CHAPTER 6
Amadea
Tuloy tuloy lang ako sa pag pasok ng bahay. Iniangat ang puse ng kuryente. Nakaka pagod ang byahe patungong Tagaytay.
Hindi ko iniintindi ang nag liligalig at matanong na si Redderick na kung saan sya pumunta ay naka sunod. Buong byahe nag bubunganga ito. Paulit ulit!
"Hoy! Amad--"
"Hayon ang kwarto mo. Mag pahinga kana." Ani ko habang pumapanhik sa iilang baitang ng hagdan.
"Pwede ba! Sagutin mo ang mga tanong ko!"
"Paano mo ako nagawang baligtarin?!"
Isasara ko na ang pinto ng kwarto ko ng itulak nito ng malakas ang pinto. Hinawakan ako ng mahigpit sa mag kabilang braso.
Namumula ang mukha nito at gigil na sa kanya. Kulang nalang lamunin ako ng buo.
"Hindi ako maka paniwala!" Niyugyog nya ako. Yung malakas. Nakaka bingi rin ang boses nito. Mag ka lapit na sila naninigaw pa rin.
"Mukha kang pera! Naki pag sabwatan ka pa talaga sa Governor na iyon! At gayon na rin ang sekretarya ko! Tangina!" Padaskol nya rin akong binitiwan.
Nag pa lakad lakad ito, na papa hagod sa buhok. Hindi talaga maka paniwala sa nang yayare.
Bahala kang mag isip dyan.
Tinalikuran na nya ito at tinungo ang cabinet. Humugot nang damit.
Narinig nya ang pag singhap ni Red. Sa pag lingon nya rito ay para itong tinuka ng ahas habang naka titig sa duguang kamay.
"Lumabas ka na." Taboy ko rito habang hinuhubad nang maingat ang coat na suot.
Masakit ang tama nya sa braso pero kailangang indahin.
"Oh God! May tama ka." Napa lapit ito. Ngunit hindi malaman kung paano sya hahawakan.
"Nakaka tawa ka. Kanina halos patayin mo na ako sa mga pinag sasasabi mo, ngayon naman... nag aalala ka?"
Hinubad ko na rin ang suot na bullet proof.
"Bakit hindi mo sinabing may tama ka--"
"Manahimik ka. Naririndi na ako sa boses mo! Kanina ka pa talak ng talak! Daig mo pa ang babae!" Singhal ko rito.
"Amad!!"
Sabay pa silang napa lingon ni Redderick sa tumawag. Sì Lemuel. May hawak itong medical bag.
"Pumasok ka na Lemuel. At ikaw. Lumabas ka na." Baling ko muli kay Redderick.
"A-ano? Hindi! Dito lang ako!" Sabay upo nito sa kama.
Naupo ako pasandal sa head board.
"Hindi. Mahiga ka, Amad." Si Lemuel.
Agad akong humiga. Tinurukan nya agad ako ng anesthesia. Handa nang hugutin ni Lemuel ang bala nang umepal na naman si Red.
"Hindi ba kailangan syang lagyan ng dextrose?"
"Manahimik ka! Alam nya ang gagawin."
Pinanlisikan ko ito ng mata."Ready...?" Tanong pa ni Lemuel.
Tumango ako at sa iba ibinaling ang tingin. Kahit may anesthesia ay dama ko pa rin ang kirot.
Narinig nya ang kalansing ng bala. Nag ayos si Lemuel ng gamit sa pantahi.
"Para mabilis mag hilom." Ilang saglit pa, na tahi at binendahan ni Lemuel ang sugat ko.
BINABASA MO ANG
Dangerous Vixen: Amadea
General FictionRedderick Alleje. A very well known Attorney in Asia, One of the top 10 in the list, actually, and a Bachelor. Ngunit sa kanyang tinatamasang tagumpay kaakibat niyon ang panganib. So his father, Attorney Gregeory Alleje make a move. A very crazy mov...