CHAPTER 4
Amadea
Tulad nang ilang araw kong ginagawa, anino ako ni Redderick.
Sa tatlong araw kong pag babantay rito, tiyak kong tungkol sa kasong hawak nito ang dahilan.
Isang politiko ang kailangan nitong kalabanin na hinainan ng kasong patong patong ng isang mababang rangong opisyal. Ang nasabing opisyal ay may anak na menor de edad na babae, na ginalaw nang politiko.
Alas onse pasado ng pumasok ako sa kabahayan ng lalaki. Dumaan ako sa likod bahay gamit ang binigay nitong duplicate key. Hindi na ako nag abalang buksan ang ilaw, sanay naman ang mga mata ko sa dilim.
Walang ingay na tinungo ko ang pangalawang palapag ng bahay.
Dumiretso ako sa silid nang lalaki. Kumatok ng apat na beses.Umawang ang pinto, akmang papasok na ako ng may nahagip ang tingin ko mula sa labas ng bintana ng living room. Isang anino.
Dali dali akong pumasok ng silid.
"Tumayo ka! Bilisan mo." bulong ko habang hawak ito sa braso at ibinabangon sa pag kaka higa.
"H-huh? Teka. Anong--" binuksan ko ang pinto ng banyo at ipinag tulakan ito papasok.
"Ilock mo. Huwag mong bubuksan ang pinto hanggat hindi ako kumakatok." sabay hila ko pasara nang pinto.
Dali dali akong sumuot ng kumot at nahiga ng kama. Ipinatong ang isang braso sa mata ngunit may awang upang makita ang kung sino mang papasok ng silid.
Lihim akong napa ngiti ng dahan dahang umawang ang pinto pumasok ang isang tao. Sa entrada palang ay may kung anong ginagawa na ito. Lumapit ng dahan dahan sa kama.
Nakita kong umangat ang kamay nito at agad akong huminga ng malalim. Saktong inilagay nito ang kamay na may panyo sa itong at bibig ko ng pigilan ko ang pag hinga.
Bobo eh!
Mabilis kong hinaltak paalis ang kamay nito mula sa pulsuhan na sinabayan ko ng sunod sunod na pag siko ng mukha nito. Partikular sa sintido. Saka hinablot ang buhok nito sabay hampas sa headboard. Tulog!
Saktong katutulak ko lang sa pangahas ng bumukas muli ang pinto. Agad kong pinag huhugot ang mga patalim na nasa binti ko lang at inihagis sa bagong pangahas bago pa ito maka kilos. Bumaon iyon sa kamay nito at hita.
Dumaing ang pangahas, pinag huhugot nito ang mga patalim ko habang nag mamadaling lumabas ng silid.
Tumakbo ka man pero wala kang pupuntahan!
Mabilis ang bawat hakbang ko habang papalabas ng silid at hinuhugot sa holster ang baril. Dinampot ang isa sa mga patalim.
Saktong nasa dulong hagdan na ako ng makita ang pangahas na aabutin na ang pinto. Agad ko itong binaril. Sakto sa bukong bukong dahilan upang pumalahaw ito habang naka sadlak sa sahig.
Ikinasa ko ang hawak na baril. Itinutok.
"H-huwag! Huwag! Maawa kaaa!" Kaka atras nito'y napa sandal ito sa pinto. Hindi malaman kung paano lalabas.
"Itapon mo yang baril mo." Utos ko.
Sa pagka taranta yata kanina ng pangahas nalimutan nitong may dala itong armas.
Nais kong matawa. Masunurin ang pangahas eh.
"Pangalan."
Dumaing ito. Muling nag maka awa.
BINABASA MO ANG
Dangerous Vixen: Amadea
General FictionRedderick Alleje. A very well known Attorney in Asia, One of the top 10 in the list, actually, and a Bachelor. Ngunit sa kanyang tinatamasang tagumpay kaakibat niyon ang panganib. So his father, Attorney Gregeory Alleje make a move. A very crazy mov...