Seduction 20

97 3 0
                                    

Napa kagat labi ako habang nasa harapan ko ngayon si Cal. Nasa loob kami ng kanyang kwarto.  Busy naman sya sa pag bibihis, papasok na kasi sya sa trabaho. Sasama ako sakanya dahil iyon ang pangako nya ngayon. 

Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang pag papa alam ko sana ako para sa birthday ni Danna. Nakaka hiya naman kung hindi ko sya susulputin sa Lucifer's para sakanyang birthday. Minsan rin naman ako mag attend sa ganitong klaseng okasyon kaya sa tingin ko ay okay lang naman sakanya.  Sya pa nga mismo ang nag sabi na kailangan ko naman na sumali sakanila. 

"Halika na ready na ako!"

Agad nyang kinuha ang kamay ko at hinila ako palabas ng kanyang kwarto. 

"Mom alis na kami! " sigaw nya kay madam.

"Bye po! " Paalam ko at winagayway ang aking kamay. 

Tumango at ngumiti saamin si Madam.

Nag patuloy kami sa kanyang kotse. Pinag lalaruan ko ang lang aking kamay hanggang sa maka alis na kami ng bahay. Naka tingin lang ako sa labas at nag iisip kung paano simulan ang pag papa alam ko. 

"You look bothered baby,  What's wrong? "

Napa lingon ako sakanya. Seryoso syang nag mamaneho at naka tingin lang ng deretso sa daan.

Umiling ako. 

"Wala lang ito."

Tumingin ulit ako sa labas. 

Gusto kong sapakin ang sarili ko dahil sa mga pinag sasasabi ko sakanya.  Bakit ba hindi ko masabi sakanya ng derekta?  Mag papa alam lang namannako sakanya.  Gusto ko lang na malaman nya kung saan ako pupunta sa gabing iyon. 

Kahit busy pa sya lagi, gusto ko parin na updated sya sa buhay ko.  Hindi nya man laging ginagawa ang mga bagay na ito saakin. Iyon parin ang hilig at gusto ko.

"Ba... Ano yun? "

Napa lingon ako sakanya nang marahan nyang hinawakan ang kamay ko. 

I smiled.

"Kasi mag papa alam lang sana ako---k"

Napa tingil ako nang pag sasalita nang mag ring ang phone nya. 

Nahihiyang ngumiti sya saakin. "Sorry"

Tumingin na lang ako sa labas nang sagutin nya ang tawag.  Nasa university na pala kami.  Gusto ko na umalis, busy naman din sya, baka ma late pa sya dahil saakin.  Ayoko naman na mag ka ganoon. 

Hinigpitan ko ang hawak ko sa bag at hinalikan si Calister sa pisngi.  Lumingon sya saakin at humingi ulit ng pasensya. Binigyan ko lang sya ng pilit na ngiti at padabog na umalis sa sasakyan. 

Minsan ay hindi ko naiiwasan ang mag tampo.  Hindi naman sya ganito ka busy noon.  Lumala lang ito dahil sa bagong project nila na sinabayan ng problema sa sa publishing company nila dahil sa kawalan ng papel ng pinag kukunan nilang supplier. Hindi ko alam kung ayos na ba iyon o hindi pa.  Iyon lang ang huli kong alam. 

"Georgianna! " Napa lingon ako sa likod ko nang may tumawag saakin.  Bumungad saakin ang naka ngiting bungisngis na si Schanelle. Winawagayway nito ang kanyang kamay habang papalapit saakin. 

Nginitian ko sya pabalik.  Pilit na inaalis ang nasa isip tungkol saamin ni Calister. 

"Hi, Nelle." Bati ko nang tukuyan na syang maka lapit sa tabi ko. 

"Tara na." kinalabit nya ang kamay braso ko at nag patuloy na sa pag lakad papunta sa room namin. 

"May test tayo ngayon diba? Nako! Ang hirap nanaman nya panigurado.  Bakit ba feeling ko lagi na lang tayo may test? " malungkot na na saad nya. Umupo ako sa likod nya at nag bukas ng libro. 

Seductively Sweet TemptationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon