Alright

1.4K 31 0
                                    

CHAPTER 14 (SSPG!!)

Redderick

Inioff ko ang phone saka iyon muling itinago. Mabilisan kong ginamot ang mga sugat at ibinenda saka lumabas ng silid.

Napa bagal ako ng lakad papasok ng hapag kainan nang makitang handa na ang mesa. Pero si Amadea, naka tulala.

Tumikhim ako para mag papansin.
Tila ito natauhan. Kumilos upang hainan sa sarili.

Itirik ko ang mga mata at napailing.
Umaasa pa naman akong aalukin nya akong maupo o lalambingin.

Kumain kami ng tahimik. Ito ang pangalawang gabi na silent war kami. Ang una ay yung bagong dating kami sa lugar.

Nang pakiramdam ko ay mahihirinan ako ay agad kong inabot ang pitsel pero nauhan ako ni Amad. Ito na rin ang nag salin ng tubig.

Pagka hapunan ay nanunuod ako pero si Amad ay lumabas. Hindi ako mapakali kaya sumilip ako sa bintana.

Bukas ang ilaw sa harap ng bahay pero nasa tabing dagat mismo ang babae.
Naka tayo lang roon. Hindi gumagalaw.

"Anong gagawin mo?" Naalarma ako bigla ng makitang gumalaw si Amad. Lumusong sa tubig.

Panay ang mura ko habang papalabas ng bahay.

"Amadea!" Ang lakas ng kabog ng dibdib ko ng hindi nya ako lingunin at nag dive sa tubig.

Baka plano nalang nitong languyin ang tubig para maka alis sa poder ko.

Shit talaga!

Agad kong hinubad ang damit. Saka lumusong sa tubig.

"A-Amad! Amadea!" Sigaw ko pa. Pero wala. Hindi ko sya makita.

Tangina! Bakit ba gabi nya pinlanong tumakas?! Wala akong makita.

Nang mag maaninag akong bulto agad ko iyong nilapitan para lang mapag tantong isa iyong malapad na batuhan.

Letse!

Naiiyak na talaga ako. Maingat na sumampa ako sa batuhan.

"Amad kooo! Nasaan ka na baaa! Bumalik ka na!! Batii na tayo!!! Hindi na ako galet!"

Shit talaga!? Hindi kami pwedeng bumalik.

Naka ilang tawag at sigaw rin ako pero wala. Lumangoy ako muli tungo sa pampang.

Agad kong dinampot ang damit nang makita sa di kalayuan ang damit na pinag hubaran ng babae.

"Letse! Ano, plano mong languyin ang pacific ocean na hubo lang! Di mo ba alam na kapag makita ka nang mga tao, tyak yang katawan mo kulang kulang na!" Gigil kong pinag dadampot ang saplot ni Amadea.

Dali dali akong tumakbo sa bahay. Initsa sa sofa ang mga hawak saka tinungo ang telepono.

"Peste!!!" Walang dial tone.
Ilang ulit kong ibinalik ang handle sa katawan niyon. Nang wala talaga tinigilan ko na. Tumakbo ako paakyat ng bahay.

"Shit ano ba!?" Napa sabunot ako sa buhok ko. Konti nalang talaga iiyak na ako.

Wala akong signal!!!

Nag hanap ako ng signal sa buong kwarto.
Nawawalan na ako nang pag asa.
Nag papanic na ako!

Itinapon ko ang walang silbing phone sa kama saka dali daling bumaba. Tinry ko ulit ang telepono.

"Shit! Shit!" Wala talaga!!

Binitiwan ko na ang hawak saka pumihit at handang takbuhin ang pintuan ng makita kong nag lalakad si Amadea.

Dangerous Vixen: AmadeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon