Seduction 13

129 1 0
                                    


"Francis Luke Diaz!" niyakap ko sya ng napaka higpit. "Awwhh, I miss you!" niyakap nya ako pabalik.

"I miss you too george!" ani nya sa baritonong boses! Ang boses nya! Ang laki ng pinag bago. "Saan ka nag tatrabaho?"

"Sa manila! Sa isang village." tumango tango sya.

Bumalot ng pagkamangha ang mukha nya. "Talaga ba? Sa Manila ako nag aaral eh! Isang taon na! Sa Curchill Institute of college."

"Ang layo naman!"

"Oo nga eh. Babalik ako run next week. Pwede rin tayong mag bond dun. Kung meron kang time."

Mabilis akong tumango sabay sabi "oo naman!"

"Si Maria na ba yan?" tanong ng tindera.

"oo naman ho Cha Teri!" sagot ni Francis.

Labas si Cha Teri at yinakap ako. "Ay Hija, na miss kita ng sobra. Halika pasok!" giniya nya ako papasok ng bahay. Agad ko naman iyong tinanggihan. Nakaka hiya naman kung papasok ako sa bahay nila ng walang pasalubong o kahit na ano mang pang angat loob.

"Wag na ho Cha Teri, may gagawin pa naman po ako ngayong araw eh." i lied. May jetlag pa ako. "Tsaka lumabas lang naman ho ako para mag pa hangin, eh nakita ko ho itong si France."

"Hay! Sige sige, wala namang pinag bago itong baranggay na pinanggalingan mo Maria eh. Kurakot parin." reklamo nya, na sinagutan ko lang ng ngiti.

Inakbayan ako ni France. "oh pano ba yan akin ka na muna."

Tumaas ang balahibo ko sa sinabi nya. Sanay na ako pero di ko parin magawang hindi kilabutan dahil sa pinag sasabi sabi nya. Anu ba yan! Mas lumala nga ata ngayon eh.

Hinampas ko sya "Ano ba naman yan! Rami mo namang alam! Manahimik ka nga lang" pananaray ko sakanya.

"Ish! Punta tayo sa puno bilis!"

Giniya nya ako sa puno na lagi naming tinagambayan nuong bata pa kami. Ito ang naging saksi kung gano ka brutal at kasaya ang kabataan ko noon.

Umupo kami sa ilalim nun. "Eh bakit ka umuwi?" panguna nya.

"Fiesta" tipid na sagot ko.

"Ay oo nga pala."

Hindi na ako nag tanong kung bakit rin sya nandito kasi nasagot na yun n katanungan kanina. Alangan namang ulitin ko diba? Hay naku!

Napa kamot sya sa batok at tiningnan ako ng maiigi. "Ang laki ng pinag bago mo ah?" tanong nya.

Nakipag salubong ako ng tingin sakanya. I chuckled. "Yeah, I think so."

"Marunong ka na ring mag ingles."

"Uh.. Di naman, konti lang."

Halos mapigti ang hininga ko ng iligay nya ang konting buhok ko sa likod ng tenga ko! For pete's sake! Nabigla ako dun ah?

"Wag mong hayaan na lamunin ng buhok mo ang mukha mo, hindi bagay sayo. Hindi na hahalata ang kagandandahan mo."

Nanlalaki ang mata ko sa sinabi nya. Ano nanaman bang kalokohan ang mga pinag sasabi nya? "E-Ey?"

Tumawa sya ng kaunti at bahagyang sinuntok ako. "Naniwala ka naman, hay naku, tigilan mo na ang pag pantasya."

"Teka, inaano ba kita?"

"Eh inaano mo ba ako?"

"Wala naman ah!"

Umiling iling sya at napa kagat labi.

Seductively Sweet TemptationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon