CHAPTER 5
Redderick
Padaskol kong inilapag sa mesa ang basong iniinuman. Muling akong nilapagan ng alak ng barista.
"Hey, men..." si Yuri. Pawisan. Umupo sa kanyang tabi.
"Levi. Yung hard mo nga." Senyas pa nito sa barista habang may nakaka lokong ngisi sa labi.Muli akong uminom habang baka tutok ang mga mata sa baristang babae ng kaibigan.
"Saan mo pala nakuha iyan?" Naka turo ang isang daliri ko sa barista.
"Thanks! Kaka baba lang nyan ng barko." Uminom si Yuri pagka bigay rito ng alak.
"Magaling eh, tinanggap ko na."Umangat ang isang kilay ko sabay paling dito.
Napa tawa naman si Yuri.
"I mean, magaling sa trabaho! Saka alam mong hindi ko trip ang mga kulot!""Salamat sa panlalait, boss." Muling nag lapag ng basong may alak ang barista. Balik na naman ito sa pag lalaro ng mga bote. Pinasisikatan ang mga nanunuod na natutuwa rito.
"See? Hey men!" Sabay apir nito sa bagong dating na si Ruid.
"Kanina pa kayo?" Naupo si Ruid sa tabi ni Yuri.
"Oo." Muli akong tumunga.
"Saan ang iba?"
"Wala. Busy." Si Yuri.
"Mukhang nakaka rami kana, ah?" Si Ruid.
"Dalawang oras na iyan rito." Si Yuri.
"Problema?" Si Ruid.
Malalim akong napa buntong hininga. Naiinis na hinagod ang buhok gamit ang dalawang kamay.
"She's back." Aniya sa mga ito.
"Back? Sino?"
"Yung kapatid ko." Sabay inum ulit.
"Ano?! Teka? May kapatid ka!!?"
"Hindi ko sya lehitimong kapatid!" Inis na hinarap ko ang dalawa.
"Teka. Doon kaya tayo sa opisina." Nauna ng tumayo si Yuri.
Bago pumanhik sa ikalawang palapag nakita ko pa si Amadea, kalingkisan ang kanyang sekretarya.
Pagdating sa opisina ni Yuri, ibinagsak ko ang sarili sa dulo ng mahabang sofa.
"Geez, men! Seryoso ka?" Si Ruid na nag sasalin ng alak sa baso.
"Mag kapit bahay tayo pero hindi ko nakita yung kapatid na sinasabi mo."
Tinanggap ko ang baso mula rito.
"Kakalipat lang kasi namin noon sa subdivision. Noong mga panahong yun, nan doon na sya sa tatay nya.""Oh, Anong problema?" Si Yuri na naka upo sa pang isahag upuan.
"Ang problema, nakaka inis sya! Pati sekretarya ko, nilalandi nya!"
BINABASA MO ANG
Dangerous Vixen: Amadea
General FictionRedderick Alleje. A very well known Attorney in Asia, One of the top 10 in the list, actually, and a Bachelor. Ngunit sa kanyang tinatamasang tagumpay kaakibat niyon ang panganib. So his father, Attorney Gregeory Alleje make a move. A very crazy mov...