Plan A

1.7K 48 0
                                    

CHAPTER 9

Redderick

Huminto ang kina lululanang sasakyan sa tabi ng kalsada. Apat na bahay mula sa kina roroonan ay susugurin nila ang bahay na pinag dalhan sa akin dati ni Amadea dito sa Tagaytay.

Gumastos ako ng milyones para lang mahanap ang lungga ni Amadea. Inabot rin ako ng isang buwan!

"Ano mga pare?" Binalingan ko si Ahzer, sunod si Ruid at Yuri.

Kung lakas ang pag babasehan pwede na ang tatlong kaibigan nya na ipantapat kay Amadea.

"No problem, dude!" Si Ahzer sabay suot ng black mask na tanging mata at bibig lang ang labas.

Si Yuri naman ay niladlad ang itim at malaking bag na kasya ang tao. Nag suot ng maskra.

"Tara na!" Si Ruid na matapos mag mask ay nauna nang lumabas ng sasakyan.

"Hey!" Muling tawag ko sa tatlo bago maka layo.

"Err, good luck?" Sa tingin ko ay kakailangan talaga nila iyon.
Knowing Amadea.

Naiwan kaming dalawa ni Lorcan.

Nag antay sila... hanggang sa naging limang minuto...

"Bakit ang tagal?" Nilingon sya ng kaibigan. Naka sando, tsinelas at pajama lang ito. Tumakas lang kasi sa asawa.

Napa lunok ako. Medjo kinabahan na rin. Nag alala sa mga kaibigan.

"Mag antay pa tayo. Susunod tayo pagka tapos ng limang minuto pa." nag kasa ng hawak na baril. Lisensyado naman iyon.

"Shet, men! Siguraduhin mo lang na makaka uwe ako kahit may bangas. Mas nakaka takot magalit si Misis lalo pat buntis iyon sa pangatlo ko." Nakanngiwi nitong saad. Alumpihit.

Ilang minuto pa ang lumipas. Hanggang nag pasya na akong bumaba. Sumunod si Lorcan.

Pero nakaka ilang hakbang palang kami ng makita namin ang tatlo.

Dali dali kaming pumasok ng sasakyan.

"Saan namin ito ilalagay?" Si Yuri habang pinag tutulungan nilang dalawa ni Ahzer ang malaking bag.

"Sa likod. May espasyo pa roon."

Agad na tumalima ang dalawa.
Umusad na ang sasakyan pagka sakay ng tatlo. Patungo na kami sa susunod na destinasyon.

"Ayos lang kayo?" Tanong ko sa tatlo.

"Tangina mo ka pare!" Si Ruid na hinihingal habang tinatanggal ang mask. Basa ito ng pawis.

"Napa laban kami!"

Kaya naman pala ang tagal nila.

"Mukha ba kaming ayos pare? Tingnan mo nga ito!" Sabay turo ni Yuri sa tagiliran. May tama ito pero hindi malalim.

"Buti magaling itong si Ahzer! Ang astig mo dude!" Tuwang nakipag apiran si Yuri kay Ahzer.

"Kahit naman kayong dalawa, hindi pa huhuli." Biglang nag tagalog si Ahzer na ikinagulat ng lahat maliban sa kanya.

"Punyeta! Nag tatagalog ka pala! Pinahirapan mo pa kaming mag Ingles!" Si Ruid.

Dangerous Vixen: AmadeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon