That Feeling

1.6K 39 0
                                    

CHAPTER 10

Amadea

"Dahil... gusto kita, Amadea."

"Totoo. Hindi bilang kapatid kundi bilang babae."

"Kung labag man sa larangan nang batas ang mahalin ka, handa akong gumawa nang bawal para sa iyo."

Nang gigigil na ginulo ko ang magulo nang buhok. Napa mura.

Kanina pa sya roon iniwanan ni Red sa living room.

"Kailangan kong maka alis rito!" Agad agad akong tumayo at sinalubong ng walang hanggang kadiliman, malamig na ihip ng hangin at tunog ng nag hahampasang alon.

"Kaya kong languyin iyan." Mabibilis ang bawat hakbang ko tungo sa dagat pero napa bagal rin.

Letse! Marunong man akong lumangoy eh saang direksyon ako pupunta?

"Baka mamaya yung nilalangoy ko, katugtong ng dagat pasipiko!" Napa balik ako sa bahay.

"Telepono." Napa kapkap ako sa katawan. Kaso wala. Pero may nakita akong landline phone.

Napapa buntong hininga nalang ako ng angatin ko ang aparato ng teleponong di-ikot.

Ang dial number nun ay paikot at sinauna. Mabuti nalang ay marunong syang gumamit.

"Arzhel!!!" Naka kuha ako ng pag asa ng sagutin ng lalaki ang tawag ko.

"Speaking. Sino ito?"

"Si Amadea ito. Tulong!" Humigpit ang hawak ko sa aparato.
"Kinidnap ako!"

"Ano?!" Napa mura ito.
"Sandali... hahanapin ko kung nasaan ka."

Sandali akong nag antay.

"Amad. Hindi ko makita kung nasaan ang lokasyon mo."

"Ano!? Pero bakit?" Suot ko pa ang hikaw ko.

Pero napa mura nalang ako ng hindi ko makapa ang hikaw kong may tracking device sa kaliwang tenga. Marahil ay natanggal ng makipag buno ako sa tatlong lalaking binayaran ni Red.

"Ganito... anong nasa paligid mo?
Hahanapin kita, huwag kang mag alala."
Narinig ko ang pagka lagabog ng pinto sa kabilang linya.

"Am, ano eh... mga puno s-saka tubig dagat. Parang isla."

"Anong sabi mo, isla? Sa daming isla sa Pilipinas baka matanda na ako hindi pa kita natatagpuan!"

"Or worse baka patay na--"

"Dont say that!! Basta! Hihingi ako ng tulong kay Ex-Boss."

Laglag ang balikat kong ibinaba ang hawak.

"What now Amadea?" Napa suklay ako ng buhok.

Rest?

"Maige pa ngang maka pag pahinga na lang." umakyat ako ng hakdan.

Pinihit na nya ang dalawang pintong nadaanan at ang huli lang ang bumukas.

Napatda ako sa kina tatayuan ng makita si Red na hubad baro at naka sandal sa headboard ng kama. Dumudutdot ng phone.

Dangerous Vixen: AmadeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon