati ko ng pumasok ito ng hapag.

"Anong nilito mo?" Dumulog ito sa hapag.

"Fried chicken. Saka ayan, chicken and fork adobo."

Dangerous Vixen: AmadeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon