Upside Down 1

1.8K 49 1
                                    

CHAPTER 7

Redderick

Nangangalumata akong lumabas ng silid.
Hindi ako pinatulog ni Amadea.
Pero hindi naman ako nag sisisi na hinalikan ko sya kagabi at pagka tapos ay pinahalik nya rin ako sa tiled floor.

Buong gabi akong parang tanga na ngumi ngiti sa kawalan. Para akong school boy na nag papapansin sa crush nya. Pero mahigit pa sa crush ang nararamdaman ko para kay Amadea.

Kung anong ikinag astig at ikina tigas ni Amadea ay siyang lambot ng labi nito.

Ako kaya ang first kiss noon?

Ngingiti ngiti akong tinungo ang komedor para lang mapalis iyon ng makita si Lemuel na nag hahanda ng almusal.

"Uy, sir! Andyan ka na pala. Kain na."

"Nasaan si Amadea?"

"Umalis kaninang alas tres." Nag timpla naman ito ng kape.
"Lalagyan ko ba nitong cream?"

"Hindi." Dumulog na ako sa hapag.
"Saluhan mo na ako."

Agad na tumalima ang lalaki.

"Saan daw pupunta si Amadea?" Nag umpisa na kaming kumain.

"Walang sinabi, Sir."

Patlang. Pero panay ang sulyap nya sa kaharap.

"Sir. Tigilan nyo na iyang pag sulyap sulyap nyo sa akin. Hindi tayo talo."

Masama ko itong tiningnan. Hindi ito naka tingin sa kanya ng mag salita.

"Gaano na kayo katagal magka trabaho ni Amadea?"

"Urm..." uminom ito ng kape.
"Halos mag aapat na taon na rin."

"Hindi nyo naiitanong Sir, iyang kapatid nyong iyan..."

Hindi ko sya kapatid!!
Mangali ngali ko ng sigawan si Lemuel.

".... sa batang edad reterado ng lieutenant Colonel. Malakas na, matalino pa! Yun nga lang... napaka seryosong tao, mahirap hulaan kung anong gusto..." napa iling ito.

"... madami ring nag kaka gusto dyan sa departamento. Kahit hindi pala ngiti, hah! Mabait iyan! Pero alaws eh!..."

"... Yung tipong mag paparamdam ka palang, binabasted kana--"

"Nangare na sa iyo?" Putol ko sa pinag sasasabi nito.

Napa kamot ito ng ulo. Ngumiwi.
"Hindi. Hindi ko sinubukan, sir. Ayokong mapa hiya katulad ng iba."

Mabuti kung ganoon
Unti unting lumuwag ang mahigpit na pag kapit ko sa mga kubyertos.

"Nagka nobyo naba sya dati?" Ini urong ko ang plato matapos ubusin ang huling subo ng pagkain. Nag kape.

"Oo. Pero ayon sa nabalitaan ko lang ah... yung kapatid nyo ikakasal na iyan."

"M-may.. may fiancé na sya?" Shocked.
Laglag rin ang balikat ko sa nalaman.

"O-Oh? Tapos? An'yare?" Naging alerto ang bawat himaymay ng aking katawan.

Nag kibit balikat si Lemuel.
"Ayun... pinost pone muna."

Dangerous Vixen: AmadeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon