Missing You

3K 50 14
                                    

Chapter 24

Redderick

Araw araw kinakain ako nang pagka bahala matapos mailagak sa kung saang hospital si Amadea. Kitang kita ko naman kung paano nila iligtas si Amadea, pero hindi rin ako nag tagal roon. Ibinalik ako ni Amadeo sa Hotel na pinag darausan ng kaarawan ng ama.

Pitong buwan. Pitong buwan na buhat ang pang yayareng iyon.
Pitong na rin buhat nang huling makita ko si Amadea.

Hindi ko alam kung buhay pa ba ito o patay na.
Hanggang sa pag tulog si Amadea at ang lantang katawan nito ang nakikita.

Naki balita rin naman ako sa mga magulang pero kahit ang mga ito ay wala ring alam. Si Amadeo, wala rin silang balita rito.

Napa buntong hininga ako nang malalim saka isinandal ang nangangawit na likod. Mag hapon ko nang inaaral ang kasong hawak. Nauna nang umalis ang sekretarya.

Tamad na hinila ko ang isang drawer ng mesa. Inilabas roon ang tinatagong alak at baso. Lagi naman akong ganito. Kung hindi pagod, alak ang ipinang rerelax ko sa katawan.

Niluwangan ko ang suot na kurbata at uminom ng naka taas ang paa sa mesa. Nakaka dalawang baso na ako ng tumunog ang cellphone. Si Lucy, tiyak na nangangamusta na naman ang ina.

Matapos maka limang baso ay itinabi ko na ang alak. Iniligpit ang gamit. Nang tumunog naman ang landline phone. Hindi ko pinansin.

Bitbit ang mga gamit at handa nang umalis ng sunod na tumunog cellphone. Unregistered number.

Kunot ang nuo na sinagot ko ang tawag.

"Hello?" ngunit walang sumagot sa kabilang linya. Tinungo ko ang pintuan. Lumabas ng opisina.

"Hello!?" ulit ko pa sa iritadong boses.
"Kung wala kang magawa---"

"Kumusta ka na Redderick?"

Nanigas ako sa kinatatayuan. Napa tanga sa kawalan.

Nang uuyam ang tinig ng mystery caller pero hindi sapat iyon para maka limutan ko ang boses nito.

"A-ayos lang. Ako." tumikhim ako upang pawiin ang kibig na namumuo sa lalamunan.

"Talaga?" mahinang tumawa ang kausap.
"Ang panget mo, Red. Para kang may limang anak."

Napa tawa ako nang mahina. Pero hindi niyon nabawasan ang mga tanong, saya at sari saring nadarama.

"Na saan ka? Gusto kitang makita." pakiusap!

"Hindi pa oras, Red. Nasa huling misyon pa ako nang trabaho bago mag retiro. Tumawag la--"

"Amadea!" humigpit ang hawak ko sa aparato kasabay ng pag agos ng mga luha.

"Kahit saglit lang. Please." mababaliw na ako. Sa isiping buhay pala ito matapos ng nangyare at ngayon. Nasa bagong misyong pala ito.

Narinig ko itong napa buntong hininga.

"Tumingin ka sa kanan. Sa katapat na gusali. Sa pinaka itaas."

Sinunod ko ang utos ni Amadea.
"Nice! Ang ganda ng building, Amad. Kitang kita, kita!" exag kong palatak. Ni anino nito hindi ko makita.

Tumawa si Amadea.
"Umuwe ka na."

Iimik pa sana ako ng mawala ito sa linya.

Hayun na naman ang hungkag na pakiramdam.
Lalong lumala ang pananabik kong makita ang babae lalo pa ngayung buhay ito.

Walang buhay at lulugo lugo kong ipinag patuloy ang pag lakad. Tinungo ang elevator. Okopado pa rin ni Amadea ang isipan hanggang sa marating ko ang parking area.

Muli akong na pa buntong hininga habang binubuksan ang pinto ng sasakyan.

