CHAPTER 20
Amadea
Napa hinga ako ng malalim at napa hawak sa malamig na kadena upang suportahan ang pag tayo ko sa harap ng ama.
Nasa likuran ko ang isa sa sampung mga punisher ng organisasyon.
Malaki parin ang kontribusyon ng ex-boss dahil hindi pa nito lubusang iniiwanan ang posisyon nito. Palibhasa itini-train pa rin ang kapalitan nito.
Masakit na ang likuran ko dahil sa kaka hampas na rin ng latigo. Baliwala ang suot kong makapal na jeans at hoodie. Tyak nyang gulagulanit na iyon sa kanyang likuran.
"Tatlo nalang..." nginitian ko nang nakaka loko ang Ama. Katabi nito ang papalit sa posisyon nito.
Nalaman na kasi ng Ginoo ang ginawa nya.
Kaya heto sya ngayon, nilalatigo na aabot sa singkwentang hampas at pag papatatak sa kanyang tagiliran.Walang nag bago sa ekspresyon ng mukha ng Ginoo. Blanko. Pero ang katabi nito ngising ngisi.
"Kung ganon..." lumipat sa harapan ko si Aoie.
"Gawin nating mas masarap ang huling tatlong hataw." Saka walang habas nitong inihataw sa kanya ang latigo.
"Fu ck!" Hindi pa man ako nakaka bawi sa isa, nasundan na iyon ng isa at isa pa.
Damang dama ko ang lanit nang init sa tyan, sa dibdib at mukha na natamaan.
"Hindi ka kasi marunong sumunod sa utos eh." Walang emosyong pinunit nang lalaki ang suot kong damit. Walang kahirap hirap na tila ba isa lamang iyong papel.
Nag tagis ang mga bagang ko ng makitang nilapitan ni Aoie ang isang umuusok usok pang balde na yari sa yero. Sinipa sipa iyon palapit sa gawi ko habang hawak sa isang kamay ang isang baldeng puno ng ice.
"May karapatan kang sumigaw." Naka ngisi pa ito sa kanya habang nag susuot ng gwantes.
Mula sa balde inangat nito ang isang bakal. Halos mag kulay pula na iyon dahil sa tindi ng init. Sa dulo niyon ang simbolo ng ordanisasyon. May lapad iyong two inches at habang five inched. Ngunit muli rin iyong ibinalik ng lalaki sa mga nag babagang uling.
"Ito ang pangalawa mong pag labag, Amad. Ang tatag mo rin, ano?"
"Ang dami mong sin--- aaaahhh!"
Napa hiyaw ako nang literal dahil sa hindi ako handa sa pag paso ng walangya. Ni hindi nya ako hinayaang makalayo dahil agad nya akong pinigil sa bewang."Sigaw lang, Amad."
Agad kong inawat ang sarili upang hindi masiyahan ang lalaki. Na ikinalisik ng mga mata nito at lalo pang ipinag diinan ang bakal sa aking katawan.
Habol ko ang hininga ng bitawan nya ako.
"Hindi pa tapos, Amad, May isa pa."
Dumugo ang ibabang labi ko at mariing pumikit upang hindi mapa hiyaw sa sakit. Matapos ang init, ang sobrang lamig na bakal naman ang idinampit sa namamanhid at namamagang balat.
Kahit gusto kong mamilipit sa sakit ay hindi ko narin kaya.
"Hindi ka masayang kalaro, Amad." Kinalas na ni Aoie ang kadena sa mga pulsuhan ko.
BINABASA MO ANG
Dangerous Vixen: Amadea
General FictionRedderick Alleje. A very well known Attorney in Asia, One of the top 10 in the list, actually, and a Bachelor. Ngunit sa kanyang tinatamasang tagumpay kaakibat niyon ang panganib. So his father, Attorney Gregeory Alleje make a move. A very crazy mov...