"Yung mga gamit mo ba okay na? Naplantsa mo na ba yung uniform mo? Sino mag hahatid sayo? May baon ka na ba? " Sunod sunod na tanong saakin ni Tita mayordoma.
Natawa ako sa pag aalala nya. Alam kong excited sya at concern saakin ngayong 1st day of school ko.
Hindi ko alam ang nararamdaman
"Okay na po Tita, naka ready na mga gamit ko. Wala ngayon si Cal, nasa trabaho, kaya ko naman na ang sarili ko tita. 'Wag po kayong mag alala." nginitian ko sya kaya naman ngumiti sya pabalik.
Nagalaw ko yung pera sa bank account ko dahil kailangan ko ng panustos para sa mga pangangailangan ko sa paaralan. Ayoko namang abuso na lang ako kay Calister dahil alam kong mali iyon.
"O sya sige na dahil ma lelate ka na."
Sabay kaming lumabas ng kuwarto. Dala ko ang bag ko.
Nang maka rating ako sa Sala ay nandoon si Ma'am Amethyst. Sinalubong nya ako ng natamis na ngiti pag ka baba nya ng kanyang tsaa.
"Aalis ka na Georgianna? Sabay na lang kayo ni Calina. Pakitawag nga po muna para sabay na kayo."
Gustohin ko mang tumanggi pero ang amo ng mukha ni Madam Amethyst kaya hindi ko rin nagawa. Isa pa, wala namang mag hahatid saakin papunta sa paaralan dahil busy si Calister ngayon. Gusto nya nga sana na icancel ang appointment nya sa ngayon para maka pag focus saakin ngayong araw pero mabilis akong tumanggi. Masyado syang nalulunod saakin to the point na hindi na nya masyado iniisip ang pwedeng mangyari sa mga bagay bagay.
Tumango ako sakanya at dumeretso sa taas.
Nang maka rating ako sa kuwarto ni Cali ay kumatok agad ako. Ako parin pala ang maid nito.
Hindi na ako ang personal assistant ni Cal.
"Cali sabay na dawe tayo sabi ni Madam. " Mahinahong saad ko habang kumakatok sa pintuan
"Inside!" sigaw nya mula sa loob.
Binuksan ko na ito. Di naman pala naka lovk, kung alam ko lang eh dere deretso na sana ako pumasok.
Naabutan ko sya na nag bibihis. Normal na saamin ang makita ang katawan ng isa't isa. Para na kaming magkapatid.
Ang mga gamit nya ay naka ready na sa kama nya. Makalat ang vanity table nya kaya nilagay ko muna ang bag ko sa kama at inayos ang mesa.
"What course did you get?" Biglang tanong nya saakin habang abala ako sa pag aayos ng gamit nya sa mesa.
"Business Ad." simpleng sagot ko.
"What? I thought you want English Lit? " tanong nya. Na iimagine ko na ngayon ang naka kunot nyang noo na tinatanong ako. V
I sighed. Yun nga ang gusto ko pero tumatanaw ako ng utang na loob kay Cal at sa pamilya Alcazar. Plano ko na mag trabaho sa opisina nila. Kung hindi man, nag negosyo na lang ako o kung ano man na mangyari. Hindi ko pa masyadong napag planuhan ng maayos.
"Yeah, dati, iba na ngayon."
"Alam mo? Gusto ko nga sayo na mag Tourism ka na lang, be a FA!" excited na sabi nya saakin. Tapos na nya isuot ang uniform nya at mukhang kailangan na lang mag ayos ng mukha.
"Maganda ka tsaka may katangkaran ka naman. Qualified ka na!" dagdag nya pa.
I rolled my eyes and sat on the edge of the bed.
BINABASA MO ANG
Seductively Sweet Temptation
RomansaMaria Georgianna Panggola, isang taga probinsyang babaeng hindi naka pa tapos nang pag aaral kaya nag apply bilang kasambahay sa Manila. She wanted to be wasted. She wants to be wild. But he can't find a man that can fit for her. Then Georgianna...