"Ang tagal mo naman."

Napa yuko agad ako. Mula sa mga biting may tight latex jean ay umangat ang tingin ko kay

"Amadea!" nanlalaki ang mga mata kong pinaka titigan ang blonding babae. Gabi na pero naka salamaing dekulay pa ito.

Heavy tinted ang gamit kong kotse kayat hindi ko napansing may tao sa loob.

"Tatayo ka na lamang ba dyan?" prenteng prente ito sa pag kakaupo.

Mabilos pa sa alas kwarto akong pumasok sa loob. Kasabay ng pag hila ko pasara ng pinto ay sya ring pag hila ko kay Amadea.
Pero naunahan ako nang babae. Ang intensyon ko'y yakapin ito pero isang mainit na halik ang isinalubong sa akin.

"Amad ko." habol ko ang hininga habang kulong sa mga bisig ang babae. Naka pikit at naka dantay sa noo nito.

"Red--"

"Shhh." nag mulat ako ng mata at niyakap ito ng tuluyan.
"Hayaan mo muna akong namnamin ka."

Napa tawa ito. Gumanti ng yakap.

"Pupunta akong Turkey. Para sa huli kong misyon."

Lalong humigpit ang yakap ko rito.
Hindi ko pinigilan ang panunubig ng mga mata.

"Kakakita pa lang natin, aalis ka na naman."

Kumalas ako at pinag masdana ng mukha nito. Hindi na ako nahiyang ipakita ritong umiiyak ako.

"Ang dami mo pang kailangang ipaliwanag! Alam mo bang halos mabaliw baliw ako sa iyo dahil sa pag aalala tapos--"

"Red." sinapo ni Amadea gamit nang dalawang kamay ang mukha ko. Pinalis ang mga luha. Malungkot na ngumiti.

"Ganito na ang buhay ko simula palang. Puno ng aksyon, kakaiba nang sa iyo." pagak itong tumawa.

"Ang totoo nan wala na akong balak mag pakita sa iyo kahit kelan kung hindi lang naki usap si Lucy. Narito ako para mag paalam, Red."

"No!" mahigpit ko itong nayakap.
"Hindi! Hindi mo kailangang mag paalam!" natatakot ako.
"Umuwe kang buhay sapat na ang pag hihintay ko. Mag hihintay ako."

Nagawa ko nga nang pitong buwan..

Malalim na bumuntong hininga si Amadea. Tinapik tapik ang likuran ko.

"Oras na Red. Narito na ang sundo ko."

Isang mahigpit na yakap pa muli ang ginawa ko.
Wala akong nakuhang katugon kay Amadea.

"Amad." pigil ko sa braso ang babae.

"Mahal kita." kung dati ay hindi ako namamag asang may katugon ang nararamdaman ko, ngayun... Nangangamba ako na baka ito na ang huli naming pag kikita.

Ngumiti lang si Amadea. May dinukot ito sa loob ng blusa at binaltak. Inilagay iyon sa palad ko.

"Sisikapin kong bumalik. Gyera ang susuungin ko sa Turkey.
Kung handa kang mag hintay sa pag babalik ko.. Sa iyo na ako."
Dinampot nito ang isang itim na bag sa paanan. Binuksan ang pinto nang sasakyan. Tuluyan ng lumabas si Amadea.

Napa labas ako ng sasakyan at tinanaw ang pag alis ni Amadea kasama si Lemuel sakay ng motorsiklo.

Amadea...

Humigpit ang hawak ko sa dogtag na binigay nito.
Muli ako lumulan ng sasakyan. Kasalukuyan kong sinasagasa ang trapiko ng maka tanggap ng mensahe sa unregistered number.

Mahal rin kita

"Shit!!" malakas kong nahampas ang manibela sa mensaheng iyon ni Amadea.

"Your worth the wait, Amad ko." reply ko rito.

-------------------------------CASE CLOSE -----------------------

Dangerous Vixen: AmadeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon